Wikipedia:Mga mabilisang pagbura
Ang pamantayan para sa mabilisang pagbura (PPSMP) ay tumutukoy lamang sa mga kaso na kung saan mayroong malawak na pinagkasunduan ang mga tagapangsiwa na lagtawan ang pagtalakay sa pagbura, sa kanilang mabuting pagpapasya, at agarang burahin ang mga pahina o midya sa Wikipedia. Tandaan ang mga patakaran sa mabilisang pagbura ay maluwag na batay sa patakaran ng Wikipediang Ingles. Tingnan ang Wikipedia:Pagbura ng mga pahina#Mga dahilan para sa partikular na mga dahilan ng mga mabilasang pagbura ng mga pahina dito sa Wikipediang Tagalog.
Sa pagmungkahi ng pahina para mabilisang pagbura, ilagay ang {{burahin}} o {{delete}} sa pinakamataas na bahagi ng pahina. Kapag nagawa ito, madadagdag ito sa Kategorya:Mga mabilisang pagbura para suriin ng mga tagapangasiwa kung pasok ito sa pamantayan ng pahinang dapat na burahin ng mabilisan. Kung pasok nga ito, buburahin ito ngunit kung hindi, tatanggalin ang paalalang {{burahin}} at magbibigay ang tagapangasiwa ng rekomendasyon sa mga susunod na hakbang. Maaring irekomenda na imungkahi sa pamayanang Wikipedia ang pagbura ng pahina at gamitin ang {{Mungkahi-burahin}} at idagdag ang pahina sa Wikipedia:Pagbura ng mga pahina#Mga pahinang buburahin upang iharap sa pamayanan ng mga patnugot sa Wikipediang Tagalog at talakayin ang pabura o di pagbura ng pahina.
Kung may katanungan kayo tungkol sa patakarang ito o sa mga pahina na mabilasang nabura, ilahad ninyo sa usapang pahina.