Sulat Tamil
Tamil தமிழ் | |
---|---|
Uri | Abugida |
Mga wika | Tamil Kanikkaran Badaga Irula Paniya Sanskrit Saurashtra |
Panahon | c. 700Ad – present[1] |
Mga magulang na sistema | |
Mga kapatid na sistema | Vatteluttu Pallava Kolezhuthu Malayanma] |
ISO 15924 | Taml, 346 |
Direksyon | Kaliwa-kanan |
Alyas-Unicode | Tamil |
Lawak ng Unicode |
|
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA. |
Ang sulat Tamil ay isang abugida na ginagamit ng mga nagsasalita ng Tamil sa mga bansang India, Sri Lanka, Malaysia, Singapore, Indonesia at iba pang mga lugar ng Timog Asya upang isulat ang wikang Tamil pati na rin ang liturikal na wikang Sanskrit gamit ang mga katinig at palatuldukan (diacritics) na wala sa alpabetong Tamil.[2] Ang ilang mga wikang Saurashtra, Badaga, Irula, at Paniya ay nakasulat din ng sulat Tamil.[3]
Katangian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sulat Tamil ay may labing dalawang (12) patinig o tinatawag na titik-kaluluwa (soul-letters) at labing walong (18) katinig o tinatawag na katawang-titik (body-letters) at isang natatanging titik (character), ang titik (character) na ஃ (F) na tinatawag na akku at inuri sa ortograpiyang Tamil ay maaaring katinig o isang patinig.[4]Gayunpaman, nakalista ito sa dulong hanay ng mga patinig.
Ang sulat ay papantig (syllabic) at hindi alpabetiko. Ang kabuuang bilang ng titik (character) ay binubuo ng tatlumpu't isang (31) mga titik na may kanya kanyang anyo at karagdagang dalawang daan at labing anim (216) na kombinasyon ng mga titik na may kabuuang dalawang daan at apatnapu't pitong (247) kombinasyon ng isang katinig at isang patinig, isang walang tunog na katinig (mute consonant) at isang patinig lamang.
Ang mga magkasamang titik (nakabuklod) ay nabubuo sa pagdaragdag o paglalagay ng palatandaan (marker) ng patinig sa katinig. May ilang mga patinig na nangangailangan ng pangunahing anyo ng katinig na kailangang baguhin upang tiyak na matukoy ito. Ang iba naman ay isinusulat sa pamamagitan ng pagdaragdag ng hulapi (suffix) sa isang partikular na patinig na tutukoy sa katinig, ang iba naman ay ang paggamit ng unlapi (prefix). Ang iba pang mga patinig ay nangangailangan naman ng parehong hulapi at unlapi sa isang katinig. Sa bawat kaso, ang palatandaan (marker) ng katinig ay naiiba sa pansariling anyo ng isang patinig.
Ang sulat ng Tamil isinusulat ng mula sa kaliwa papuntang kanan (left to right).
