Voltaire
Voltaire | |
---|---|
Kapanganakan | 21 Nobyembre 1694[1]
|
Kamatayan | 30 Mayo 1778[2]
|
Mamamayan | Pransiya[3] |
Nagtapos | Lycée Louis-le-Grand |
Trabaho | pilosopo,[4] makatà,[4] historyador, manunulat ng sanaysay, mandudula, awtobiyograpo, diyarista, manunulat ng science fiction, politologo, manunulat |
Asawa | none |
Pirma | |
Si François-Marie Arouet (21 Nobyembre 1694 – 30 Mayo 1778), na mas kilala sa kanyang pangalang pampanitikan na Voltaire, ay isang manunulat, tagapagsanaysay, at pilosopong namuhay noong Panahon ng Pagkamulat sa Pransiya. Kilala siya sa kanyang katalinuhang may bahid ng pagpapatawa at sa kanyang pagtatanggol ng mga kalayaang sibil, na kapwa kinabibilangan ng kalayaan sa pananampalataya at malayang kalakalan.
Isang mabunga o prolipikong manunulat si Voltaire na nakagawa ng mga gawa sa halos lahat ng mga anyong pampanitikan, kabilang na ang mga dula, mga tula, mga nobela, mga sanaysay, mga akdang pangkasaysayan, mga gawang pang-agham, mahigit sa 20,000 mga liham, at mahigit sa 2,000 mga aklat at mga pampleto.
Isa siyang lantad na tagapagsalita ng kanyang pagtangkilik sa repormang panglipunan, sa kabila ng mahigpit na mga batas ukol sa mga pagbabawal at marahas na mga multang ipinapataw sa mga sumusuway. Bilang isang polemisistang satiriko, malimit niyang gamitin ang kanyang mga gawa upang tuyain ang dogma ng Simbahang Katoliko at ang mga institusyong Pranses noong kanyang kapanahunan.
Isa si Voltaire sa ilang mga tao ng Panahon ng Pagkamulat (kasama nina Montesquieu, John Locke, Thomas Hobbes, at Jean-Jacques Rousseau) na nakaimpluwensiya ang mga gawa at mga ideya sa mahahalagang mga tagapag-isip ng Himagsikang Amerikano at ng Himagsikang Pranses.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Voltaire".
- ↑ "François Marie dit VOLTAIRE Arouet".
- ↑ https://libris.kb.se/katalogisering/rp3520m91f4fp46; petsa ng paglalathala: 8 Hunyo 2017; hinango: 24 Agosto 2018.
- ↑ 4.0 4.1 https://cs.isabart.org/person/35933; hinango: 1 Abril 2021.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Pransiya at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- Articles with BNC identifiers
- Articles with BNMM identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with NLR identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with RSL identifiers
- Articles with KULTURNAV identifiers
- Articles with RKDartists identifiers
- Articles with ULAN identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Articles with RISM identifiers
- Ipinanganak noong 1694
- Namatay noong 1778
- Mga manunulat mula sa Pransiya
- Mga nobelista mula sa Pransiya
- Mga makata mula sa Pransiya
- Mga tagapagsanaysay mula sa Pransiya
- Mga mandudula mula sa Pransiya
- Mga pilosopo mula sa Pransiya