Pumunta sa nilalaman

Pokémon X at Y

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pokémon X at Y
Pabalat ng Pokémon Y
NaglathalaGame Freak
Nag-imprentaNintendo, The Pokémon Company
DirektorJunichi Masuda
SeryePokémon
PlatapormaNintendo 3DS
Release
  • WW: 12 Oktubre 2013
DyanraRole-playing video game
ModeSingle-player, multiplayer, online multiplayer

Ang Pokémon X (ポケットモンスターX, Poketto Monsutā Ekkusu) at Pokémon Y (ポケットモンスターY, Poketto Monsutā Wai) ay mga uri ng role-playing game na nilikha ng Game Freak at inilathala naman ng Nintendo para sa konsolang Nintendo 3DS. Sila ang mga kauna-unahang mga laro sa pangunahing serye na laro ng Pokémon na ilalabas para sa Nintendo 3DS. Ang mga larong ito ay ilalabas sa buong mundo sa 12 Oktubre 2013 na kung saan kauna-unahang mga laro sa Nintendo na ilalabas sa Hapon, Hilagang Amerika, Australya, Europa at Timog Korea ng sabay-sabay.[1] Ang mga larong ito ay malalaro sa pitong iba't ibang mga wika: Hapon, Ingles, Aleman, Espanyol, Pranses, Italyano, at Koreano.

Katulad ng mga dating laro ng Pokémon, ang manlalaro ay gaganap bilang isang tagasanay na maglalakbay sa buong rehiyon, manghuhuli ng mga nilalang na ang tawag ay Pokémon at gagamitin ang mga ito upang makipag-laban sa iba pang mga tagasanay. Sa kauna-unahan ng serye, ang mismong laro, kasama na ang mga paligid, manlalaro at pakikipaglaban sa loob ng laro ay nakapresenta na ng buong 3D na grapika. Sa mga larong ito ay magpapakilala ito ng mga bagong uri ng Pokémon kasama na ang tatlong bagong pansimulang Pokémon; ang mukhang tsipmank na grass-type na si Chespin (Harimaron (ハリマロン)), ang mukhang asong lobo na fire-type na si Fennekin (Fokko (フォッコ)) at ang mukhang palaka na water-type na si Froakie (Keromatsu (ケロマツ)). Ang dalawang iba pang Pokémon na ipinakita sa anunsiyong trailer ay sina Xerneas (ゼルネアス, Zeruneasu) at Yveltal (イベルタル, Iberutaru) na magsisilbing legendary Pokémon sa mga larong ito.[2][3][4] Matapos mailabas ng trailer, sabi ng mga tagapatnugot sa GamesRadar ay ang rehiyon dito ay parang ibabase sa bansang Pransiya dahilan ng mga nakitang landmark sa mga larong ito na Toreng Eiffel at Palasyo ng Versailles.[5] Noong 14 Pebrero 2013 inanunsiyo ng Nintendo sa dalawang opisyal na websayt ng mga larong ito ang bagong pagbabagong anyo ni Eevee na si Sylveon (ニンフィア, Ninfia) na hindi pa binuking kung anong uri nito at saan ito magpapakita sa mga laro.[6][7]

Noong 31 Marso 2013 sa episodyo ng Pokémon Smash!, ang direktor ng mga laro na si Junichi Masuda ay sinabi na ang sa susunod na episodyo ng palabas ay magpapakilala sila ng isang bagong Pokémon na hindi pa nakikilala.[8] Sa episodyo noong 6 Abril 2013 ay ipinakita na nila ang bagong Pokémon sa pamamagitan ng pagpapakita ng Pokémon sa loob ng laro pero hindi pa nila sinasabi ang pangalan nito; sinabi sa mga opisyal na websayt ng mga larong ito na ang Pokémon na ito ay merong relasyon kay Mewtwo.[9] Ang "Mayo 2013" isyu sa magasin ni CoroCoro ay kinumpirma na ito ay isang bagong alternatibong anyo ni Mewtwo at ito rin ay maitatampok sa paparating na pelikulang ExtremeSpeed Genesect: Mewtwo Awakens.[10]

