Pagproseso ng impormasyon
Sa sikolohiya, pagproseso ng impormasyon ang tawag sa pagbabago sa impormasyon sa paraang malalaman o matutukoy ng nag-oobserba. Sa ganitong pananaw, pinoproseso ng nag-oobserba ang mga nangyayari sa paligid niya, mula sa pagkahulog ng isang maliit na bato hanggang sa pagdaan ng panahon. Sa konteksto ng mga kompyuter, tumutukoy ang pagproseso ng impormasyon sa ginawa ng isang tagaproseso (Ingles: processor), tulad halimbawa ng isang printer, na nag-imprenta ng isang dokumento mula sa isang word processor papunta sa papel.
Sikolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinag-aaralan sa sikolohiyang kognitibo ang pagproseso ng impormasyon ng mga tao. Isa ito sa mga aspetong pinag-aaralan sa naturang larangan na nagsimula bilang isang pagkukumpara sa mga tao sa mga sinaunang kompyuter simula noong dekada 1950s.[1][2] Sentro sa pag-aaral na ito ang ideya na ang kognisyon ng tao ay ang pagkokompyut ng impormasyon sa paraang katulad ng mga kompyuter. Sa ganitong pananaw, masasabing "software" ang isip, na pinapatakbo sa "hardware" na utak. Ang pananaw na ito ay kapareho sa teorya ng nakokompyut na isip sa pilosopiya, at may kaugnayan sa kognitibismo sa sikolohiya at punsiyonalismo sa pilosopiya.[3]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Shannon, C. & Weaver, W. (1963). The mathematical theory of communication [Ang matematikal na teorya ng komunikasyon] (sa wikang Ingles). Illinois, Estados Unidos: University of Illinois Press.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sternberg, R. J. & Sternberg, K. (2012). Cognitive psychology [Sikolohiyang kognitibo] (sa wikang Ingles) (ika-6 (na) edisyon). California, Estados Unidos: Wadsworth. pp. 21, 193–205, 212–213.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Horst, Steven (2011). "The Computational Theory of Mind" [Ang Teorya ng Nagkokompyut na Isip]. Sa Edward N. Zalta (pat.). The Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)