Pumunta sa nilalaman

Relihiyong Cananeo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang lupain ng Canaan na binubuo ng mga modernong rehiiyon ng Israel, West Bank, Gaza Strip, Lebanon at Syria. Sa panahong ang relihiyong Cananeo ay sinasanay ng mga mamamayan nito, ito ay hinati sa mga siyudad-estado.
Mga giba (ruins) ng hinukay na Ras Shamra, o Ugarit.

Ang relihiyong Cananeo(Canaanite religion) ang pangalan ng pangkat ng Sinaunang Semitikong mga relihiyon na sinanay ng mga Cananeo (Canaanite) na namuhay sa sinaunang Levant mula sa hindi bababa sa simulang Panahong Tanso hanggang sa ika-unang mga siglo CE (Common Era). Ang relihiyong Cananeo ay politeistiko at sa ilang mga kaso ay monolatristiko.

Pantheon (Kapulungan ng mga diyos)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
si Ba'al na may itinaas na braso na may petsang 14th-12th century BCE na natagpuan sa Ras Shamra (sinaunang Ugarit), Louvre

Ang malaking bilang ng mga diyos ay sinasamba ng mga tagasunod ng relihiyong Cananeo. Ang sumusunod ay hindi kumpletong talaan:

  • Anat, birheng diyosa ng digmaan at alitan, kapatid at tinatanggap na kasama ni Ba'al Hadad
  • Athirat, "tagalakad ng dagat", diyosang ina, asawa ni El (na kilala rin bilang Elat). Pagkatapos ng Panahong Tanso ay kinikilala bilang si Asherah.
  • Athtart, na mas kilala sa kanyang pangalang Griyegong Astarte. Siya ang tumutulong kay Anat sa Mito ni Ba'al
  • Baalat o Baalit, asawa ni Baal
  • Ba'al Hadad (lit. master of thunder), diyos na bagyo
  • Baal Hammon, diyos ng pertilidad (pagpaparami ng anak) at tagapagbago ng lahat ng mga enerhiya sa mga kolonyong Phonecian ng Kanlurang Mediterranean
  • Dagon, diyos ng pertilidad ng pananim at buto. Ama ni Ba'al Hadad
  • El Elyon (lit. God Most High) and El; also transliterated as Ilu
  • Eshmun, god, or as Baalat Asclepius, goddess, of healing
  • Ishat, goddess of fire. She was slain by Anat.[1][2][3]
  • Kotharat, diyosa ng pangangasawa at pangananak
  • Kothar-wa-Khasis, ang may kasanayan. diyos ng kasanayan
  • Lotan, ang pumipilipit na pitong ulong ahas na kapanig ni Yam
  • Marqod, diyos ng sayaw
  • Melqart, hari ng siyudad, ng ilalim ng lupa at siklo ng halaman sa Tyre
  • Molech o Moloch, tinatanggap na diyos ng apoy[4]
  • Mot o Mawat, diyos ng kamatayan (hindi sinasamba o binibigyan ng mga handog)
  • Nikkal-wa-Ib, diyosa ng mga pananim at prutas
  • Qadeshtu, lit. "Holy One", tinatanggap na diyosa ng pag-ibig. Sa makabagong mga panahon, ito ay inaakalang sagradong patutot.[5]
  • Resheph, diyos ng salot at paggaling
  • Shachar at Shalim, kambal na mga diyos ng liwayway at takipsilim
  • Shamayim, (lit. skies) diyos ng mga langit
  • Shapash o isinaling Shapshu, diyosa ng araw. Minsan itinutumas sa diyos na araw ng Mesopotaamiang si sShemesh[6] na ang kasarian ay pinagtatalunan[7]
  • Yaw (lit. sea-river) diyos ng dagat at ilog[8] at tinatawag ring Hukom na Nahar (judge of the river).[9][10][11]
  • Yahweh (diyos na Cananeo) o Yahwi na maaaring umiral bilang dulo ng ilang mga pangalang lalakeng Amoreo[12]
  • Yarikh, diyos ng buwan at asawang lalake ni Nikkal