Maikling kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sulat Tamil, tulad ng iba pang mga sulat ng Brahmi , ay maaring nagmula sa orihinal na sulat ng Brahmi[5]Ang pinakaunang mga inskripsyon ng pagsulat ng Tamil na tinatanggap na mga halimbawa ay mula pa sa panahon ng Ashokan.Bagamat may mga ilang inskripsyon na nagmula pa sa mas maagang panahon ng 5th siglo BCE, ito natuklasan sa mga lugar tulad ng Adichanallur at Kodumanal sa Tamil Nadu. Ang pagsulat na ginamit sa naturang mga inskripsyon ay karaniwang kilala bilang , o "sulat ng Tamili", at naiiba ng maraming paraan sa karaniwang Ashokan Brahmi. Isang halimbawa, ang sinaunang Tamil-Brahmi, hindi tulad ng Ashokan Brahmi, ay may sistemang may pagkakakilanlan sa purong katinig (halimbawa: m) at katinig na may patinig (halimbawa: ma). Ang sinaunang Tamil Brahmi ay bahagyang gumagamit ng magkakaibang palatandaan ng patinig, may mga ibang titik (character) na kumakatawan sa mga titik na wala sa sulat ng Sanskrit at inalis ang mga titik para sa mga tunog na wala sa Tamil tulad ng matunog na katinig at aspirate na katinig.[5] Ang mga inskripsyon na mula sa ika-w siglo ay gumagamit ng ibang anyo ng Tamil-Brahmi na kahalintulad ng paraan ng pagsulat na inilarawan sa "Tolkāppiyam", isang sinaunang gramatika sa Tamil. Ang kapansin-pansin ay ang paggamit ng puḷḷi upang iwasan ang isang patinig.[6] Ang mga titik sa pagsulat ng Tamil ay nagsimulang umusbong ng mas bilugan at sa ika-5 o ika-6 na siglo, ito ay nakarating sa isang porma na kung tawagin ay maagang vaṭṭeḻuttu (early vaṭṭeḻuttu).[7] Gayunpaman, ang makabagong pagsulat ng Tamil ay hindi nagmula sa pagsulat na iyon. [8] Noong ika-6 na siglo ang paghahari ng Pallava ay lumikha ng isang bagong pagsulat para sa wikang Tamil at ang alpabetong Grantha ay nagmula rito, at ang alpabetong Vaṭṭeḻuttu ay idinagdag para sa mga tunog na hindi makikita upang maisulat ang Sanskrit.[9] Kahanay sa sulat ng Pallava isang bagong paraan ng pagsulat ang (sulat Chola-Pallava, na nagbago sa modernong sulat ng Tamil) ay lumitaw sa teritoryo ng Chola na kahawig ng parehong pag-unlad ng simbolo (glyph) katulad ng sulat ng Pallava ngunit hindi ito nagbago. Noong ika-8 siglom ang bagong pagsulat ay naidagdag sa Vaṭṭeḻuttu sa Chola partikular sa kaharain ng Pallava sa hilagang bahagi na nagsasalita ng wikang Tamil subalit ang Vaṭṭeḻuttu ay patuloy na ginamit sa timog na bahagi na nagsasalita ng wikang Tamil partikular sa kahariang ng Chera at kaharian ng Pandyan hanggang sa ika-11 siglo nang ang Pandyan ay nasakop ng Cholas.[10]
Mula noon ay itinulak ng mga Chola ang paggamit ng paraan ng pagsulat gamit ang sulat Chola-Pallava, at sa mga sumunod na siglo, ang sulat Chola-Pallava ay umunlad bilang modernong sulat ng Tamil. Ang ilan sa mga titik ay pinasimple noong ika-19 na siglo upang mas madali ang pagsulat. Sa pagsapit ng ika-20 na siglo, ang sulat ay mas pinasimple pa sa serye ng mga reporma, ang mga palatandaan (markers) sa patinig na gamit sa mga katinig ay isinaayos sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga natatanging palatandaan (special markers) na may mga kakaibang porma.
Ugnayan sa ibang sulat Indic
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sulat Tamil ay naiiba sa ibang sulat na mula sa Brahmi sa maraming paraan. Hindi tulad ng ibang sulat Brahmi, hindi ito karaniwang nagpapakita ng voice o aspirated na katinig dahit ito ay hindi ponema ng wikang Tamil kahit na ang tunog na humihinto allophone ay maririnig sa wikang Tamil. Halimbawa ang titik (character) க் k ay kumakatawan sa /k/ ngunit maaari ding bigkasin na /ɡ/ o /x/ batay sa mga patakaran ng grammar sa Tamil. May hiwalay na hanay ng mga titik (character) na ginagamit sa mga tunog na ito kapag ang sulat Tamil ay ginamit sa wikang Sanskrit o iba pang mga wika.
