Pumunta sa nilalaman

Pangingiliti

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tickling The Baby (Pangingiliti ng Sanggol) ni Fritz Zuber-Buhler

Ang pangingiliti ay ang akto ng pagsalangin ng isang bahagi ng katawan sa isang paraan na magdudulot ng hindi kusang kinikilig na paggalaw o pagtawa.[1] Sa Ingles, tickling ang tawag dito na may salitang-ugat na tungkol sa tunog na ito "tickle"  na nabago mula sa Gitnang Ingles na tikelen, na marahil na madalas na inuulit ng ticken, ang marahang paghipo.[1]

Noong 1897, isinalarawan ng mga sikologong sina G. Stanley Hall at Arthur Allin ang isang "kiliti" bilang dalawang uri ng isang kamangha-manghang pangyayari.[2] Ang isang uri ay dulot ng napakagaan na galaw sa balat. Tinatawag ang uri ng kiliti na ito bilang knismesis, na pangkalahatang hindi nagdudulot ng pagtawa at kadalasang may kasamang pangangating pakiramdam.

Nagreresulta ang pangingiliti ng isang banayad na pagpapasigla na dumadaloy sa balat, at nakaakibat dito ang gawi tulad ng pag-ngiti, pagtawa, pagkibot, pag-atras at kilabot.

Nahahati sa dalawang hiwalay na kategorya ng pakiramdam ang kiliti, ang knismesis at gargalesis. Ang knismesis, na kilala din bilang "gumagalaw na kati," ay isang banayad na nakakaiinis na pakiramdam na dulot ng magaan na galaw sa balat, tulad ng isang kulisap na gumagapang. Maaring maipapaliwanag nito kung bakit naging parte ito ng ebolusyon sa maraming mga hayop.[3] Halimbawa, ang isang aso na nagpapakita ng hindi kusang pagkamot ay isang halimbawa ng knismesis. Kapag kinamot ang likuran, magpapakita ang karamihan ng mga aso ng isang hindi kusang pagkibot ng kanilang hulihang binti. Nagpapakita din ng tugon sa knismesis ang mga kabayo, habang sila ay naoobserbahang kumikibot ang kalamnang nilang panniculus carnosus bilang tugon sa mga kulisap na dumadapo sa kanilang tagiliran. Tumutukoy ang mga reaksyong gargalesis sa isang nakakapukaw na pagtawang pakiramdam na dulot ng isang mas matindi, malalim na presyon, na hinahaplos sa balat sa iba't ibang rehiyon ng katawan.[3] Inakala na ang mga reaksyon na ito ay limitado lamang sa mga tao at ibang mga primado, bagaman, may ilang mga pananaliksik ang nagpapahiwatig na maaring kilitiin ang mga daga sa ganitong paraan.[4] Ipinapahiwatig din ng isang pag-aaral sa Alemanya na ang gargalesis na uri ng kiliti ay nagdudulot ng isang depensang mekanismo sa mga tao sa hypothalamus na naghahatid ng pagigigng masunurin o pagtakas sa panganib.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Tickling" (sa wikang Ingles). Dictionary.com. Nakuha noong 2012-05-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hall, G. S., and A. Allin. 1897. The psychology of tickling, laughing and the comic. The American Journal of Psychology 9:1-42 (sa Ingles).
  3. 3.0 3.1 Selden, S. T. (2004). "Tickle". Journal of the American Academy of Dermatology (sa wikang Ingles). 50 (1): 93–97. doi:10.1016/s0190-9622(03)02737-3. PMID 14699372.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Panksepp J, Burgdorf J (2003). ""Laughing" rats and the evolutionary antecedents of human joy?" (PDF). Physiol. Behav. (sa wikang Ingles). 79 (3): 533–47. doi:10.1016/S0031-9384(03)00159-8. PMID 12954448.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Psychology of Tickling And Why It Makes Us Laugh". Big Think (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)