Suho
Suho | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Kim Jun-myeon |
Kilala rin bilang | Kim Joon-myun |
Kapanganakan | Seoul, Timog Korea | 22 Mayo 1991
Trabaho | Direktor ng SM Entertainment |
Instrumento | Singing |
Taong aktibo | 2012–present |
Label | S.M. Entertainment |
Si Kim Joon-myun (Hangul: 김준면, Hanja: 金俊勉, ipinanganak 22 Mayo 1991 sa Seoul, Timog Korea), mas kilala siya bilang Suho (Hangul: 수호), ay isang mang-aawit at artista sa Timog Korea. Kasapi siya ng bandang EXO. Bukod sa pagiging miyembro na isang banda, lumabas si Suho sa iba't ibang palabas sa telebisyon at pelikula kabilang ang One Way Trip (2016), The Universe's Star (2017), at Rich Man (2018).
Pagkabata at edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tubong Seoul si Suho at tumira siya sa Apgujeon kasama ang kanyang pamilya. Nang kanyang kabataan, pangulo si Suho ng kanyang klase sa elementarya at pangalawang tagapangulo ng samahang mag-aaral ng kanyang paaralan. Nagtapos siya sa Mataas na Paaralan ng Whimoon.[1]
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsanay si Suho sa sistema ng pagganap ng SM Entertainment noong 2006, pagkatapos na madiskubre sa mga kalye sa pamamagitan ng tagapamahala ng gumaganap ng SM. Noong 2007, lumabas siya sa maliit na pagganap sa pelikula ng Super Junior na Attack on the Pin-Up Boys.[2]
Noong Pebrero 2014, naging regular na host si Suho para sa lingguhang musikang palabas ng SBS na Inkigayo kasama ang kasamahan sa Exo na si Baekhyun, kasapi ng ZE:A na si Kwanghee at aktres na si Lee Yu-bi.[3] Umalis sina Suho at Baekhyun sa palabas noong Nobyembre 2014 upang ituon ang kanilang pansin sa paglabas ng kanilang ikalawang istudiyo na album na Exodus.[4]
Pansariling buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2009, pumasok si Suho sa Korea National University of Arts, bagaman, umalis siya rito noong 2011 at pinagpatuloy ang kanyang edukasyon sa Kyung Hee Cyber University kasama ang kasamahan sa Exo na sina Chanyeol and Baekhyun. Kumuha siya doon ng mga klase para sa Kultura at Sining sa Kagawaran ng Pamamahala ng Negosyo.[5] Inihayag ni Suho sa palabas ng KBS na Fluttering India at sa Vapp na isa siyang Budista.[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Hwang Hyo-jin (2 Mayo 2012). "EXO-K: My name is 수호, 디오" [EXO-K: My name is Suho, D.O.]. TenAsia (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Abril 2019. Nakuha noong 4 Hulyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "EXO's Suho Facts (Personal Life, Height, Wealth, and Other)". Channel Korea (sa wikang Ingles). 17 Disyembre 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2019. Nakuha noong 4 Nobyembre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "EXO's Suho, Baekhyun to Host "Inkigayo"". 10Asia (sa wikang Ingles). 27 Enero 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Oktubre 2019. Nakuha noong 27 Disyembre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Suho, Baekhyun step down from 'Inkigayo'". Kpop Herald (sa wikang Ingles). 14 Disyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "수호·백현·찬열 사이버대 재학 中…문화예술경영 배운다". 중앙일보 (sa wikang Koreano). 22 Oktubre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Marso 2019. Nakuha noong 26 Enero 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "EXO′s Suho Reveals His Religion on ′Naver V Live′". enewsWorld (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-09-18. Nakuha noong 18 Setyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)