Hindi rin ito katulad ng ibang sulat Brahmi, ang sulat Tamil ay bihirang gumamit ng Pang-angkop sa pagsulat o typographic ligature sa mga pangatnig na patinig na bihira sa Tamil hindi tulad ng ibang wika sa Timog Asya. Kung mangyari man ito, ang pangatnig na patinig ay isinusulat sa pamamagitan ng pagsulat ng titik sa unang patinig, pagdaragda ng puḷḷi upang iwasan ang likas na patinig at pagsulat ng titik sa susunod na patinig. May mga ilang nabubukod dito tulad ng க்ஷ kṣa at ஸ்ரீ śrī.
Mga titik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing katinig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga katinig ay tinatawag na "katawan" (mei) at inuuri sa tatlong katagorya: valinam (matigas na pagbigkas), mellinam (malambot na pagbigkas, kasama ang mga nasal) at itayinam (katamtamang pagbigkas). May ilang panuntunang leksikal (lexical rules) para sa pagbuo ng mga salita na inilarawan ng Tolkāppiyam . Halimbawa: ang isang salita ay hindi magtatapos sa ilang mga katinig at hindi maaaring magsimula sa ilang mga katinig na kasama ang r-, l- at ḻ-; may dalawang katinig para sa dental n- na kung alin ang dapaat gamitn ay nakasalalay kung ang n ay nasa pagsisimula ng salita at sa mga titik sa paligid nito. (Sa kasaysayan, ang isang n ay binibigkas bilang isang Katinig na Albeyolar tulad ng sa Malayalam). Ang pagkakasunud-sunod ng alpabeto (abugida lamang) sa Tamil ay malapit na katugma sa mga kalapit na wika kapwa sa lokasyon at linggwistika na karaniwang pinagmulan ng kanilang pagsulat mula sa Brahmi.
Katinig | ISO 15919 | Uri | IPA |
---|---|---|---|
க் | k | vallinam | [k], [ɡ], [x], [ɣ], [h], [ɦ] |
ங் | ṅ | mellinam | [ŋ] |
ச் | c | vallinam | [t͡ʃ], [d͡ʒ], [ʃ], [s], [ʒ], [z] |
ஞ் | ñ | mellinam | [ɲ] |
ட் | ṭ | vallinam | [ʈ], [ɖ], [ɽ] |
ண் | ṇ | mellinam | [ɳ] |
த் | t | vallinam | [t̪], [d̪], [ð], [θ] |
ந் | n | mellinam | [n̪] |
ப் | p | vallinam | [p], [b], [β], [ɸ] |
ம் | m | mellinam | [m] |
ய் | y | idaiyinam | [j] |
ர் | r | idaiyinam | [ɾ] |
ல் | l | idaiyinam | [l] |
வ் | v | idaiyinam | [ʋ] |
ழ் | ḻ | idaiyinam | [ɻ] |
ள் | ḷ | idaiyinam | [ɭ] |
ற் | ṟ | vallinam | [r], [t], [d] |
ன் | ṉ | mellinam | [n] |
Mga katinig ng Grantha na ginagamit sa Tamil
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagsasalita sa Tamil ay maraming kasamang ponema na hindi bahaging uri ng Tolkāppiyam. Ang mga titik na ginamit upang isulat ang mga tunog na ito na nakilala bilang Grantha ay ginagamit bilang bahagi ng Tamil. Itinuro ang mga ito mula sa elementarya at isinama ng Pamahalaan ng Tamil Nadu na tinawag namang Tamil All Character Encoding (TACE16)
Katinig | ISO 15919 | IPA |
---|---|---|
ஜ் | j | [d͡ʒ] |
ஶ் | ś | [ɕ], [ʃ] |
ஷ் | ṣ | [ʂ] |
ஸ் | s | [s] |
ஹ் | h | [h] |
