Pahunos
Ang pahunos o ikapu (Ingles: tithe, a tenth) – orihinal na nangangahulugang ika-sampung bahagi[1] – ay ang ika-sampung bahagi ng kitang salapi, ani, o hayop na boluntaryong inaalay sa kawanggawa o kaya ibinibigay bilang abuloy sa simbahan, o bilang bayad sa pataw na buwis.[2] Mayroon itong layuning panrelihiyon.[3]
Sa Lumang Tipan ng Bibliya, nagbibigay ang mga tao ng Diyos ng pahunos bilang tanda na pag-aari ng Diyos ang lupa at dahil biniyayaan sila ng Diyos. Ginagamit din ang pahunos bilang pagbibigay ng suporta o tulong para sa mga pari, mga Lebita, at mga mahihirap na tao, katulad ng mga nahihiwalay o dayuhan, mga nawalan ng ama, at sa nabalo, mga taong itinuturing na nangangailangan ng pag-aaruga sa tulong ng karaniwang kaban ng yaman ng pamayanan o "pitaka ng bayan". Isa itong gawain na nagpapaalala sa mga Israelita ng kanilang responsibilidad sa pamayanan.[1][4] Kaugnay ng Deuteronomyo 26, isang pagkilala na biyaya ng Diyos ang pag-aalay ng unang produkto ng isang pag-ani o "unang mga bunga", dahil ibinibigay ng Diyos ang mga pangangailangan ng tao. Isang pagtugon ng pagsamba at pasasalamat sa Diyos ang alay ng pahunos, na katumbas ng isang taong pagkalinga at pangangalaga ng Diyos sa tao.[4]
Sa kasalukuyang paggamit, isa itong pag-aalay ng pera sa Diyos[1] para sa kabutihan ng pamayanan.[4] Mahalaga pa ring pagpapahayag ang pahunos hinggil sa pagmamay-ari ng Diyos, sapagkat isang paraan ng pagpupuri at pagsamba ang masayahing pagbibigay sa Diyos para sa paglalaan at pangangalaga. Ayon sa Bagong Tipan, hindi kailangan ang pagtatabi ng persentahe ng kita o suweldo, subalit itinataguyod nito ang diwa ng kasayahan ng isang tagapagbigay na nagpaplanong magbigay para sa pangangailangan ng komunidad.[4]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 The Committee on Bible Translation (1984). "Tithe, a tenth". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B12-B13. - ↑ Gaboy, Luciano L. Tithe, pahunos, ikapu - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ American Bible Society (2009). "Tithe, Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 135. - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 "Deuteronomy 26, How do the concepts of first fruits and tithes relate to us today?". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 30.