Pumunta sa nilalaman

Metabolikong landas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa biyokimika, ang mga metabolikong landas(sa Ingles ay metabolic pathways) ang sunod sunod na mga reaksiyong kemikal na nangyayari sa loob ng isang selula. Sa bawat landas, ang isang prinsipal na kemikal ay binabago sa isang sunod sunod na mga reaksiyong kemikal. Ang mga ensima ay kuma-katalisa sa mga reaksiyong ito at kalimitan ay nangangailangan ng mga diyetaryong mga mineral, bitamina at iba pang mga kopaktor upang gumana ng wasto. Dahil sa marami ang mga kemikal(metabolayt) na kalahok, ang mga metabolikong landas ay medyo detalyado. Sa karagdagan, ang maraming mga walang katulad na mga landas ay kapwa-umiiral sa isang selula. Ang koleksiyon ng mga landas ay tinatawag na metabolikong networko. Ang mga mga landas ay mahalaga sa pagpapanatili ng homeostatsis sa loob ng isang organismo. Ang kataboliko at anabolikong mga landas ay kalimitang kumikilos ng magkakasalig(interdependent) upang lumikha ng mga bagong biomolekula bilang mga panghuling dulong produkto.

Mga pangunahing metabolikong landas

[baguhin | baguhin ang wikitext]