Bulo (bulaklak)
Ang mawo o bulo ng bulaklak (Ingles: pollen) ay isang pulbos na may katangiang maaaring pino hanggang sa magaspang na naglalaman ng mikrogametopito ng mga ispermatopita (mga binhi o buto ng halaman), na lumilikha ng mga gametong panlalaki (mga selulang isperma). Ang mga grano o butil ng bulo ay mayroong isang matigas na balot na nagpuprutekta sa mga selulang sihay habang nasa proseso ng pagkilos o paglipat nila mula sa mga istamen (stamen) hanggang sa pistil (gynoecium) ng mga halamang namumulaklak o mula sa lalaking balisuso papunta sa pambabaeng balisuso ng mga halamang konipero (conifers). Kapag lumalapag ang bulo sa ibabaw ng isang hiyang o katugmang pistil o balisusong pambabae (iyong kapag naganap na ang polinasyon), umuusbong o sumusupling (herminasyon) ito at lumilikha ng isang tubo ng bulo na naglilipat ng similya sa obyul (ovule o pambabaeng gametopita). Ang indibiduwal na mga binhi ng bulo ay may sapat na kaliitan upang mangailangan ng magnipikasyon (pagpapalaki) upang makita ang detalye.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.