Pumunta sa nilalaman

Hekinan

Mga koordinado: 34°53′4.9″N 136°59′36.3″E / 34.884694°N 136.993417°E / 34.884694; 136.993417
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hekinan

碧南市
Kokonoe Mirin Co., Ltd.
Kokonoe Mirin Co., Ltd.
Watawat ng Hekinan
Watawat
Opisyal na sagisag ng Hekinan
Sagisag
Kinaroroonan ng Hekinan sa Prepektura ng Aichi
Kinaroroonan ng Hekinan sa Prepektura ng Aichi
Hekinan is located in Japan
Hekinan
Hekinan
 
Mga koordinado: 34°53′4.9″N 136°59′36.3″E / 34.884694°N 136.993417°E / 34.884694; 136.993417
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Lawak
 • Kabuuan36.68 km2 (14.16 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Oktubre 1, 2019)
 • Kabuuan72,864
 • Kapal2,000/km2 (5,100/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoRobles
- BulaklakHapones na balangaw
Bilang pantawag0566-41-3311
Adres28 Matsumoto-chō, Hekinan-shi, Aichi-ken 447-8601
WebsaytOpisyal na website

Ang Hekinan (碧南市, Hekinan-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01), may tinatayang populasyon na 72,864 katao ang lungsod sa 29,139 mga kabahayan,[1] at kapal na populasyon na 1,986 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 36.68 square kilometre (14.16 mi kuw).[2]

Ang lugar ay bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Mikawa. Sa ilalim ng panahong Edo at kasugunang Tokugawa, malaking bahagi ng kasalukuyang Hekinan ay bahagi ng mga lupain ng Dominyong Numazu, kalakip ng natitirang bahagi bilang teritoryong tenryō sa ilalim ng tuwirang pamumuno ng kasugunan. Sumiklab ang malawakang kaguluhan sa lugar laban sa bagong pamahalaang Meiji at ang patakaran nitong shinbutsu bunri noong 1871. Binuo sa lugar ang mga bayan at nayon ng Distrito ng Hekikai noong 1889, kasabay ng pagtatatag ng Meiji ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Sinanib ang mga bayan ng Ohama, Shinkawa, at Tanao at ang nayon ng Asahi noong Abril 5, 1948 upang mabuo ang lungsod ng Hekinan[2] Dahil ito ay nasa katimugang (南) bahagi ng Distrito ng Hekikai (海郡), ipinangalang Hekinan (碧南) ang bagong-tatag na lungsod. Ikasampung tatag na lungsod ang Hekinan sa Prepektura ng Aichi.[2] Dahil ito ay may mga daungan at riles, mabilis na yumabong ang lungsod kasunod ng Digmaang Pasipiko.

Noong Abril 1, 1955, isinama sa Hekinan ang isang bahagi ng nayon ng Meiji, na kasalukuyang tinatawag na Nishibata.

Noong Setyembre 26, 1959, napinsala nang husto ang lungsod nang nanalasa ang Bagyong Vera, na kilala rin bilang "Bagyong Isewan."

Binuksan ang Rinkai Kōen Pool (na kilala rin bilang Kinuura Mammoth Pool) noong Hulyo 14, 1974. Dahil tinambak ng lungsod ang tabing-dagat para sa mga layuning pang-industriya noong dekada-1960, binuksan nito ang nasabing palanguyan para sa mga taong dumaraing sa pagkawala ng kanilang magandang dalampasigan about losing their beautiful beach. On May 23, 1988, Hekinan Municipal Hospital was opened.[3] Noong 1993, itinatag ng Chubu Electric Power ang Hekinan Thermal Power Station sa tinambak na lupa. Nagbibigay ito ng mataas na kita sa buwis para sa lungsod. Noong Agosto 17, 2003, isinara ang Rinkai Kōen Pool sapagkat pinaglumaan na ang mga pasilidad nito at bumaba ang bilang ng mga turista nito. Sa halip, binuksan ng lungsod ang Liwasang Hekinan Rinkai sa sityo nito.

Kabayanan ng Hekinan

Matatagpuan ang Hekinan sa gitna-katimugang Prepektura ng Aichi, at pinalilibutan ng Lawa ng Aburagafuchi, Ilog Yahagi, Look ng Kinuura, at Look ng Mikawa. Karamihang lupain ng lungsod ay nasa tinambak na lupa, kalakip ng karaniwang taas na mas-mababa sa pitong metro sa ibabaw ng lebel ng dagat.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[4] tuluy-tuloy na tumataas ang populasyon ng Hekinan sa nakalipas na 50 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1950 45,491—    
1960 50,116+10.2%
1970 56,933+13.6%
1980 62,021+8.9%
1990 65,899+6.3%
2000 67,814+2.9%
2010 72,020+6.2%

Mga ugnayang pandaigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kambal at kapatid na mga lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magkakambal ang Hekinan sa:

Noong Abril 2005, bumisita ang Pangalawang Punong Ministro ng Croatia sa Hekinan upang lumahok sa Expo 2005. Habang naroon siya, ipinanukala ng Pangalawang Punong Ministro na magkaroon ng mga ugnayang kapatid na mga lungsod sa pagitan ng mga lungsod sa Croatia. Nagpadala ang Hekinan ng mga opisyal sa Pula noong 2006. Noong Abril 5, 2007, inanyaya ng Hekinan ang Alkalde ng Pula para sa ika-59 na anibersaryo at itinatag ang ugnayang kapatid na lungsod sa pagitan ng dalawang mga lungsod.[6]

Upang makabuo ang pandaigdigang sensibilidad ng mga mamamayan ng Hekinan, humanap ang lungsod ng isang ugnayang kapatid na lungsod kasama ang isang lungsod sa baybaying-dagat ng Karagatang Pasipiko. Sa parehong pagkakataon, ikinokonsidera ng Edmonds ang pagkakaroon ng ugnayan sa isa sa mga lungsod sa Hapon. Nagpadala ng mga opisyal ang Edmonds sa Hekinan noong 1986. Nagsimulang makipagpalitan ng mga mamamayan ang dalawang mga lungsod para sa home stay. Noong Abril 5, 1988, sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng Hekinan, itinatag ng dalawang mga lungsod ang ugnayang kapatid na mga lungsod.[7]

Humigit-kumulang 20 mga tao mula Hekikaigun ang lumipat sa Yuni, Mikawa. Dahil pareho ang kahulugan ng rehiyon, pinagyaman nila nang mabuti ang rehiyon. Ang ugnayang ito ay nakapagbuo nila ng ugnayang kapatid na lungsod sa parehong petsang itinatag ang ugnayang kapatid na lungsod sa pagitan ng Edmonds at Hekinan.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hekinan City official statistics (sa Hapones)
  2. 2.0 2.1 2.2 "碧南はこんなまち". Nakuha noong 5 Hulyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "碧南市民病院改革プラン" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 12 Hunyo 2011. Nakuha noong 6 Hulyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hekinan population statistics
  5. "Međunarodna suradnja Grada Pule". Grad Pula (sa wikang Kroato at Italyano). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-05. Nakuha noong 2013-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "もっと知りたい!碧南姉妹都市 クロアチア" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 12 Hunyo 2011. Nakuha noong 12 Hulyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "エドモンズ市(アメリカ合衆国ワシントン州)". Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Hunyo 2011. Nakuha noong 12 Hulyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "由仁町(北海道夕張郡由仁町)". Nakuha noong 12 Hulyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]