Diyos Ama
Ang Diyos Ama ay ang titulong ibinigay sa Diyos sa iba't ibang relihiyon. Sa Hudaismo, inilalarawan ang Diyos bilang "Ama" dahil kinikilala siya bilang nag-iisang lubos, hindi mahahati at maihahambing, nangingibabaw, palagian, at di- na Diyos ng paglikha at kasaysayan.[1][2][3][4] Ang Diyos sa Hudaismo ang nagbigay ng shabbath at ng mga Torah—mga nakasulat na torah, binibigkas na torah, mistikal—sa kaniyang piniling sambayanan.[5] Subalit, sa Hudaismo, ang paggamit ng titulong "Ama" ay karaniwang talinghaga at ito ay isa sa maraming titulong ginagamit ng mga Hudyo upang tukuyin ang Diyos.[6]
Sa santatluhang Kristiyanismo, ang Diyos Ama ay kinikilala bilang unang persona ng Santatlo, kasunod ng Diyos Anak (si Hesukristo) na siyang ikalawang persona, at ng Diyos Espiritu Santo na ikatlong persona. Mula noong ikalawang dantaon, nakapaloob na sa mga kredong Kristiyano ang pananampalataya sa "Diyos Amang Makapangyarihan", dahil siya ang "Ama at maylikha ng sanlibutan".[7] Gayunman, ang konsepto ng Diyos bilang ama ni Hesukristo sa Kristiyanismo ay humihigit pa sa metapisikal na konsepto ng Diyos bilang Lumikha at Ama ng sanlibutan,[6] gaya ng isinasaad sa Kredo ng mga Apostol kung saan ang pagpapahiwatig ng paniniwala sa "Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa" ay kagyat ngunit sinusundan ng nakabukod na "Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat", kaya ito'y pagpapahiwatig ng magkatulad na diwa ng pagka-Ama.[8]
Sa pananampalatayang Islam, pinaniniwalaan nila ang Diyos bilang natatanging may likha ng sanlibutan at siyang nagbigay ng buhay, at bagaman hindi hayagang ipinagbabawal ng tradisyonal na katuruang Islam ang paggamit ng katagang "Ama" bilang pantukoy sa Diyos, hindi nito pinalalaganap o hinihikayat ang paggamit nito.
Pangkalahatang pananaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagaman may pagkakatulad na umiiral sa mga relihiyon, ang pangkaraniwang wika at diwa hinggil sa Diyos sa kaniyang titulong Ama sa mga Abrahamikong relihiyon ay limitado, at bawat relihiyong at may natatanging nakabalangkas na paniniwala at pagpapangalan bilang paggalang sa paksa.[9] Kahit na madaling maipapaliwanag ng nagtuturo ng relihiyon ang konsepto ng kaniyang paniniwala sa kanilang mananampalataya, may nagiging hadlang ang pagtuturo ng mga konseptong nito sa labas ng kaniyang relihiyon.[9]
Kristiyanismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Kristiyanimo, ang Diyos ay kinikilala bilang ama, dahil na rin sa kaniyang aktibong interes sa kapakanan ng mga tao, sa pamamaraang gaya ng interes ng isang ama sa kapakanan ng kaniyang mga anak na nakasalalay sa kaniya bilang ama; tutugon siya sa sangkatauhan na kaniyang mga anak, para sa kanilang ikabubuti.[10][11][12] Marami ang naniniwala na kaya nilang makipag-usap sa Diyos at mapalapit sa kaniya sa tuwing mananalangin — isang mahahalagang sangkap upang makamtan ang pakikipagniig sa Diyos.[13][14][15]
Sa pangkalahatan, ang taguring Ama (nakamalaking titik) ay tanda ng pagbibigay-buhay ng Diyos na siyang may kapangyarihan at kumukopkop sa sanlibutan. Kadalasan ang tingin sa Diyos ay pinakadakila, pinakamakapangyarihan, nakababatid ng lahat-lahat, at naroroon saan mang dakò, at may walang hanggang pagmamahal na di-lubos na mauunawaan ng tao.[16] Halimbawa, nang matapos ni Santo Tomas de Aquino ang kaniyang pinagpipitagang Summa Theologica, kaniyang sinabi na hindi pa niya nasimulang maunawaan ang kaniyang Kristiyanong 'Diyos Ama'.[17] Bagaman ang salitang "Ama" ay nagpapahiwatig ng katangiang panlalaki, ang Diyos ay karaniwang itinuturing na nasa anyong espiritu na walang kasarian gaya ng tao, e.g. ayon sa Katesismo ng Simbahang Katolika #239 ang "Ang Diyos ay hindi lalaki o at hindi rin babae: siya ay Diyos".[18][19] Kahit pa hindi tuwirang tinatawag na "Ina" ang Diyos, may mga pagtukoy sa Lumang Tipan gaya ng sa Isa 42:14, Isa 49:14–15 o Isa 66:12–13 na maipapalagay na katangian ng isang ina.[20]
