Pumunta sa nilalaman

Himagsikang seksuwal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang rebolusyong seksuwal, himagsikang seksuwal, pag-aalsang seksuwal, liberasyong seksuwal, o kalayaang seksuwal ay isang kapanahunan at kilusang panlipunan na humamon sa mga nakaugaliang alituntunin ng pag-aasal na may kaugnayan sa seksuwalidad at ugnayang interpersonal sa mundong Kanluranin magmula dekada 1960 magpahanggang dekada 1980.[1] Marami sa mga pagbabago sa mga pamantayang pangseks mula sa kapanahunang ito ay naging bahagi na ng pangunahing kalakaran sa lipunan.[2]

Kabilang sa himagsikang pangseks ang pagtaas ng pagtanggap ng pagtatalik na nasa labas ng tradisyunal na ugnayang heteroseksuwal at pangmonogamiya, pangunahing na ang sa labas ng kasal.[3] Sumunod dito ang kontrasepsiyon at ang pildorang kontraseptibo, paghuhubo't hubad sa harap ng madla, ang normalisasyon o pagiging normal ng homoseksuwalidad at pamalit na mga anyo ng seksuwalidad, at ang legalisasyon o pagiging legal ng aborsiyon.[4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Allyn, 2000.
  2. Time, 1967.
  3. Escoffier, 2003.
  4. Germaine Greer at The Female Eunuch
  5. "Abc-Clio". Greenwood.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-09. Nakuha noong 2011-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)