Phillis Wheatley
Si Phillis Wheatley (1753 – Disyembre 5, 1784) ay ang unang nalathalang Aprikano Amerikanong makata. Nakatulong ang kanyang panulat sa paglikha ng anyo o henero ng panitikang Aprikano-Amerikano.[1] Isinilang siya sa Gambia, Aprika, at naging isang alipin sa edad na pito. Binili siya ng mag-anak na Wheatley ng Boston, na nagturo sa kanyang bumasa at sumulat, at tumulong sa panghihikayat ng kanyang panulaan.
Nagdala kay Wheatley ng kabantugan ang publikasyon ng kanyang Poems on Various Subjects, Religious and Moral (Mga Tulang Hinggil sa Sari-saring mga Paksa, Relihiyoso at Moral) noong 1773. Kabilang sa mga humanga at pumiri sa gawa ni Wheatley ang dignitaryong si George Washington. Naglakbay din si Wheatley sa Inglatera at pinuri sa loob ng isang tula ng kakapwa Aprikano Amerikanong manunulang si Jupiter Hammon. Pinalaya si Wheatley nang sarili niyang mga tagapag-ari makalipas ang kanyang tagumpay sa larangan ng pagsusulat ng mga tula, subalit nanatili siya sa piling mga pamilyang Wheatley hanggang sa pagkamatay ng dati niyang panginoon at pagkakawatak-watak ng kanyang mag-anak. Pagkaraan, pinakasalan niya ang isang malayang lalaking itim, na daglian namang siyang iniwan. Namatay siyang isang mahirap noong 1784 habang isinusulat ang isang pangalawang aklat ng poesya, isang akdang nawawala na ngayon.[2]