Balanse ng masa
Ang balanse ng masa, na tinatawag ding balanse ng materyal, ay isang paglalapat ng konserbasyon ng masa sa pasgsusuri ng mga sistemang pisikal. Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng materyal na pumapasok at lumalabas sa sistema, ang daloy ng masa ay maaaring kilalanin na puwedeng hindi nababatid o mahirap kapag masukat kapag wala ang pamamaraang ito. Ang ekstaktong batas sa konserbasyon na ginagamit sa pag-aanalisa ng sistema ay dumedepende sa konteksto ng isipin, ngunit lahat ay pumapaligid sa konserbasyon ng mass, at iyon ay ang matter ay hindi maaaring mawala o malikha ng kusa.
Samakatuwid, ang balanse ng masa ay malawakan ang paggamit sa pag-iinhinyeriya at mga pananaliksik ukol sa kapaligiran. Halimbawa, ang teorya ng pagbalanse ng mass ay ginagamit sa pagdisenyo ng mga reaktor na pang-kimikal upang masuri ang mga alternatibong proseso upang makagawa ng mga kimikal, pati na rin upang imodelo ang pagtanggal sa polusyon at iba pang mga proseso ng mga pisikal na sistema. Kasama sa mga malapit na magkakaugnay at nababagay na pamamaraan sa pagsusuri ay ang pagbalanse ng populasyon, pagbalanse ng enerhiya, at ang medyo mas komplikado na pagbalanse ng entropy. Ang mga pamamaraan na ito ay kailangan para sa masusi na disenyo at pagsusuri sa mga sistema katulad ng refrigeration cycle.
Sa pangkapaligiran na pagbabantay, ang terminong budget calculations ay ginagamit upang isalarawan ang mga ekwasyon sa pagbalanse ng mass kung saan sila ay ginagamit sa pagtasa ng mga datos sa pagbabantay (pag-uugnay sa ipinasok at resulta, atbp.). Sa biyolohiya, ang teorya ng dinamikang pagbadyet sa enerhiya para sa organisasyong metaboliko ay tahasang gumagamit ng balanse ng mass at enerhiya.