Sawsawan
Uri | Kondimento |
---|---|
|
Sawsawan ang tawag sa anumang kondimento, partikular mga sarsa, na ginagamit sa pandagdag-lasa sa mga pagkain tulad ng tinapay, siyomay, tinadtad na sariwang gulay, prutas, lamang-dagat, kinubong piraso ng karne at keso, at tsitsirya. Tinatawag itong sawsawan dahil, di-tulad ng mga ibang sarsa, isinasawsaw ang pagkain dito sa halip na hinahalo o ikinakalat sa ibabaw ng pagkain.
Karaniwang ginagamit ang mga sawsawan para sa mga kukutin, pampagana, at iba pang uri ng pagkain. Iminungkahi ng kusinerong selebridad na si Alton Brown na matutukoy ang isang sawsawan sa abilidad nitong "manatiling nakadikit sa kanyang mekanismo ng transportasyon sa higit tatlo talampakan [1 m] ng puting karpet".[1]
Kinakain ang samu't saring mga sawsawan sa buong mundo at libu-libong taon nang nakagagamit ang mga tao ng sawsawan.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Alton Brown (writer/director/host) (16 Oktubre 2002). "Dip Madness" [Kasidhihan ng Sawsawan]. Good Eats. Panahon 6. Episode 9. Food Network.
{{cite episode}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Oxford Companion to American Food and Drink. pa. 145.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.