Patas na kalakalan
Ang patas na kalakalan (Ingles: fair trade) ay isang pagharap na organisado o may kaayusang kilusang panlipunan na nakasalalay sa pamilihan na may layuning matulungan ang mga prodyuser o tagagawa ng produkto na nasa mga bansang umuunlad upang magkaroon ang mga ito ng mga kalagayang pangkalakalan o pangnegosyo at upang makapagtaguyod ng sustinabilidad o kakayahang magpatuloy at manatili. Itinataguyod ng kilusan ang pagbabayad ng isang mas mataas na presyo sa mga prodyuser pati na ang pagkakaroon ng mas mataas na mga pamantayang panlipunan at pangkapaligiran. Partikular na nakatuon ito sa pagluluwas ng mga kalakal magmula sa mga bansang umuunlad papunta sa mga bansang mauunlad, pinaka partikular na ang mga produktong gawang-kamay, kape, kokwa (o kakaw), asukal, tsaa, pulot-pukyutan, bulak, alak,[1] sariwang prutas, tsokolate, mga bulaklak, at ginto[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Moseley, W.G. 2008. “Fair Trade Wine: South Africa’s Post Apartheid Vineyards and the Global Economy.” Globalizations, 5(2):291-304.
- ↑ Brough, David. Briton finds ethical jewellery good as gold. Naka-arkibo 2011-08-12 sa Wayback Machine. Reuters Canada. Enero 10, 2008.