Aklat ni Nehemias

(Idinirekta mula sa 2 Esdras)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Aklat ni Nehemias[1] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya na isinulat ni Esdras. Ito ang kasunod ng naunang Aklat ni Esdras. Pinamagatan itong Aklat ni Nehemias sapagkat tungkol ito kay Nehemias, isang matapang na pinuno ng mga mamamayang nagsibalik sa Herusalem noong taong 445 BK (katumbas ng taong 20 ni Artajeres). Tinatayang naganap ang mga salaysayin sa pangalawang aklat na ito ni Esdras sa pagitan ng 538 BK at 432 BK. Sa Bibliyang Vulgata, kilala ang aklat na ito bilang 2 Esdras, II Esdras, o Ikalawang Aklat (na isinulat) ni Esdras (tungkol kay Nehemias).[1]

Paglalarawan

baguhin

Nilalarawan sa pangalawang librong ito ni Esdras ang kuwento hinggil kay Nehemias, partikular na ang muling pagtatayo ng templo - o ang muog - sa Herusalem. Sa pakikipagtulungan ni Esdras, naisagawa ng mga mamamayan ang isang bagong "Tipan" o "Kasunduan" sa piling ng Diyos. Isinagawa rin ang mga pag-aayos na pambayan kaugnay ng pananampalataya.[1]

Mga bahagi

baguhin

Binubuo ang Aklat ni Nehemias ng isang bahagi:[1]

  • Mga Kaayusang Ginawa ni Nehemias Hinggil sa Relihiyon (1-13)

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Esdras at Nehemias". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.