La Independencia
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Disyembre 2013) |
Ang La Independencia ay isa sa mga pahayagang rebolusyonaryo na lumaganap upang pukawin ang damdaming Pilipino sa paghihimagsik laban sa mga Espanyol. Ito ay inilathala at ipinamigay noong 3 Setyembre 1898 at nagpatuloy hanggang 11 Nobyembre 1900. Ito ang naging pinakatanyag at mahalagang pahayagan ng rebolusyon. Karamihan ng artikulo ay sumasalamin sa damdaming nasyonalismo at pagmamahal sa bayan.
Noong 4 Hulyo 1898 ay naglabas ng decree si Emilio Aguinaldo: while abnormal circumstances due to the war still prevail, all publications without permission from the government are strictly prohibited [1]
Nang malaman ito ni Heneral Antonio Luna ay agad siyang kumuha ng lisensiya upang makapagpalathala ng sarili niyang pahayahan. Kasama ng kanyang kapatid na si Joaquin at ilang mga kaibigan ay nagpasya silang maglathala ng pahayagang sumasang-ayon sa damdaming makabayan na umiiral sa Pilipinas noon. La Patria ang unang pangalan ng pahayagan, ngunit ito'y ginawang La Independencia upang hindi magkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol.
Ang mga tauhang editoryal ay binuo ng mga ilustrado at aral sa lipunan. Si Antonio Luna ang nagsilbing direktor, habang si Salvador Vivencio del Rosario ay ang editor. Sina Jose C. Abreu, Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Mariano V. del Rosario, Epifanio de los Santos at Clemente J. Zulueta ang mga manunulat. Si Felipe G. Calderon ang naging proofreader.
Naging kontributor ang ilan sa mga tanyag na personalidad ng kasaysayang Pilipino, tulad nina: T. H. Pardo de Tavera, Jose Palma, Rosa R. Sevilla, Florentina Arellano, Apolinario Mabini.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.