Pumunta sa nilalaman

Tulin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tulin
Habang ang pagbabago ng direksyon ay nangyayari habang ang mga karera ng kotse ay bumubukas sa curved track, ang kanilang tulin ay hindi pare-pareho.
Mga kadalasang simbulo
v, v, v, v
Ibang yunit
mph, ft/s
Sa Batayang yunit SIm/s
DimensiyonL T−1

Ang tulin (Ingles: velocity) o belosidad (mula Kastila: velocidad) ng isang bagay ay ang dalas ng pagbabago (Ingles: rate of change) ng posisyon nito, na sinusukat mula sa isang sinasangguning punto (Ingles: frame of reference). Sa matematika, isa itong bunin ng panahon (Ingles: function of time). Di tulad ng bilis (Ingles: speed) na isang eskalar na kantidad (Ingles: scalar quantity), ang tulin ay isang bektor (Ingles: vector); ibig sabihin, may direksyon rin ito bukod sa kalakhan (Ingles: magnitude) o halaga. Ito ay isinusulat o nirerepresenta bilang: o . Mahalaga at parating ginagamit ang tulin sa kinematika (Ingles: Kinematics), isang sangay ng klasikong mekaniks (Ingles: Classical Mechanics) na tumutukoy sa paggalaw ng mga bagay.

Kung nagbabago ang tulin ng isang bagay, umaarangkada (Ingles: accelerating) ito.

May dalawang katangian ang tulin: bilis at direksyon. Ang bilis ay ang eskalar na kantidad ng tulin. Kung nagbabago ang tulin ng isang bagay, ibig sabihin, umaarangkada ito.

Kung ang isang bagay ay kumikilos papunta sa iisang direksyon at patuloy na lumalayo o lumalapit mula sa orihinal na kinalalagyan nito nang hindi bumibilis o bumabagal, sinasabing ang naturang bagay ay may di-nagbabagong tulin (Ingles: uniform velocity). Sa kabilang banda naman, kung ito ay bumibilis o bumabagal sa paglalakbay, o kaya nagbabago ang kanyang direksyon, sinasabing ito ay may nagbabagong tulin (Ingles: non-uniform velocity).

Walang tulin ang isang bagay kung hindi nagbabago ang posisyon nito, na maaaring mangyari kung ito ay umalis at bumalik sa orihinal nitong posisyon, o kaya hindi ito umalis. Kung hindi nagbago ang posisyon, walang direksyon ang tulin. Ganon din sa kabaligtaran: kung walang direksyon ang tulin ng isang bagay, ibig sabihin, hindi nagbabago ang posisyon nito.

Sa usaping ito, ang distansya ay sinusukat mula sa isang sinasangguning punto.

Ang tulin ay isang halimbawa ng bektor. May dalawang katangian ang mga bektor: kalakhan at direksyon. Ang kalakhan ng tulin ay ang bilis nito, at ang direksyon ay kung saang gawi ito papunta.

Tulin at bilis

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bilis ay isang eskalar na kantidad. Ibig sabihin, wala itong direksyon. Samantalang ang tulin naman ay bektor na nangangailangan ng eskalar na kantidad at direksyon.[1][2]

Di-nagbabagong tulin at arangkada

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Para masabing di-nagbabago ang tulin ng isang bagay, dapat hindi nagbabago ang parehong bilis at direksyon nito. Ang ibig sabihin ng hindi nagbabagong direksyon ay kailangang tuwid o diretso ang tinatahak ng isang bagay.[3]Nagbabago ang tulin kung paikot-ikot ang direksyong tinatahak, kahit na di-nagbabago ang bilis. Sa kasong ito, sinasabing umaarangkada ang naturang bagay.

  1. Rowland, Todd (2019). "Velocity Vector" [Bektor na Tulin] (sa wikang Ingles). Wolfram MathWorld. Nakuha noong Abril 29, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Wilson, Edwin Bidwell (1901). Vector analysis: a text-book for the use of students of mathematics and physics, founded upon the lectures of J. Willard Gibbs [Pagsusuring pambektor: isang libro para sa paggamit ng mga mag-aaral ng matematika at pisika, ginawa mula sa mga turo ni J. Willard Gibbs] (sa wikang Ingles). p. 125.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Equations of Constant Velocity" [Mga Tumbasan ng Di-nagbabagong Tulin]. FisicaLab (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 29, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)