Pumunta sa nilalaman

Nakaraan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Everything is in the Past (Vassily Maximov, 1889).

Ang nakaraan ay lahat ng kaganapan na nangyari bago ang isang binigay na punto ng oras.[1] Ipinagkakaiba ang nakaraan sa at nabibigyan kahulugan ng kasalukuyan at hinaharap. Hinango ang konsepto ng nakaraan mula sa pamamaraang tulad ng tuwid na linya na kung saan nararanasan ng nagmamasid na tao ang oras, at nakukuha ito sa pamamagitan ng memorya o paggunita. Karagdagan pa nito, tinala ang nakaraan ng mga tao simula ng pagdating ng sinulat na wika.[2] Tinatawag ang nakaraan sa Ingles bilang past at unang kilalang paggamit ng salitang "past" ay noong ika-14 na dantaon; nabuo ito bilang nakalipas na pandiwari ng gitnang Ingles na pandiwang passen na nangangahulugang "to pass" o "dumaan."[3]

Sa balarila, inuuri ang mga aksyon ayon sa isa sa mga sumusunod na panahunan ng pandiwa: nakaraan (nakaraan, patuloy na nakaraan, perpektong nakaraan, o perpektong patuloy na nakaraan), kasalukuyan (kasalukuyan, patuloy na kasalukuyan, perpektong kasalukuyan, o perpektong patuloy na kasalukuyan), o hinaharap (hinaharap, patuloy na hinaharap, perpektong hinaharap, o perpektong patuloy na hinaharap).[4] Tumutukoy ang nakaraan sa mga aksyon na nangyari na. Halimbawa, "naglalakad siya" ay tumutukoy sa tao na kasalukuyang naglalakad (panahunang kasalukuyan), habang tumutukoy ang "naglakad siya"T sa isang taong naglakad bago ngayon (panahunang nakaraan).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "past" (artikilog web). Dictionary.com (sa wikang Ingles). Dictionary.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hunyo 2018. Nakuha noong 25 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Christian, David. "Record Keeping and History: How We Chronicle the Past" (artikulong web). www.khanacademy.org (sa wikang Ingles). Khan Academy. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hunyo 2018. Nakuha noong 25 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Past" (Web) (sa wikang Ingles). Merram-Webster.com. n.d. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hulyo 2018. Nakuha noong 24 Hulyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Verb tenses". English Oxford Living Dictionaries (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hunyo 2018. Nakuha noong 25 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 23 October 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine.