Pumunta sa nilalaman

Tetsuji Tamayama

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tetsuji Tamayama
Kapanganakan
Tetsuji Tamayama

(1980-04-07) 7 Abril 1980 (edad 44)

Si Tetsuji Tamayama (玉山 鉄二 (たまやま てつじ), Tamayama Tetsuji) ay isang artista na taga Hapon. Ang kanyang ina ay katutubo ng Hapon, samantalang ang kanyang ama ay may lahi na mula Korea. Siya ang pinaka-bunso sa kanilang apat, at puro mga babae ang kanyang mga ate. Tinitingala niya ang kanyang senpai na si Takashi Kashiwabara na nagpa-engganyo sa kanya na maging artista. Sumali siya sa mga patimpalak sa pagmomodelo at naging aktibo sa CHECKMATE at sa iba pang babasahing pangmodelo.

Noong taong 2001, unang sumabak si Tetsuji sa palabas na Super Sentai na Hyakujuu Sentai Gaoranger bilang si GaoSilver. Patuloy siyang sumikat sa iba pang palabas sa telebisyon at pelikula tulad ng sa Casshern, Tokyo Love Cinema, ROCKERS at Nana.

Siya ay kasalukuyang nasa ilalim ng pamamahala ng ahensyang MERRYGOROUND.

Promotional Video

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Truth tampok si Yuna Ito bilang si Reira mula sa Trapnest, Tetsuji bilang si Takumi ang bassist
  • Endless Story stampok si Yuna Ito bilang si Reira , mula Trapnest, Tetsuji bilang si Takumi ang bassist

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]