Kabilang buhay, Kulto ng Kamatayan, Pagsamba

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa mga paniniwalang Cananeo, kapag ang pisikal na katawan ay napamatay, ang npš (na karaniwang sinasalin na "soul/kaluluwa") ay lumilisan mula sa katawan tungo sa lupain ng Mot. Ang mga katawan inililibing kasama ng mga bagay at ang mga handog na pagkain at inium ay ginagawa para sa mga namatay upang masiguro na hindi nito guguluhin ang mga nabubuhay. Ang mga namatay na kamag-anak ay pinapipitaganan at misan hinihingan ng tulong.[13][14]

Upang sambahin ang kanilang mga diyos, ang mga Cananeo ay gumagawa ng sumusunod - "ang basehang pagsamba ng pakikipagtalik ay laganap at ang prostitusyong relihiyoso ay iniutos; at isang kadalasang pagsasanay-sa paghahangad na pahupain ang kanilang mga diyos-na pumatay ng mga bata (children) at ilibing ang mga ito sa mga saligan ng isang bahay o gusaling pampubliko sa panahon ng pagtatayo nito."

Howard E. Vos, "An Introduction To Bible Archaeology" Revised ed. (Chicago: Moody Press, 1953) pp. 17–19.[15]

Hanggang sa ngayon, wala sa mga nakaukit na tabletang natagpuan noong 1929 sa siyudad ng Canaan na Ugarit (na nawasak noong ca. 1200 BCE) ay naghahayag ng kosmolohiya. Ang anumang ideya na meron ay kadalasang binubuo mula sa mas kalaunang tekstong Phoenecian ni Philo ng Bylos (c. 64–141 CE), pagkatapos ng labis na impluwensiyang Griyego at Romano sa rehiyon. Ayon sa panthon na kilala sa Ugarit na 'ilhm (=Elohim) o mga anak ng diyos na si El na sinasabing natamo ni Philo ng Byblos mula sa Sanchuniathon ni Berythus (Beirut), ang manlilikha ay kilala bilang si Elion na ama ng mga diyos at sa mga pinagkunang Griyego, siya ay nagpakasal kay Beruth (Beirut = siyudad). Ang pagpapaksal na ito ng diyos sa siyudad ay tila ay may pagtutugma sa Bibliya sa mga kuwento ng kaugnayan sa pagitan ng Melkart at Tyre; Chemosh at Moab; Tanit at Baal Hammon sa Carthage. Mula sa unyon ni El Elyon at ng kanyang konsorte ay ipinanganak sina Uranus at Ge na mga Griyegong pangalan para sa "Langit" (heaven) at "Lupa" (earth). sa mitolohiyang Cananeo, mayroon mga kambal na bundok na sina Targhizizi at Tharumagi na humahawak ng kalawakan (firmament) sa itaas ng lupa-na pumapalibot sa karagatan kaya nagtatakda ng hangganan sa lupa. Ayon kay W. F. Albright, ang El Shaddai ay paghango mula sa sangay na Semitiko na lumilitaw sa Akkadian na shadû ("bundok") at shaddā`û o shaddû`a ("tagatahan sa bundok"), na isa sa mga pangalan ni Amurru. Isinaad ni Philo ng Byblos na si Atlas ang isa sa mga Elohim na maliwanag na aangkop sa kuwento ni El Shaddai bilang "diyos ng (mga) bundok". Nagpakita ng ebidensiya si Harriet Lutzky na ang Shaddai ay isang katangian ng diyosang Semitiko na nag-uugnay sa epithet sa Hebreong šad "suso" bilang "isa sa mga Suso". Ang ideya ng dalawang mga bundok na inuugnay rito bilang mga suso ng mundo (earth) ay umaangkop ng maigi rin sa mitolohiyang Cananeo. Ang mga ideya ng mga pares ng bundok ay tila karaniwan sa mitolohiyang Cananeo (tulad ng Horeb at Sinai sa Bibliya). Ang kalaunang yugto ng kosmolohiyang ito ay mahirap magsabi kung anong mga impluwensiya (Romano, Griyego o Hebreo) ang nagbigay alam sa kasulatan ni Philo.

