Pumunta sa nilalaman

Nuremberg

Mga koordinado: 49°27′14″N 11°04′39″E / 49.4539°N 11.0775°E / 49.4539; 11.0775
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nuremberg

Nürnberg
big city, urban municipality in Germany, urban district of Bavaria
Watawat ng Nuremberg
Watawat
Eskudo de armas ng Nuremberg
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 49°27′14″N 11°04′39″E / 49.4539°N 11.0775°E / 49.4539; 11.0775
Bansa Alemanya
LokasyonMiddle Franconia, Baviera, Alemanya
Bahagi
Pamahalaan
 • lord mayor of NurembergMarcus König
Lawak
 • Kabuuan186.45 km2 (71.99 milya kuwadrado)
Populasyon
 (31 Disyembre 2022)
 • Kabuuan523,026
 • Kapal2,800/km2 (7,300/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, UTC+02:00, Oras ng Gitnang Europa
Plaka ng sasakyanN
Websaythttps://www.nuernberg.de/
Kastilyo ng Nuremberg

Ang Nuremberg (Aleman: Nürnberg[1]) ay isang lungsod sa Alemang estado ng Baviera, sa rehiyong administratibo (Regierungsbezirk) ng Gitnang Franconia. Nakalagay ito sa Ilog ng Pegnitz at sa Kanal ng Rhine–Main–Danube. Ito ang pinakamalaking lungsod ng Franconia. Nakalagak ito sa bandang 170 mga kilometro sa hilaga ng Munich, sa 49.27° Hilaga 11.5° Silangan. Magmula Enero 2006, nasa 500,132 ang populasyon nito. Noong 2001, bumubuo ang Nuremberg at ang pinakamalapit nitong mga kanunugnog na mga lungsod ng isang pook na urbanong may 1,020,000 mga kataong naninirahan.

Mayroong maraming mga institusyon ng mas mataas na edukasyon sa lungsod, kabilang ang Unibersidad ng Erlangen-Nuremberg (Friedrich-Alexander-Universität Erlangen-Nürnberg). Sa 39,780 na mag-aaral noong 2017, ito ang pangatlo sa pinakamalaki sa Baviera at ika-11 na pinakamalaking unibersidad sa Alemanya, na may mga kampus sa Erlangen at Nuremberg at isang ospital sa unibersidad sa Erlangen (Universitätsklinikum Erlangen). Matatagpuan din sa loob ng lungsod ang Technische Hochschule Nürnberg Georg Simon Ohm at Hochschule für Musik Nürnberg. Ang Nuremberg exhibition center (Messe Nürnberg) ay isa sa pinakamalaking kompanya ng convention center sa Alemanya at nagpapatakbo sa buong mundo. Ang Paliparan ng Nuremberg (Flughafen Nürnberg "Albrecht Dürer") ay ang pangalawang pinakaabalang paliparan sa Baviera pagkatapos ng Paliparan ng Munich, at ang ikasampung pinakaabalang paliparan ng bansa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Nürnberg". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 31.

HeograpiyaAlemanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.