Pumunta sa nilalaman

Teknolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Photo of technicians working on a steam turbine
Isang turbinang pinasisingawan, halimbawa ng modernong teknolohiya sa enerhiya.

Téknolohíya[a][2] ang paglapat sa kaalaman sa praktikal na paraan, lalo na sa paraang nauulit.[3] Sa karaniwang diskurso, maaari ring tumukoy ang salita sa mga produktong resulta ng paglalapat na ito,[4] kagaya ng mga pisikal na bagay tulad ng kagamitan at makina, at di-pisikal tulad ng software. Mahalaga ang papel ng teknolohiya sa maraming larangan, at madalas teknolohiya ang resulta ng mga ito, kagaya ng sa agham at inhinyera.

Nakakapagpabago ang pag-usad ng teknolohiya sa direksiyon ng lipunan. Kabilang sa mga pinakaunang teknolohiya ng mga tao ay ang mga kagamitang yari sa bato at ang pagkontrol sa apoy, na parehong nagpabilis sa paglaki ng utak ng tao, na humantong kalaunan sa pag-usbong ng mga wika noong Panahon ng Yelo. Lumawak ang malalakbay ng mga tao nang maimbento ang gulong noong Panahon ng Bronse, na nagpasimula sa paggawa sa mga mas komplikadong makina. Pagkatapos nito, ilan sa mga mahahalagang imbensiyon ng tao ay ang limbagan, makinang pinasisingawan, sasakyan, at ang internet, na nagpasimula sa ekonomiyang makakaalaman.

Bagamat direktang nakakaambag sa paglago ng ekonomiya, sanhi rin ang teknolohiya ng polusyon at pagkaubos ng yaman. Nakakaapekto rin ito sa lipunan sa negatibong paraan, kagaya ng kawalang-trabaho dulot ng teknolohiya dahil sa otomasyon. Bilang result nito, nagkaroon ng mga debate sa politika at pilosopiya ukol sa gampanin ng teknolohiya, ang etika nito, gayundin ang paghahanap sa mga paraan upang mabawasan ang mga masasamang epekto nito.

Nagmula ang salitang "teknolohiya" sa wikang Espanyol na tecnología.[2] Nagmula ito sa salitang Griyego na tekhnología (Griyego: Τεχνολογία, lit. na 'kaalaman sa sining'), na ginamit noong Renasimiyento sa kahulugang "sistematikong pagtrato".[5] Sa kahulugan nito sa sinaunang wikang Griyego, saklaw ng salita ang kaalaman sa paano gawin ang mga bagay-bagay, tulad halimbawa ng sa arkitektura.[6]

Simula noong ika-19 na siglo sa Europa, nagsimulang gamitin ang mga salitang Teknik (mula wikang Aleman) at technique (mula wikang Pranses) upang tumukoy sa "pagsasagawa sa isang bagay". Kasama sa mga tinutukoy ng mga salitang ito ang mga teknikal na sining katulad ng sayaw, nabigasyon, at paglilimbag; walang kinalaman ang paggamit sa kagamitan o instrumento upang matawag na Teknik o technique ang isang gawain.[7] Sa panahong ito, tumutukoy ang salitang technologie sa isang akademikong disiplina na nag-aaral sa "mga kaparaanan ng sining at paggawa", o di kaya sa politikal na disiplinang "nakatuon sa pagsasabatas sa mga gawain ng sining at paggawa".[8] Dahil wala sa wikang Ingles ang pagkakaibang ito sa mga salita, pareho itong naisalin bilang technology, ang kahulugan na ginagamit din sa wikang Tagalog. Bihira noon ang paggamit sa salitang Ingles sa ganitong kahulugan, at madalas itong tumutukoy sa disiplina, kagaya ng kaso ng Massachusetts Institute of Technology.[9] Gayunpaman, pagsapit ng ika-20 siglo at ang Ikalawang Rebolusyong Industriyal, nawala na ang pagiging disiplina ng teknolohiya at nanatili ang kasalukuyan nitong kahulugan na tumutukoy sa praktikal na paraan upang sistematikong magamit ang kaalaman.[10]

refer to caption
Isang halimbawa ng de-kamay na palakol.

Nagawa ng mga unang hominid na gumamit ng mga kagamitan sa pamamagitan ng obserbasyon o paulit-ulit na pagsubok (Ingles: trial and error).[11] Tinatayang 2 milyong taon ang nakaraan, nalaman nila kung paano gumawa ng mga kagamitang yari sa bato sa pamamagitan ng paghampas sa mga tuklap ng mga maliliit na bato upang makagawa ng isang de-kamay na palakol (Ingles: hand axe).[12] Napahusay ito bandang 75,000 taon ang nakaraan, nang ginamit nila ang proseso ng pagtuklap sa bato sa pamamagitan ng pagbabawas.[13]

Ang pagtuklas sa apoy ng mga sinaunang tao ang kinokonsidera ng marami, tulad ni Charles Darwin, bilang ang pinakamahalagang imbensiyon ng sangkatauhan.[14] Ayon sa arkeolohiya, tinatayang gumagamit na ang mga tao ng apoy noon pang 1.5 milyong taon ang nakaraan.[15] Dahil sa apoy, na nagagawa sa pamamagitan ng paggamit sa kahoy at uling, nagawa ng mga sinaunang tao na mailuto ang mga pagkain nila. Nagresulta ito sa pagtaas sa sustansiyang kinakain ng mga tao gayundin ang paglawak ng mga pwedeng kainin nila dahil hindi na limitado sila sa oras bago masira ang pagkain.[16] Ito ang sentrong paksa ng hinuha ng pagluto, na nagsasabing dahil sa abilidad ng pagluto sa mga pagkain, lumaki ang sukat ng utak ng mga tao, bagamat hindi lahat ng mga siyentipiko ay pabor sa ideyang ito.[17] May mga nakita ring dapog (Ingles: hearth) na tinatayang nagamit noong 790,000 taon ang nakaraan. Naniniwala ang mga siyentipiko na sa mga lugar na ito nagsimula ang pakikihalubilo ng mga tao at nagresulta sa pag-usbong ng mga pinakaunang wika.[18]

Bukod dito, ilan sa mga sinaunang teknolohiyang nagawa sa panahong Paleolitiko ang pananamit at bahay. Hindi nagkakasundo ang mga siyentipiko ukol sa kung kailan naimbento ang mga ito, bagamat may mga ebidensiya sa arkeolohiya na nagtuturo sa mga damit na tinatayang nagawa noong 90,000 hanggang 120,000 taon ang nakaraan,[19] at mga bahay na tinirhan noong tinatayang 450,000 taon ang nakaraan.[20] Sa paglipas ng Paleolitiko, lalong naging sopistikado ang mga bahay; simula pa noong tinatayang 380,000 taon ang nakaraan, nagtatayo na ang mga tao ng mga pansamantalang pamamahay.[21] Dahil sa damit, lalo na yung mga yari sa balat ng mga hayop, nagawa ng mga tao na makapasok sa mga mas malalamig na rehiyon. Nagsimulang lumabas ang mga tao mula sa Aprika bandang 200,000 taon ang nakaraan, at nagsimulang lumipat sa Eurasya bago sila kumalat sa iba't ibang panig ng mundo.[22]

Photo of Neolithic tools on display
Mga artepaktong nahukay mula sa Panahong Neolitiko, kabilang ang mga pinakinis na mga kagamitang bato gayundin sa ilang mga palamuti.

Bumilis ang pag-usad ng teknolohiya pagsapit ng Rebolusyong Neolitiko, na kilala rin sa tawag na Unang Rebolusyong Agrikultural, at nagpakomplikado sa mga lipunan bilang resulta.[23] Dahil sa pagkaimbento ng palakol na bato noong panahong Mesolitiko at pinakinis sa panahong Neolitiko, napabilis ang malawakang pangangahoy at pagsasaka.[24] Naging posible ang pagsuporta sa malaking populasyon sa iisang lugar dahil sa pag-usbong ng agrikultura at sedentismo. Dumami ang mga anak kada pamilya, na mahirap magawa sa mga lipunang pagala-gala. Kumpara sa mga lipunang nangangaso, mas may gamit ang mga bata sa pagsasaka.[25]

Ang paglobo ng populasyon at yaman sa panahong ito ang nagbigay-daan sa paghahati sa trabaho.[26] Bagamat hindi alam sa kasalukuyan ang pinakasanhi ng pag-usbong ng mga pinakaunang lungsod sa mundo kagaya ng Uruk, gayundin sa mga pinakaunang sibilisasyon tulad ng Sumer, ipinagpapalagay na ang kasabay na pag-usbong ng hiyarkiyang panlipunan gayundin ang espesyalisasyon sa trabaho, kalakalan, digmaan, at ang pangangailangan ng pagsasagawa ng mga kolektibong aksyon tulad ng irigasyon ang nagbigay-daan upang umusbong ang mga lungsod na ito.[27] Nagbigay-daan naman ang pagkaimbento sa pagsusulat sa paglawak ng kaalamang kultural at literatura, gayundin ang pagtatala sa kasaysayan at ang pagsisimula ng agham at pananaliksik.[28]

Sa panahon ding ito napahusay ang mga pandayan, at nagpahintulot sa pagbububo at pagpapanday sa unang pagkakataon ang ginto, pilak, tanso, at tingga.[29] Pagsapit ng tinatayang 10,000 BKP, naging malinaw sa mga sinaunang lipunan ang kalidad ng mga kagamitang yari sa tanso kesa sa mga bato. Bagamat hindi karaniwang makikita ang purong tanso, laganap ang anyo nito sa mga batong mineral, na madaling nakukuha sa pamamagitan ng simpleng pagsunog gamit ang uling. Kalaunan, nadiskubre nila ang mga balahak tulad ng bronse at brasa bandang 4000 BKP. Unang ginamit naman ang mga balahak na bakal tulas ng asero noong bandang 1800 BKP.[30]

Matapos makontrol ng mga tao ang apoy, natuklasan din nila ang ibang mga anyo ng enerhiya. Pinakauna sa mga ito, ang enerhiyang galing sa hangin sa pamamagitan ng paggamit ng mga layag sa mga barko; tinatayang ginawa ang pinakamatandang halimbawa nito, isang bangkang ginamit sa Ilog Nilo, noong 7000 BKP. Alam na ng mga nakatira sa paligid ng naturang ilog ang taunang pagbaha sa mga baybayin nito simula pa noong sinaunang panahon sa lugar, bilang irigasyon para sa kanilang mga pananim. Gumamit din sila kalaunan ng mga daanan ng tubig na sinadyang gawin upang maidirekta ang tubig nang mas maayos at mas mainam. Samantala, gumawa naman ng sistema ng mga kanal ang mga nasa Sumer at Mesopotamia na umaagos patungo sa Ilog Eufrates at Tigris para din sa irigasyon.

Itinuturing din bilang isa sa mga pinakamahahalagang imbensiyom ng tao, tinatayang magkahiwalay na naimbento ang gulong sa iba't ibang panig ng mundo sa halos pare-parehong panahon. Ayon sa mga ebidensiya sa arkeolohiya, naimbento ang gulong nang sabay sa gitnang Europa, Mesopotamia, at sa hilagang Kaukasyo sa pamamagitan ng kulturang Maykop, noong tinatayang 5500 BKP bilang pinakamaaga, hanggang 3300 BKP bilang pinakahuli, bagamat nagkakasundo ang marami sa 4000 BKP. Tinatayang iginuhit ang mga pinakamatatandang depiksiyon ng mga karwaheng may gulong noong 3500 BKP. Noong 2003, nahukay sa Latian ng Ljubljana sa Eslobenya ang pinakamatandang gulong sa kasalukuyan.

Rebolusyonaryo sa kalakalan at pakikipagdigma ang pagkaimbento sa gulong. Mabilis na nadiskubre kalaunan na makakabuhat ng mga mas mabibigat na mga bagay ang mga karaheng nakagulong. Ginamit at posibleng naimbento rin sa Sumer ang gulong pampalayok (Ingles: potter's wheel); nahukay sa lungsod ng Ur ang isang buong gulong pampalayok na tinatayang ginawa noong 3429 BKP, at meron ding mga mas matatandang piraso ng mga mas lumang gulong pampalayok sa parehong lugar. Bagamat nakakagawa ito ng mga palayok nang maramihan at mabilisan, mas naging rebolusyonaryo ang paggamit ng gulong bilang paraan ng paggawa ng enerhiya, tulad ng mga mulino. Unang ginamit ang mga karwaheng may dalawang gulong sa Iran at Mesopotamia bandang 3000 BKP.

Tinatayang ginawa noong 4000 BKP ang mga pinakamatatandang daanang gawa sa bato sa lungsod ng Ur, gayundin sa mga daanang gawa sa kahoy patungo sa mga latian ng Glastonbury sa Inglatera. Ang pinakamahabang daanan na nakita sa panahong ito ay ginawa noong 3500 BKP, at may habang aabot nang 2.4 kilometro mula sa Golpo ng Persia patungong Dagat Mediteraneo, bagamat hindi ito patag at bahagyang inayos lang. Bandang 2000 BKP, gumawa ang mga Minoano sa isla ng Creta ng isang 50 kilometrong daanan mula sa palasyo ng Gortyn sa katimugang bahagi ng isla patungo sa kabundukan hanggang sa palasyo ng Knossos sa hilaga. Di tulad ng naunang daanan, patag ito.

May tubig-gripo ang mga kabahayan ng mga Minoano. Halimbawa nito ang isang banyera sa palasyo ng Knossos na halos kapareho ng mga modernong iterasyon nito. Meron din silang mga kubeta na nabubuhusan ng tubig. Meron ding ganito sa sinaunang Roma, lalo na sa kanilang mga pampublikong palikuran, na posible dahil sa matinding sistema ng mga imburnal. Pinakamahalaga sa mga ito ang Cloaca Maxima sa Roma, na unang itinayo noong ika-6 na siglo BKP at ginagamit pa rin magpahanggang ngayon.

Kilala ang mga Romano sa kanilang sistema ng mga paagusan na itinayo sa iba't-ibang bahagi ng kanilang imperyo. Itinayo ang una sa mga ito noong 312 BKP, at nagtayo pa sila ng karagdagang sampu hanggang noong 226 KP. Sumatotal, nagtayo ang mga Romano ng mga paagusan na may kabuuang haba ng 450 kilometro, bagamat di tataas sa 70 kilometro lang ang nakaangay sa lupa at sinusuportahan ng mga tulay at arko.

Nagpatuloy ang mga inobasyon pagsapit ng Gitnang Kapanahunan dahil sa produksiyon ng sutla sa Asya at kalaunan sa Europa. Pinagsama ang mga simpleng makina tulad ng dalawit, tornilyo, at kalo upang makagawa ng mga mas komplikadong makina, tulad ng karetilya, mulino, at orasan. Sa panahon ding ito nagsimulang umusbong ang mga pamantasan sa Europa, tulad ng Unibersidad ng Oxford at Cambridge.

Itinuturing bilang isa sa mga pinakamahahalagang imbensiyon ng tao, ang bersyon ng limbagan na ginawa ni Johannes Gutenberg sa Alemanya ang nagpabilis sa paggawa ng mga aklat sa Europa. Bagamat may mga naunang bersyon ng limbagan na naimbento sa Silangang Asya bago ito, ang imbensiyon ni Gutenberg ang itinuturong dahilan ng mga iskolar bilang ang nagpasimula sa pagkalat ng mga makabagong kaisipan sa kontinente at humantong sa Renasimiyento.

Nagsimula ang Rebolusyong Industriyal sa Reyno Unido, kung saan unang naimbento ang makinang pinasisingawan na nagpabilis sa trabaho sa maraming larangan kagaya ng metalurhiya, pagmimina, agrikultura, at pagmamanupaktura, gayundin sa pag-usbong ng mga unang pabrika. Nadebelop sa panahong ito ang marami sa mga teknolohiyang may direktang epekto sa kasalukuyang panahon, kagaya ng imburnal, kuryente, bombilya, motor, riles, at kotse. Nagdulot ito ng malawak na pag-unlad sa mga larangan ng agham, lalo na sa medisina, kimika, pisika, at inhinyera. Kasabay nito, lumawak ang mga lungsod, na humantong sa pagtatayo sa mga pinakaunang mga skyscraper. Sentro rin sa panahong ito ang pag-unlad ng komunikasyon sa malalayong lugar, tulad ng telegrapo, telepono, radyo, at telebisyon.

Lalo pang bumilis ang paglago ng teknolohiya pagsapit ng ika-20 siglo. Sa pisika, ang pagtuklas sa pisyong nukleyar ang nagpasimula sa Panahong Atomiko at ang pag-imbento sa mga sandata at lakas nukleyar. Pinabilis ng kompyuter ang pagproseso sa mga datos. Bagamat sa simula ay hadlang ang laki na inookupa ng mga pinakaunang kompyuter tulad ng ENIAC dahil sa mga tubong basyo (Ingles: vacuum tubes), ang pag-unlad ng agham ng pisikang kwantum ang nagpahintulot upang maibento ang mga transistor simula noong 1947 at nagpaliit sa mga kompyuter upang magamit ng masa.

Pagbabago sa Teknolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kadalasan kapag sinabing bago, lalo itong mabuti sa teknolohiya at mga lipon ng inhinyeriya. Ang kuro ng nakalateknolohiya na sumulong noong ika-20 siglo na isinalarawan ang katayuan kung saan di kanais-nais gamitin ang pinakabagong teknolohiya o iyong mga nangangailan ng daan sa mga ilang sentralisadong inspraktura o bahagi o kasanayan na inangkat sa ibang dako. Nanggaling ang kilusang eco-village dahil sa ganitong hinaing. Tinutukoy ng teknolohiyang intermediate, mas tinatalakay sa ekonomiya, ang kompromiso sa pagitan ng sentral at mahal na teknolohiya ng mga bansang nakasulong at iyong mga bansang sumusulong pa lamang na hinahanap ang pinakamabisang pamamangalat ng sobrang trabaho, at di kasapatan ng salapi. Sa pangkalahatan, palagiang "intermediate" ang "nakalaang" teknolohiya.

Kasalungat naman ang mga palagay na itinataguyod ng transhumanismo, posthumanismo, technological singularity, na sama-samang isinasalarawan bilang "Cosmist" na pananaw ni Hugo de Garis. Sa idelohiyang ito, isang mabuting moral ang pagsulong ng teknolohiya. Nakikita ang ideolohiyang ito bilang sintomas ng syentisimo at mathematical fetishism ng mga taong gumagamit ng katagang ito. Tinatanggap din ng iba na sintomas ito ng paniniwala sa kapitalismo.

Sa ekonomiya, kadalasang magkakaugnay sa isa o higit pa sa nabanggit na kuro sa itaas ang kahulugan ng progreso o paglago. Naidala sa mga kaisipang di maka-ekonomiyang paglago o pagsukat sa well-being ang paghamon sa namamayaning kuro tungkol sa teknolohiya at kanyang kabuluhan.

Kaisipan sa teknolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Teknolohikal na singgularidad
  • Prinsipyong pag-iingat
  • Istratehiya ng teknolohiya (maestratehiyang gamit ng mapagpaunang teknolohiya)
  • Teknokapitalismo
  • Lumilitaw na pilosopiya
  • Transhumanismo
  • Posthumanismo
  • Teknolohiyang intermediyaryo
  • Nakalaang teknolohiya
  • Paglipat ng teknolohiya
  • Inog-buhay ng teknolohiya
  • Modelo sa pagtanggap sa teknolohiya
  • Internet
  • Komunikasyon
  1. ibang katawagan: aghímuan[1]
  1. "aghímuan": Del Rosario, Gonsalo (1969). Salcedo, Juan (pat.). Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino (sa wikang Filipino). Maynila, Pilipinas: Lupon sa Agham. p. 77.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "téknolohíya". KWF Diksiyonáryo ng Wikang Filipíno. Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha noong 11 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Skolnikoff, Eugene B. (1993). "The Setting" [Ang Lugar]. The Elusive Transformation: Science, Technology, and the Evolution of International Politics [Ang Mailap na Transpormasyon: Agham, Teknolohiya, at ang Ebolusyon ng Pandaigdigang Politika] (sa wikang Ingles). Princeton University Press. p. 13. ISBN 0-691-08631-1. JSTOR j.ctt7rpm1. LCCN 92022141. OCLC 26128186.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mitcham, Carl (1994). Thinking Through Technology: The Path Between Engineering and Philosophy [Pag-iisip sa Teknolohiya: Ang Daan sa Pagitan ng Inhinyera at Pilosopiya] (sa wikang Ingles). University of Chicago Press. ISBN 0-226-53196-1. LCCN 93044581. OCLC 29518988.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Simpson, J.; Weiner, Edmund, mga pat. (1989). "technology" [teknolohiya]. The Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0198611868.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Aristoteles (2009). Brown, Lesley (pat.). The Nicomachean Ethics [Etikang Nikomakea]. Oxford World's Classics (sa wikang Ingles). Sinalin ni Ross, David. Oxford University Press. p. 105. ISBN 978-0-19-921361-0. LCCN 2009005379. OCLC 246896490.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Salomon 1984, pp. 114–115.
  8. Salomon 1984, p. 117.
  9. Schatzberg, Eric (2006). ""Technik" Comes to America: Changing Meanings of "Technology" before 1930" [Pumasok sa Amerika ang "Technik": Pagbabago sa Kahulugan ng "Teknolohiya" bago ang 1930]. Technology and Culture (sa wikang Ingles). 47 (3): 486–512. doi:10.1353/tech.2006.0201. ISSN 0040-165X. JSTOR 40061169. S2CID 143784033. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Setyembre 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Salomon 1984, p. 119: "With the industrial revolution and the important part England played in it, the word technology was to lose this meaning as the subject or thrust of a branch of education, as first in English and then in other languages it embodied all technical activity based on the application of science to practical ends."
  11. Schiffer, M. B. (2013). "Discovery Processes: Trial Models" [Mga Proseso sa Pagtuklas: Mga Modelo ng Pagsubok]. The Archaeology of Science [Ang Arkeolohiya ng Agham]. Manuals in Archaeological Method, Theory and Technique (sa wikang Ingles). Bol. 9. Heidelberg: Springer International Publishing. pp. 185–198. doi:10.1007/978-3-319-00077-0_13. ISBN 978-3319000770. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Oktubre 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Museong Britaniko. "Our earliest technology?" [Ang ating pinakamaagang teknolohiya?]. smarthistory.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Minogue, K. (28 Oktubre 2010). "Stone Age Toolmakers Surprisingly Sophisticated" [Sopistikado pala ang mga Mangagawa ng Kagamitan noong Panahon ng Bato]. science.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Crump, Thomas (2001). A Brief History of Science [Maikling Kasaysayan ng Agham] (sa wikang Ingles). Constable & Robinson. p. 9. ISBN 978-1841192352.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Gowlett, J. A. J.; Wrangham, R. W. (1 Marso 2013). "Earliest fire in Africa: towards the convergence of archaeological evidence and the cooking hypothesis" [Pinakamaagang apoy sa Aprika: tungo sa pagsasalubong ng mga ebidensiya sa arkeolohiya at ang hinuha ng pagluluto]. Azania: Archaeological Research in Africa (sa wikang Ingles). 48 (1): 5–30. doi:10.1080/0067270X.2012.756754. ISSN 0067-270X. S2CID 163033909.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Stahl, Ann B. (1984). "Hominid dietary selection before fire" [Mga mapipiling pagkain ng mga hominid bago ang apoy]. Current Anthropology (sa wikang Ingles). 25 (2): 151–68. doi:10.1086/203106. JSTOR 2742818. S2CID 84337150.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Wrangham, R. (1 Agosto 2017). "Control of Fire in the Paleolithic: Evaluating the Cooking Hypothesis" [Pagkontrol sa Apoy noong Paleolitiko: Pagsusuri sa Hinuha ng Pagluluto]. Current Anthropology (sa wikang Ingles). 58 (S16): S303–S313. doi:10.1086/692113. ISSN 0011-3204. S2CID 148798286. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Setyembre 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Dunbar, R. I. M.; Gamble, C.; Gowlett, J. A. J., mga pat. (2014). Lucy to Language: the Benchmark Papers [Mula Lucy hanggang Wika: ang mga Papel Pang-benchmark] (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0199652594. OCLC 1124046527. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Agosto 2020. Nakuha noong 10 Setyembre 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Hallett, Emily Y.; Marean, Curtis W.; Steele, Teresa E.; Álvarez-Fernández, Esteban; Jacobs, Zenobia; Cerasoni, Jacopo Niccolò; Aldeias, Vera; Scerri, Eleanor M. L.; Olszewski, Deborah I.; Hajraoui, Mohamed Abdeljalil El; Dibble, Harold L. (24 Setyembre 2021). "A worked bone assemblage from 120,000–90,000 year old deposits at Contrebandiers Cave, Atlantic Coast, Morocco" [Assemblage ng mga ginamit na buto mula sa mga depositong 120,000–90,000 taong gulang sa Kuweba ng Contrebandiers, Baybayin ng Atlantiko, Morocco]. iScience (sa wikang Ingles). 24 (9): 102988. Bibcode:2021iSci...24j2988H. doi:10.1016/j.isci.2021.102988. ISSN 2589-0042. PMC 8478944. PMID 34622180.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Shaar, Ron; Matmon, Ari; Horwitz, Liora K.; Ebert, Yael; Chazan, Michael; Arnold, M.; Aumaître, G.; Bourlès, D.; Keddadouche, K. (1 Mayo 2021). "Magnetostratigraphy and cosmogenic dating of Wonderwerk Cave: New constraints for the chronology of the South African Earlier Stone Age" [Magnetostratigrapiya at kosmohenikong pagpepetsa sa Kuweba ng Wonderwerk: Mga bagong paghihigpit para sa kronolohiya ng Maagang Panahon ng Bato sa Timog Aprika]. Quaternary Science Reviews (sa wikang Ingles). 259: 106907. Bibcode:2021QSRv..25906907S. doi:10.1016/j.quascirev.2021.106907. ISSN 0277-3791. S2CID 234833092.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. O'Neil, Dennis. "Evolution of Modern Humans: Archaic Homo sapiens Culture" [Ebolusyon ng mga Modernong Tao: Sinaunang Kultura ng Homo sapiens] (sa wikang Ingles). Palomar College. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Abril 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Harvati, Katerina; Röding, Carolin; Bosman, Abel M.; Karakostis, Fotios A.; Grün, Rainer; Stringer, Chris; Karkanas, Panagiotis; Thompson, Nicholas C.; Koutoulidis, Vassilis; Moulopoulos, Lia A.; Gorgoulis, Vassilis G.; Kouloukoussa, Mirsini (2019). "Apidima Cave fossils provide earliest evidence of Homo sapiens in Eurasia" [Nagbibigay ang mga fossil sa Kuweba ng Apidima ng pinakamaagang ebidensiya ng mga Homo sapiens sa Eurasya]. Nature (sa wikang Ingles). Springer Science and Business Media LLC. 571 (7766): 500–504. doi:10.1038/s41586-019-1376-z. ISSN 0028-0836. PMID 31292546. S2CID 195873640. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Agosto 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Kuijt, i., pat. (2002). Life in Neolithic Farming Communities: Social Organization, Identity, and Differentiation [Buhay sa mga Nagsasakang Pamayanan ng Neolitiko: Organisasyong Panlipunan, Pagkakakilanlan, at Pagkakaiba]. Fundamental Issues in Archaeology (sa wikang Ingles). Springer New York. ISBN 9780306471667. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Oktubre 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Coghlan, H. H. (1943). "The Evolution of the Axe from Prehistoric to Roman Times" [Ebolusyon ng Palakol mula Sinaunang Panahon hanggang sa Panahon ng mga Romano]. The Journal of the Royal Anthropological Institute of Great Britain and Ireland (sa wikang Ingles). 73 (1/2): 27–56. doi:10.2307/2844356. ISSN 0307-3114. JSTOR 2844356. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Setyembre 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. University of Chicago Press Journals (4 Enero 2006). "The First Baby Boom: Skeletal Evidence Shows Abrupt Worldwide Increase In Birth Rate During Neolithic Period" [Ang Unang Baby Boom: Ipinapakita ng mga Kalansay na Ebidensiya ang Biglaang Pagtaas ng Antas ng Panganganak noong Panahong Neolitiko]. ScienceDaily (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Nobyembre 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Ferraro, Gary P. (2006). Cultural Anthropology: An Applied Perspective [Antropolohiyang Kultural: Nalalapat na Pananaw] (sa wikang Ingles). The Thomson Corporation. ISBN 978-0495030393. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Marso 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Patterson, Gordon M. (1992). The Essentials of Ancient History [Mga Pangangailangan ng Sinaunang Kasaysayan] (sa wikang Ingles). Research & Education Association. ISBN 978-0878917044. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Marso 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Goody, J. (1986). The Logic of Writing and the Organization of Society [Ang Lohika ng Pagsusulat at ang Organisasyon ng Lipunan] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Cramb, Alan W (1964). "A Short History of Metals" [Maikling Kasaysayan ng mga Metal]. Nature (sa wikang Ingles). 203 (4943): 337. Bibcode:1964Natur.203Q.337T. doi:10.1038/203337a0. S2CID 382712.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Ironware piece unearthed from Turkey found to be oldest steel" [Piraso ng kagamitang bakal na nahukay sa Turkey ang pinakamatandang asero]. The Hindu (sa wikang Ingles). 26 Marso 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 29 Marso 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)