Kahon ng buhangin
Ang isang kahon ng buhangin (Ingles: sandbox sa Estados Unidos, o sandpit [literal na "hukay o uka na may buhangin"] sa Nagkakaisang Kaharian) ay isang maliit na lugar na puno ng buhangin para maging laruan ng mga bata. Karaniwang hugis parisukat ang mga ito at may mga gilid na yari sa kahoy, ngunit maaaring yari din sa plastik, at may iba't iba pang mga hugis. Matatagpuan sila sa mga palaruan, ngunit maaari ring nasa mga tahanan, partikular na sa mga bakuran, at sa mga palaruan ng mga paaralang pang-elementarya. Napakatanyag ng mga kahon ng buhangin upang makagawa ng mga kastilyong buhangin. Subalit may ilang mga hayop na gumagamit sa mga ito bilang dumihan o taihan. Partikular silang ginawa upang mapasigla ang guni-guni o imahinasyon ng mga bata.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Laro ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.