Ang Hunyo 2013 isyu sa magasin ni CoroCoro ganundin ang mga internasyunal na websayt ng mga larong ito ay nagsimula ng magbuking ng ilang mga impormasyon sa mga laro noong 15 Mayo 2013. Ang rehiyon ng mga larong ito ay ang hugis bituin na Kalos Region (カロス地方, Karosu-chihō),[11] kasama na ang magsisilbing gitnang lungsod nito na Lumiose (Miare City (ミアレシティ, Miare Shiti)).[12] Sinabi rin rito na ang mga manlalaro ay maaring ibahin ang suot at buhok ng kanilang tauhan na may maraming opsiyon para sa kulay ng buhok at balat.[13] Meron ding bagong apat na Pokémon na inanunsiyo: na sila Helioptile (Erikiteru (エリキテル)) na isang Electric/Normal-type, ang Normal/Flying-type na si Fletchling (Yayakoma (ヤヤコマ)), ang Fighting-type na si Pancham (Yanchamu (ヤンチャム)), at Grass-type na si Gogoat (ゴーゴート, Gōgōto).[14][15]

Noong 11 Hunyo 2013 sa E3, ang Nintendo ay naglabas ulit ng panibagong presentasyon para sa Nintendo Direct na kung saan itatampok nila ang bagong trailer ng mga larong ito. Sa trailer na ito ay ipinakilala nila ang dalawang panibagong Pokémon at ang bagong Fairy Type (フェアリータイプ, Fearī Taipu) Pokémon na kung saan ipinakita nila ito sa mga Pokémon na sina Sylveon, Jigglypuff, Marill, at Gardevoir na mabisang panlaban sa dragon-type Pokémon.[16][17][18] Ang bagong Pokémon-Amie (PokéParler (ポケパルレ, Pokeparure)) na katangian ay ipinakilala rin na kung saan pinapayagan ang mga manlalaro na gumawa ng mabubuting pakikisalamuha sa kanilang mga Pokémon upang tumaas pa ang kaligayahan nito.[16][19]

Ang Pokémon X at Pokémon Y ay unang binuking ng Nintendo sa Nintendo Direct na bidyo noong 8 Enero 2013, kasama na ang unang pakitang paglalaro. Sila ang mga kauna-unahang laro ng Pokémon sa pangunahing serye ng laro na ilalabas para sa Nintendo 3DS. Plano ng Nintendo na ilabas ang mga larong ito ng sabay-sabay sa Hapon, Hilagang Amerika, Europa at Australia sa Oktubre 2013.[2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "『ポケットモンスター X・Y』ニンテンドー3DSで2013年10月、世界同時発売【画像追加】". Famitsu. Nakuha noong 8 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 MacDonald, Keza (8 Enero 2013). "Pokemon X and Y Coming in October". IGN. Nakuha noong 8 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Pokémon X & Y Arrives on 3DS Worldwide in October". Anime News Network. Nakuha noong 8 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. O'Mara, Matthew. "Meet Xerneas and Yveltal, two new legendary Pokémon". Financial Post. Nakuha noong 9 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Cundy, Matt; Cooper, Hollander (2013-01-08). "Pokemon X & Y: Did you spot everything in the trailer?". GamesRadar. Nakuha noong 2013-01-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. CoroCoro Comic, Marso 2013 Issue, Shogakukan.
  7. "Meet Sylveon, Pokémon X And Pokémon Y's Eighth Eeevee Evolution". Siliconera. Nakuha noong 14 Pebrero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "【公式】4/7「ポケスマ!」で『ポケットモンスターX・Y』の最新情報が!". YouTube. Nakuha noong 31 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "新ポケモン登場! その姿は、ミュウツーに・・・!?|『ポケットモンスター X』『ポケットモンスター Y』公式サイト". Pokemon.co.jp. Nakuha noong 07 Abril 2013. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  10. Magasin ni CoroCoro, Mayo 2013 (inilabas noong 15 Abril 2013)
  11. "The Kalos Region". Pokemonxy.com. Nakuha noong 2013-05-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Lumiose City". Pokemonxy.com. Nakuha noong 2013-05-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Characters". Pokemonxy.com. Nakuha noong 2013-05-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "More Pokémon". Pokemonxy.com. Nakuha noong 2013-05-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. CoroCoro Comic, Hunyo 2013
  16. 16.0 16.1 Nintendo (2013-06-11). "Pokémon X and Pokémon Y Gameplay Trailer 2". YouTube. Nakuha noong 2013-06-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "【公式】『ポケットモンスター X・Y』 プロモーションビデオ 2". YouTube. Nakuha noong 2013-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "The All-New Fairy Type!". Pokemonxy.com. Nakuha noong 2013-06-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "At Play with Pokémon-Amie!". Pokemonxy.com. Nakuha noong 2013-06-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Panlabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]