James Lind
Si James Lind, FRSE FRCPE (ipinanganak noong 4 Oktubre 1716 sa Edinburgh – namatay noong 13 Hulyo 1794 sa Gosport), ay isang Eskoses manggagamot. Isa siyang tagapanimula ng kalinisan sa hukbong pandagat, partikular na sa Maharlikang Hukbong Pandagat. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng unang pagsubok na pangklinika,[1] napaunlad niya ang teoriya na ang mga bungang sitrus ay nakapagpapagaling ng eskurbuto. Pinangatwiranan niya ang pagkakaroon ng mga pakinabang o benepisyong pangkalusugan ng mas mainam na bentilasyon sa loob ng mga barkong pangkubong-dagat, ang pinainam na kalinisan ng mga katawan, mga damit at mga higaan ng mga mandaragat, at ang pumigasyon sa ilalim ng palapag (kubyerta) sa pamamagitan ng paggamit ng sulpuro at arseniko. Ipinanukala rin niya ang sariwang tubig ay makukuha sa pamamagitan ng distilasyon ng tubig ng dagat. Napasulong ng kaniyang gawain ang pagsasagawa ng medisinang prebentibo (panggagamot na pang-iwas) at pinainam na nutrisyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Simon, Harvey B. (2002). The Harvard Medical School guide to men's health. New York: Free Press. p. 31. ISBN 0-684-87181-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.