Sa siklong Baal, si Ba'al Hadad ay hinamon at tinalo si Yam gamit ang dalawang mga armas na mahikal (na tinatawag na "Driver" at "Chaser") na ginawa para sa kanya ni Kothar-wa-Khasis. Pagkatapos nito, sa tulong nina Athirat at Anat, hinikayat ni Ba'al si El na payagan siya ng isang palasyo. Si El ay pumayag at ang palasyo ay itinayo ni Kothar-wa-Khasis. Pagkatapos matayo ang palasyo, si Ba'al ay nagbigay ng isang kumukulong na dagundong sa labas ng bintana ng palasyon at hinamon si Mot. Si Mot ay pumasok sa pamamagitan ng bintana at nilunok si Ba'al na nagpadala dito sa ilalim ng lupa (underworld). Sa kawalang magbibigay ng ulan, may isang teribleng tagtuyot sa kawalan ni Ba'al. Ang ibang mga diyos lalo na sina El at Anat ay nasiphayo na si Ba'al ay kinuha sa ilalim ng lupa. Si Anat ay tumungo sa ilalim ng lupa, inatake si Mot ng kutsilyo, dinurog ito at ikinalat sa malayong lugar. Sa pagkakatalo kay Mot, nagawang makabalik ni Ba'al at muling punuin ang mundo ng ulan.[16]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gorelick, Leonard; Williams-Forte, Elizabeth; Ancient seals and the Bible. International Institute for Mesopotamian Area Studies. p.32
  2. Dietrich, Manfried; Loretz, Oswald; Ugarit-Forschungen: Internationales Jahrbuch für die Altertumskunde Syrien-Palästinas, Volume 31. p.362
  3. Kang, Sa-Moon, Divine war in the Old Testament and in the ancient Near East. p.79
  4. "alleged but not securely attested", according to Johnston, Sarah Isles, Religions of the Ancient World: A Guide. Cambridge: Harvard University Press. ISBN 0-674-01517-7. p.335
  5. Vos, Howard (1953). An Introduction To Bible Archaeology. Chicago: Moody Press. pp. 17-19. ISBN ISBN 0802403255.
  6. Johnston, Sarah Isles, Religions of the Ancient World: A Guide. Cambridge: Harvard University Press. ISBN 0-674-01517-7. P. 418
  7. Some authorities consider Shemesh to be a goddess, see Wyatt, Nick, There's Such Divinity Doth Hedge a King, Ashgate (19 Jul 2005), ISBN 978-0-7546-5330-1 p. 104 [1]
  8. Ugaritic text: KTU 1.1 IV 14
  9. http://www.fas.harvard.edu/~semitic/wl/digsites/SLevant/KuntilletAjrud2006/
  10. Finkelstein, Israel, and Neil Asher Silberman, 2001, The Bible unearthed: archaeology's new vision of ancient Israel and the origin of its sacred texts, (New York: Free Press), pg. 242
  11. Asherah: goddesses in Ugarit, Israel and the Old Testament, By Tilde Binger. Page 35
  12. Toorn 1996
  13. Segal, Alan F. Life after death: a history of the afterlife in the religions of the West
  14. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-05-08. Nakuha noong 2012-05-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Vos, Howard (1953). An Introduction To Bible Archaeology. Chicago: Moody Press. pp. 17–19. ISBN ISBN 0802403255. {{cite book}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Wilkinson, Philip Myths & Legends: An Illustrated Guide to Their Origins and Meanings