Si Abraham Lincoln[1] (12 Pebrero 1809 - 15 Abril 1865) ay ang ika-16 na Pangulo ng Estados Unidos sa Amerika, na nanungkulan mula taóng 1861 hanggang 1865. Siya ang pangulo na nagwakas sa pag-aalipin sa mga itim sa kanyang bansa, na kagawiang pinahihintulutan noon sa ilang mga kapamahalaan (o estado) sa katimugang bahagi ng kanyang bansa, at ito ang naging kalutasan sa digmaan ng mga mamamayang Amerikano (hilaga laban sa timog). Noong 1865, pagkaraan ng digmaan na ito, siya ay pinaslang ni John Wilkes Booth sa kaparaanang pamamaril habang siya ay nanonood ng dula sa isang gusaling panooran.

Abraham Lincoln
Larawan ni Abraham Lincoln na kinunan ni Alexander Gardner noong 8 Nobyembre 1863
Ika-16 na Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika
Nasa puwesto
Marso 4, 1861 – Abril 15, 1865
Pangalwang PanguloHannibal Hamlin (1861 - 1865); Andrew Johnson (Marso - Abril 1865)
Nakaraang sinundanJames Buchanan
Sinundan niAndrew Johnson
Personal na detalye
IsinilangPebrero 12, 1809
Hardin County, Kentucky (kasalukuyang nasa LaRue County Kentucky)
YumaoAbril 15, 1865
Washington, D.C.
KabansaanAmerikano
Partidong pampolitikaRepublikano
AsawaMary Todd Lincoln
Pirma

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Lincoln malapit sa kasalukuyang Hodgenville, Kentucky noong 1809. Lumipat siya sa Indiana noong 1816, at namalagian sa New Salem, Illinois noong 1831. Naglingkod siya sa Batasan ng Illinois mula 1834 hanggang 1842. Muli siyang lumipat patungo Springfield noong 1837. Napangasawa niya si Mary Todd noong 1842. Mula 1847 hanggang 1849, naging kasapi siya ng Kabahayan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos.[1]

Tumakbo siya para sa Senado noong 1855 subalit hindi nagwagi. Nakipagdebate siya kay Stephen A. Douglas noong 1858. Iniharap siya bilang kandidato sa pagka-pangulo ng Estados Unidos noong Mayo 18, 1860, at nahalal bilang presidente noong Nobyembre 6. Ginawad ang pagpapasinaya niya bilang ika-16 pangulo ng Estados Unidos noong Marso 4, 1861.[1]

Nagsimula ang panahon ng Digmaang Sibil nang tumawag siya ng mga boluntaryo noong Abril 15, 1861.[1]

Una niyang ipinahayag ang paunang labas ng Proklamasyon ng Emansipasyon noong Setyembre 22, 1862, at ibinigay pinakahuli at opisyal na pagpapahayag nito noong Enero 1, 1863. Ang proklamasyong ito ang pinakaunang hakbang patungo sa pagbubuwag ng pagkakaroon ng mga aliping itim sa Amerika. Ipinahayag niya ang talumpating Gettysburg Address noong Nobyembre 19, 1863.[1]

Nang sumapit ang Marso 12, 1864, itinalaga niya si Heneral Ulysses S. Grant bilang komandante ng mga hukbo ng Unyon.[1]

Muli siya nahalal bilang pangulo noong Nobyembre 8, 1864. Isinagawa ang pagpapasinaya noong Marso 4, 1865.

Sumuko si Robert E. Lee kay Ulysses S. Grant noong Abril 9, 1865. Binaril si Lincoln ni John Wilkes Booth noong Abril 14, at binawian siya ng buhay noong Abril 15, 1865. Naganap ang pagbaril habang nanonood si Lincoln ng isang dula sa Tanghalang Ford sa Washington, D.C. Si Abraham Lincoln ang unang pangulong napatay ng isang asesino.[1][2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 "Abraham Lincoln". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. English, Leo James (1977). "Asesino, assassin". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin