Pumunta sa nilalaman

Antipapa Christopher

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Antipapa Christopher

Si Christopher ay humawak ng anti kapapahan mula Oktubre 903 hanggang Enero 904. Bagaman siya ay itinala bilang isang lehitimong Papa ng Simbahang Katoliko Romano sa karamihan ng mga modernong talaan ng mga papa hanggang sa unang kalahati ng ika-20 siglo, ang sinasabing hindi kanonikal na paraan na kanyang nakamit ang kapapahan ay humantong sa kanyang pagkakatanggal mula sa quasi-opisyal na listahan ng mga papa na Annuario pontificio. Dahil dito, siya ay itinuturing ngayong antipapa ng Simbahang Katoliko Romano. Pinaniniwalaang siya ay isang Romano at ang kanyang ama ay nagngangalang Leo. Siya ay isang kardinal-pari ng pamagat na San Damaso nang siya ay maging papa. Ang kanyang predesesor na si Papa Leo V ay pinatalsik sa puwesto at ibinilanggo na pinakamalamang ay noong Oktubre 903. Gayunpaman, ayon sa salaysay ni Auxilius ng Naples, pinatay ni Papa Sergio III ang parehong sina Papa Leo V at Christopher]]. Ang isang ika-11 siglong dokumentong Griyego[1] ay nagsasaad na si Christopher ang unang papa na magsaad na ang Banal na Multo ay nagmula "mula sa Ama at mula sa Anak". Gayunpaman, ang dokumenton ay nag-aangkin na ginawa ni Christopher ang paghahayag na ito kay Sergio, Patriarka ng Constantinople. Sa panahong ito, siNicholas Mystikos ang Patriarka ng Constantinople na gumagawa sa salaysay na nakahihinala.

Pagpapatalsik sa trono

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Christopher ay pinatalsik mula sa kapapahan ni Papa Sergio III. Ayon kay Hermannus Contractus, si Christopher ay napilitang wakasan ang kanyang araw bilang isang monghe. [2] Gayunpaman, ayon sa historyan na si Vulgarius, siya ay sinakal sa bilangguan.[3]

Lehitimasya bilang papa ng Simbahang Katoliko Romano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ilan ay naniniwalang si Christopher ay isang lehitimong papa ng Simbahang Katoliko Romano nang hindi isinasaalang ang hindi lehitimong paraan ng kanyang pagluklok sa trono ng papa. Ang kanyang pangalan ay kasama sa lahat ng mga pangunahing ng mga katologo ng papa hanggang sa simula ng ika-20 siglo.[4] Ang kanyang mga larawan ay kasama sa mga larawan ng mga papa sa Basilika ni San Pablo sa Labas ng mga Pader sa Roma at kasama sa mga fresco ng ika-10 na ipininta noong ika-13 siglo sa mga pader ng sinaunang simbahan ng San Pietro a Grado sa labas ng Pisa. Siya ay kinilala ring papa ng kanyang mga kahaliling papa. Halimbawa, sa pagkukumpirma ng mga pribilheiyo ng Abbey ng Corbie sa Pransiya, binanggit ni Papa Leo IX ang mga naunang pagkakaloob nina Benedicto at Christopher.[5] Gayunpaman, siya ay hindi itinuturing na isang lehitimong papa ng Simbahang Katoliko Roma mula unang kalahati ng ika-20 siglo at binura mula sa Annuario pontificio's list of popes.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Mon. Græca ad Photium pertinent., p. 160, ed. Joseph Hergenröther, Ratisbon, 1869.
  2. Chronicle of Hermannus Contractus, ad an. 904.
  3. Ernst Dümmler, Auxilius und Vulgarius (Leipzig, 1866), 160, 135.
  4. Liber Pontificalis, II, ed. Duchesne; Watterich, Pontificum Romanorum Vitae, I; and Origines de l'Église romaine, I, par les membres de la communauté de Solesmes, Paris, 1836.
  5. Philipp Jaffé, Regesta RR. Pont., I, n. 4212.