க்ஷ் | kṣ | [kʂ] |
May mga pagsisikap ng ginawa upang pag-iba-ibahin ang mga katinig na voiced at voicelss sa paglalagay ng subscript na numero (2, 3 at 4) na tumutugon para sa unvoiced aspirated, voiced at voiced aspirated. Ginamit ito upang maisulat ang mga salitang Sanskrit sa Sanskrit-Tamil na mga aklat.[12][13] Tignan ang talahanayan na sumusunod:
க [ka] | க₂ [kha] | க₃ [ga] | க₄ [gha] |
ச [ca] | ச₂ [cha] | ஜ [ja] | ஜ [jha][1] |
ட [ṭa] | ட₂ [ṭha] | ட₃ [ḍa] | ட₄ [ḍha] |
த [ta] | த₂ [tha] | த₃ [da] | த₄ [dha] |
ப [pa] | ப₂ [pha] | ப₃ [ba] | ப₄ [bha] |
^ Ang titik ay dapat na may guhit sa ibaba. Ang Unicode Standard ay gumagamit ng mga superscripted na numero para sa parehong layunin, tulad ng sa ப² [pha], ப³ [ba], at ப⁴ [bha][14]
Patinig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga patinig ang tinatawag na "buhay" ( uyir ) o titik-kaluluwa. Kasama ang mga katinig ( mei ) na tinatawag na katawang-titik, ang mga ito ay bumubuo ng tambalan, papantig (syllabic)(abugida) na mga titik na tinatawak na "titik ng buhay" ( uyir mei ), ibig sabihin na ang mga titik ay may katawan at kaluluwa.
Ang mga patinig ng Tamil ay nahahati sa igsi at haba (lima sa bawat uri) at dalawang diptonggo.
Independent | Tanda ng patinig | ISO 15919 | IPA |
---|---|---|---|
அ | — | a | [ʌ] |
ஆ | ா | ā | [ɑː] |
இ | ி | i | [i] |
ஈ | ீ | ī | [iː] |
உ | ு | u | [u], [ɯ] |
ஊ | ூ | ū | [uː] |
எ | ெ | e | [e] |
ஏ | ே | ē | [eː] |
ஐ | ை | ai | [ʌj] |
ஒ | ொ | o | [o] |
ஓ | ோ | ō | [oː] |
ஔ | ௌ | au | [ʌʋ] |
ஃ | — | akh | — |
Tambalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gamit ang patinig na 'k' bilang halimbawa:
Pagbubuo | Tambalang nabuo | ISO 15919 | IPA |
---|---|---|---|
க் + அ | க | ka | [kʌ] |
க் + ஆ | கா | kā | [kɑː] |
க் + இ | கி | ki | [ki] |
க் + ஈ | கீ | kī | [kiː] |
க் + உ | கு | ku | [ku], [kɯ] |
க் + ஊ | கூ | kū | [kuː] |
க் + எ | கெ | ke | [ke] |
க் + ஏ | கே | kē | [keː] |
க் + ஐ | கை | kai | [kʌj] |
க் + ஒ | கொ | ko | [ko] |
க் + ஓ | கோ | kō | [koː] |
க் + ஔ | கௌ | kau | [kʌʋ] |
Ang espesyal na titik na ஃ, na kinakatawan ng tatlong tuldok at tinawag na āytha eḻuttu o akh , ay ang visarga. Karaniwang nagsilbi ito ng isang tungkuling gramatika lamang ngunit sa mga modernong panahon ito ay ginamit bilang isang diacritic upang kumatawan sa mga dayuhang tunog o ng ibang mga wika. Halimbawa, ang ஃப ay ginagamit sa wikang Ingles sa tunog na f na wala naman sa Tamil.
Ang mahahabang (nedil) mga patinig ay halos dalawang beses ang haba sa mga maikling (kuṟil) mga patinig. Ang mga diptonggo ay karaniwang binibigkas ng isa at kalahating beses ang haba sa mga maikling patinig, kahit na ang ilang mga teksto sa gramatika ay isinasama ang mga ito sa mga mahabang (nedil) mga patinig.
Tulad ng makikita sa tambalan (compund form) ang tanda ng patinig ay maaaring idagdag sa kanan, kaliwa o magkabilang panig ng mga katinig. Maaari rin itong bumuo ng isang ligatura. Ang patakaran na ito ay nagbabago bago at ang lumang paraan ng paggamit ay mas maraming ligatura kumpara sa makabagong paggamit.
Talahanayan ng tambalang titik ng Tamil
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sumusunod na talahanayan ay hanay ng mga patinig sa ibabaw at mga titik katinig sa gilid, ang tambalan ay nagpapakita ng lahat nga mga tambalang titik ng Tamil (uyirmei).
Tholkapyam Katinig (consonants) |
Patinig (vowels) | ||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
அ a |
ஆ ā |
இ i |
ஈ ī |
உ u |
ஊ ū |
எ e |
ஏ ē |
ஐ ai |
ஒ o |
ஓ ō |
ஔ au | ||
க் | k | க | கா | கி | கீ | கு | கூ | கெ | கே | கை | கொ | கோ | கௌ |
ங் | ṅ | ங | ஙா | ஙி | ஙீ | ஙு | ஙூ | ஙெ | ஙே | ஙை | ஙொ | ஙோ | ஙௌ |
ச் | c | ச | சா | சி | சீ | சு | சூ | செ | சே | சை | சொ | சோ | சௌ |
ஞ் | ñ | ஞ | ஞா | ஞி | ஞீ | ஞு | ஞூ | ஞெ | ஞே | ஞை | ஞொ | ஞோ | ஞௌ |
ட் | ṭ | ட | டா | டி | டீ | டு | டூ | டெ | டே | டை | டொ | டோ | டௌ |
ண் | ṇ | ண | ணா | ணி | ணீ | ணு | ணூ | ணெ | ணே | ணை | ணொ | ணோ | ணௌ |
த் | t | த | தா | தி | தீ | து | தூ | தெ | தே | தை | தொ | தோ | தௌ |
ந் | n | ந | நா | நி | நீ | நு | நூ | நெ | நே | நை | நொ | நோ | நௌ |
ப் | p | ப | பா | பி | பீ | பு | பூ | பெ | பே | பை | பொ | போ | பௌ |
ம் | m | ம | மா | மி | மீ | மு | மூ | மெ | மே | மை | மொ | மோ | மௌ |
ய் | y | ய | யா | யி | யீ | யு | யூ | யெ | யே | யை | யொ | யோ | யௌ |
ர் | r | ர | ரா | ரி | ரீ | ரு | ரூ | ரெ | ரே | ரை | ரொ | ரோ | ரௌ |
ல் | l | ல | லா | லி | லீ | லு | லூ | லெ | லே | லை | லொ | லோ | லௌ |
வ் | v | வ | வா | வி | வீ | வு | வூ | வெ | வே | வை | வொ | வோ | வௌ |
ழ் | ḻ | ழ | ழா | ழி | ழீ | ழு | ழூ | ழெ | ழே | ழை | ழொ | ழோ | ழௌ |
ள் | ḷ | ள | ளா | ளி | ளீ | ளு | ளூ | ளெ | ளே | ளை | ளொ | ளோ | ளௌ |
ற் | ṟ | ற | றா | றி | றீ | று | றூ | றெ | றே | றை | றொ | றோ | றௌ |
ன் | ṉ | ன | னா | னி | னீ | னு | னூ | னெ | னே | னை | னொ | னோ | னௌ |
Grantha Katinig (consonants) |
Patinig (Vowels) | ||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
அ a |
ஆ ā |
இ i |
ஈ ī |
உ u |
ஊ ū |
எ e |
ஏ ē |
ஐ ai |
ஒ o |
ஓ ō |
ஔ au | ||
ஶ் | ś | ஶ | ஶா | ஶி | ஶீ | ஶு | ஶூ | ஶெ | ஶே | ஶை | ஶொ | ஶோ | ஶௌ |
ஜ் | j | ஜ | ஜா | ஜி | ஜீ | ஜு | ஜூ | ஜெ | ஜே | ஜை | ஜொ | ஜோ | ஜௌ |
ஷ் | ṣ | ஷ | ஷா | ஷி | ஷீ | ஷு | ஷூ | ஷெ | ஷே | ஷை | ஷொ | ஷோ | ஷௌ |
ஸ் | s | ஸ | ஸா | ஸி | ஸீ | ஸு | ஸூ | ஸெ | ஸே | ஸை | ஸொ | ஸோ | ஸௌ |
ஹ் | h | ஹ | ஹா | ஹி | ஹீ | ஹு | ஹூ | ஹெ | ஹே | ஹை | ஹொ | ஹோ | ஹௌ |
க்ஷ் | kṣ | க்ஷ | க்ஷா | க்ஷி | க்ஷீ | க்ஷு | க்ஷூ | க்ஷெ | க்ஷே | க்ஷை | க்ஷொ | க்ஷோ | க்ஷௌ |
