Palasyo ng Élysée
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Palasyo ng Élysée | |
---|---|
Palais de l'Élysée (sa Pranses) | |
Dating pangalan | Hôtel d'Évreux |
Pangkalahatang impormasyon | |
Kinaroroonan | Paris, Pransiya |
Pahatiran | 55, Rue du Faubourg Saint-Honoré 75008 Paris, Pransiya |
Mga koordinado | 48°52′13″N 2°18′59″E / 48.87028°N 2.31639°E |
Kasalukuyang gumagamit | Pangulo ng Pransiya (1874–) |
Sinimulan | 1718 |
Natapos | 1722 |
Kliyente | Henri-Louis de la Tour d'Auvergne |
Teknikal na mga detalye | |
Bilang ng palapag | 3 |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | Armand-Claude Mollet Jean Cailleteau |
Ang Palasyo ng Élysée (Pranses: Palais de l'Élysée) ay ang tirahang opisyal ng Pangulo ng Republikang Pranses. Narito ang tanggapan ng Pangulo at ang lugar kung saan nagtitipon ang Konseho ng mga Ministro. Matatagpuan ito malapit sa Champs-Élysées sa ika-8 arrondissement ng Paris.
Ang mahahalagang dayuhang panauhin ay pinatitirá sa kalapít na Hôtel de Marigny, isa sa mga tirahan sa palasyo. Sa hardin ng Élysée, dating ginaganap ang mga handaan sa hapon ng Araw ng Bastille hanggang noong 2010. Mula noon, nagpasiya ang dati pangulo ng Pransiya na si Nicolas Sarkozy na ipahinto ang pagdaraos ng handaang ito dahil sa laki ng utang ng Pransiya at krisis pang-ekonomiya.
Sa kasalukuyan, ang Pangulo ng Pransiya simula noong 2012 na si François Hollande ang naninirahan sa palasyo.