Sa Bagong Tipan, ang Kristiyanong konsepto ng Diyos Ama ay masasabing pagpapatuloy ng konseptong Hudyo, ngunit may mga karagdagan na at pagbabago, na sa pagdaan ng panahon simula noong Gitnang Panahon ay naging tangi na ang konseptong Kristiyano.[21][22][23] Ang pagtalima sa mga konsepto ng Lumang Tipan ay makikita sa Mateo 4:10 at Lucas 4:8 kung saan binanggit ang: "Magkaroon kayo ng takot kay Yahweh, paglingkuran ninyo siya at sa kaniyang pangalan kayo manumpa" ng Deuteronomio 6:13 na naging tugon sa tukso ni Hesus. Subalit matutunghayan sa 1 Mga Taga-Corinto 8:6 ang kakaibang turong Kristiyano tungkol sa sangay ni Kristo sa pagsabing: "Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.[22] Malinaw na kinikilala sa nakasaad na nito ang katuruang Hudyo sa pagkatangi-tangi ng Diyos, gayunman sinasaad din ang ginampanan ni Hesus noong paglilikha.[22] Sa paglipas ng panahon, tuluyan nang humiwalay ang doktrinang Kristiyano sa Hudaismo sa pamamamgitan ng mga turo ng Mga Ama ng Simbahan noong ikalawang dantaon, at naging pormal na ang paniniwala sa Santatlo noong ikaapat na dantaon.[22][23] Ayon kay Mary Rose D'Angelo at James Barr, ang salitang Aramaic na Abba noong sinaunang panahon ng Bagong Tipan ay walang kahulugan ng pagiging malapít,[24][25][26] at hindi rin ito pormal na salita; ngunit karaniwang ginagamit ng mga supling na may konteksto ng pamilya.[27]
Hudaismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang konseptong Hudyo patungkol sa Diyos ay lubos na nagkakaiba sa mga pananaw ng mga Kristiyano na may mangilan-ngilan lang pagkakatulad sa pananaw ng mga Muslim, lalo na sa “Ang Diyos ay hindi tao” (Aklat ng mga Bilang Bamidbar 23:19*).[1][2][3][4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Berger, David; Wyschogrod, Michael (1978). Jews and "Jewish Christianity". [New York]: KTAV Publ. House. ISBN 0-87068-675-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Singer, Tovia (2010). Let's Get Biblical. RNBN Publishers; 2nd edition (2010). ISBN 978-0615348391.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Singer, Tovia (2010). Let's Get Biblical - In depth Study Guide. Outreach Judaism (1998). ASIN B0006RBS3K.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Kaplan, Aryeh (1985). The real Messiah? a Jewish response to missionaries (ika-New (na) edisyon). New York: National Conference of Synagogue Youth. ISBN 978-1879016118.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)The real Messiah (pdf) - ↑ Gerald J. Blidstein, 2006 Honor thy father and mother: filial responsibility in Jewish law and ethics ISBN 0-88125-862-8 page 1
- ↑ 6.0 6.1 "God the Father in Rabbinic Judaism and Christianity: Transformed Background or Common Ground?, Alon Goshen-Gottstein. The Elijah Interfaith Institute, first published in Journal of Ecumenical Studies, 38:4, Spring 2001" (PDF). elijah-interfaith.org. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 17 Disyembre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kelly, J.N.D. Early Christian Creeds Longmans:1960, pp. 136, 139, 195 respectively
- ↑ Robert C. Neville, Symbols of Jesus: a Christology of symbolic engagement, 2002 ISBN 0521003539 p. 26
- ↑ 9.0 9.1 The Names of God in Judaism, Christianity, and Islam: A Basis for Interfaith Dialogue: by Máire Byrne (Sep 8, 2011) ISBN 144115356X pages 2–3
- ↑ Calling God "Father" by John W. Miller (Nov 1999) ISBN 0809138972 pages x–xii
- ↑ Diana L. Eck (2003) Encountering God: A Spiritual Journey from Bozeman to Banaras ISBN 0807073024 p. 98
- ↑ Church Dogmatics, Vol. 2.1, Section 31: The Doctrine of God by Karl Barth (Sep 23, 2010) ISBN 0567012859 pages 15–17
- ↑ Floyd H. Barackman, 2002 Practical Christian Theology ISBN 0-8254-2380-5 page 117
- ↑ Calling God "Father" by John W. Miller (Nov 1999) ISBN 0809138972 page 51
- ↑ Church Dogmatics, Vol. 2.1, Section 31: The Doctrine of God by Karl Barth (Sep 23, 2010) ISBN 0567012859 pages 73–74
- ↑ Lawrence Kimbrough, 2006 Contemplating God the Father B&H Publishing ISBN 0-8054-4083-6 page 3
- ↑ Thomas W. Petrisko, 2001 The Kingdom of Our Father St. Andrew's Press ISBN 1-891903-18-7 page 8
- ↑ David Bordwell, 2002, Catechism of the Catholic Church, Continuum International Publishing ISBN 978-0-86012-324-8 page 84
- ↑ Catechism at the Vatican website
- ↑ Calling God "Father": Essays on the Bible, Fatherhood and Culture by John W. Miller (Nov 1999) ISBN 0809138972 pages 50–51
- ↑ Early Jewish and Christian Monotheism by Wendy North and Loren T. Stuckenbruck (Mayo 27, 2004) ISBN 0567082938 pages 111–112
- ↑ 22.0 22.1 22.2 22.3 One God, One Lord: Early Christian Devotion and Ancient Jewish Monotheism by Larry W. Hurtado (Oct 25, 2003) ISBN pages 96-100
- ↑ 23.0 23.1 A History of the Christian Tradition, Vol. I by Thomas D. McGonigle and James F. Quigley (Sep 1988) ISBN 0809129647 pages 72–75 and 90
- ↑ James Barr, "Abba isn't 'daddy'", Journal of Theological Studies, 39:28-47.
- ↑ http://aramaicdesigns.blogspot.com/2009/06/abba-isnt-daddy-traditional-aramaic.html
- ↑ Mary Rose D'Angelo, "Abba and 'Father': Imperial Theology and the Jesus Traditions", Journal of Biblical Literature, Vol. 111, No. 4 (Winter, 1992), pp. 615-616
- ↑ Bauckham, Richard (2011). Jesus. Oxford University Press. p. 65. ISBN 9780199575275.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)