Numero at simbolo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bukod sa karaniwang mga numero (mula 0 hanggang 9), ang Tamil ay mayroon ding mga numero para sa 10, 100 at 1000. Ang mga simbolo para sa maliit na bahagi at iba pang mga konsepto na nakabatay sa bilang ay maaari ding makita din sa sumusunod na talahanayan[15].
0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 100 | 1000 |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
௦ | ௧ | ௨ | ௩ | ௪ | ௫ | ௬ | ௭ | ௮ | ௯ | ௰ | ௱ | ௲ |
day | month | year | debit | credit | as above | rupee | numeral | time | quantity |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
௳ | ௴ | ௵ | ௶ | ௷ | ௸ | ௹ | ௺ | ள | வ |
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Rajan, K. (Disyembre 2001). "Territorial Division as Gleaned from Memorial Stones". East and West. Istituto Italiano per l'Africa e l'Oriente (IsIAO). 51 (3/4): 363. JSTOR 29757518.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (table showing Tamil in row for the 601–800 period) - ↑ Allen, Julie (2006), The Unicode 5.0 Standard (ika-5 (na) edisyon), Upper Saddle River, NJ: Addison-Wesley, ISBN 0-321-48091-0
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) at p. 324 - ↑ Lewis, M. Paul, pat. (2009), Ethnologue: Languages of the World (ika-16th (na) edisyon), Dallas, Tex.: SIL International, nakuha noong 2009-08-28
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [patay na link][patay na link][patay na link][patay na link][patay na link][patay na link][patay na link][patay na link][patay na link][patay na link][patay na link] University of Madras Tamil Lexicon, page 148: "அலியெழுத்து [ aliyeḻuttu n ali-y-eḻuttu . < அலி¹ +. 1. The letter ஃ, as being regarded as neither a vowel nor a consonant; ஆய்தம். (வெண்பாப். முதன்மொ. 6, உரை.) 2. Consonants; மெய்யெ ழுத்து. (பிங்.)."][patay na link]
- ↑ 5.0 5.1 Mahadevan 2003, p. 173.
- ↑ Mahadevan 2003, p. 230.
- ↑ Mahadevan 2003, p. 211.
- ↑ Mahadevan 2003, p. 209.
- ↑ Mahadevan 2003, p. 213.
- ↑ Mahadevan 2003, p. 212.
- ↑ 11.0 11.1 11.2 Steever 1996, p. 426-430.
- ↑ Sharma, Shriramana. (2010a). Proposal to encode characters for Extended Tamil.
- ↑ Sharma, Shriramana. (2010c). Follow-up #2 to Extended Tamil proposal.
- ↑ Unicode Consortium (2019). Tamil. In The Unicode Standard Version 12.0 (pp. 489-498).
- ↑ Selvakumar, V. (2016). History of Numbers and Fractions and Arithmetic Calculations in the Tamil Region: Some Observations. HuSS: International Journal of Research in Humanities and Social Sciences, 3(1), 27-35. https://doi.org/10.15613/HIJRH/2016/V3I1/111730