Pumunta sa nilalaman

Obi-Wan Kenobi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gat Alec Guinness bilang Obi-Wan Kenobi.

Si Obi-Wan Kenobi ay isang tauhan mula sa mga kuwento ng Star Wars. Isa siya sa mga pangunahing tauhan ng Star Wars at isa sa mga tauhang lumabas sa lahat ng bahagi nito (kasama sina Anakin Skywalker, C3PO at R2D2). Siya ay ginanapan ng mga aktor na sina Gat Alec Guinness para sa Ikaapat hanggang huling bahagi at si Ewan McGregor naman para sa Una hanggang Ikatlong bahagi.

Unang lumabas si Obi-Wan Kenobi sa A New Hope na nagpapanggap na isang ermitanyo. Kalaunan matutuklasan na isa pala siyang Gurong Jedi, na siyang magtuturo kay Luke Skywalker kung paano gumamit ng Puwersa. Sa mga unang bahagi, ipinakita kung paano naman naging isang Gurong Jedi si Obi-Wan mula sa pagiging isa lamang mag-aaral.

Ewan McGregor bilang Obi-Wan Kenobi sa Attack of the Clones.

Isinilang si Obi-Wan sa Stewjon noong 57 BBY. Habang siya'y lumalaki, sumailalim siya sa pagsasanay bilang Jedi. Ang kanyang mga guro ay sina Master Yoda at Qui-Gon Jinn.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.