Unibersidad ng Khartoum
Ang Unibersidad ng Khartoum (Ingles: University of Khartoum, pinaiikli bilang UofK; Arabe: جامعة الخرطوم) ay isang multi-kampus, koedukasyonal, at pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Khartoum. Ito ang pinakamalaki at pinakamatandang unibersidad sa Sudan. Ang UofK ay itinatag bilang Gordon Memorial College noong 1902 at naging sa kasalukuyan nitong anyo noong 1956 nang ang Sudan ay maging malaya. Dahil dito, ang Unibersidad ng Khartoum ay kinikilala bilang isang pangunang unibersidad at may mataas na ranggo bilang pang-akademikong institusyon sa Sudan at Afrika.[1]
Nagtatampok ito ng ilang mga instituto, mga akademikong yunit at mga sentro ng pananaliksik gaya ng Mycetoma Research Center, Soba University Hospital, Saad Abualila Hospital, Dr. Salma Dyalisis Centre, Institute of Endemic Diseases at UofK publishing house. Ang Sudan Library, isang seksyon ng aklatan ng unibersidad, ang nagsisilbing pambansang aklatan ng Sudan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Akec, John A. (14 February 2009) Why the university education still excites Sudanese? Naka-arkibo 2019-02-22 sa Wayback Machine.
15°36′44″N 32°32′32″E / 15.612089°N 32.5421°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.