Pumunta sa nilalaman

Xbox

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Xbox
UriLarong bidyo
May-ariMicrosoft Gaming
BansaEstados Unidos
Ipinakilala15 Nobyembre 2001; 23 taon na'ng nakalipas (2001-11-15)
(Mga) merkadoBuong mundo
NAkarehistro biling trademark saBuong mundo
Tagline"It's a good day to play. When everyone plays, we all win." (Maganda ang araw para maglaro. Kapag naglalaro lahat, mananalo tayong lahat.
Websaytxbox.com

Ang Xbox ay isang tatak ng larong bidyo na binubuo ng limang larong bidyong pambahay na console, gayon din ang mga aplikasyon (laro), serbisyong istriming na Xbox Cloud Gaming, at mga serbisyong online tulad ng Xbox network at Xbox Game Pass. Ginawa ang tatak ng Microsoft Gaming, isang dibisyon ng Microsoft.

Unang ipinakilala ang tatak sa Estados Unidos noong Nobyembre 2001, kasama ang paglunsad ng orihinal na console ng Xbox. Ang pagtatatak ng Xbox ay dati, mula 2012 hanggang 2015, na ginagamit bilang tatak libangang midyang dihital ng Microsoft na pinalitan ang Zune.[1][2] Noong 2022, pinalawak ng Microsoft ang negosyo nito sa paglalaro at muling inorganisa ang Xbox upang maging bahagi ng bago nitong tayong dibisyon na Microsoft Gaming. Sa ilalim ng Microsoft Gaming, ang unang-partidong mga tapaglathala ng Xbox ay ang Xbox Game Studios, ZeniMax Media (Bethesda Softworks), at Activision Blizzard (Activision, Blizzard Entertainment, at King), na nagmamay-ari ng maraming istudiyo at mga prangkisang matagumpay.

Ang orihinal na aparato ay ang unang console na larong bidyo na inalok ng kompanyang Amerikano pagkatapos tumigil ng pagbenta ng Atari Jaguar noong 1996. Umabot ito ng higit sa 24 milyong yunit na nabenta hanggang noong Mayo 2006.[3] Nilabas ng Microsoft ang ikalawang console, ang Xbox 360, noong 2005 at nakabenta ng 86 milyong yunit hanggang noong Oktubre 2021. Nilabas ang ikatlong console, ang Xbox One, noong Nobyembre 2013 at nakabenta ng higit sa 58 milyong yunit.[4] Nilabas naman ang ikatlong mga linya ng console ng Xbox, ang Xbox Series X at Series S, noong Nobyembre 2020. Si Phil Spencer ang pinuno ng Xbox, na humalili sa dati nitong pinuno na si Marc Whitten noong huling bahagi ng Marso 2014.[5][6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Zune branding to be replaced with Xbox branded services". Neowin (sa wikang Ingles). 2023-10-23. Nakuha noong 2023-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Xbox Music is now Groove, as Microsoft recycles and rebrands". Ars Technica (sa wikang Ingles). 2015-07-06. Nakuha noong 2023-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Gamers Catch Their Breath as Xbox 360 and Xbox Live Reinvent Next-Generation Gaming" (sa wikang Ingles). Microsoft. Mayo 10, 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 21, 2008. Nakuha noong Marso 30, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Xbox Series X/S Has Sold 21 Million Units, Xbox One at 58 Million, as Per Microsoft Brazil Presentation". GamingBolt (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Gilbert, Ben (Abril 10, 2014). "Getting to know Microsoft's new Xbox lead, Phil Spencer" (sa wikang Ingles). Engadget. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 12, 2014. Nakuha noong Mayo 9, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Satya Nadella email to employees on tuning our organization" (sa wikang Ingles). Microsoft. Marso 31, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 31, 2014. Nakuha noong Abril 6, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)