Pumunta sa nilalaman

Mamalya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mammal)

Mga Mamalya
Temporal na saklaw: 225–0 Ma (Kemp) o 167–0 Ma (Rowe) Tignan ang pagtatalakay ng mga petsa sa teksto
Halimbawa ng mga iba't-ibang orden ng mamalya, i-klik ang larawan at i-iskrol pababa para sa mga indibidwal na paglalarawan
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klado: Teleostomi
Superklase: Tetrapoda
Klado: Reptiliomorpha
Klado: Amniota
Klado: Synapsida
Klado: Mammaliaformes
Hati: Mammalia
Linnaeus, 1758
Mga Pangalawang-pangkat
Balyenang Kuba.
Lumba-lumba o Dolpin.

Ang mga mamalya ay ang mga kasapi ng klaseng Mammalia. Ito ay mga bertebrado na inilalarawan ng pagkakaroon ng glandulang pangsuso na nagpapahintulot sa paglikha ng gatas para sa mga kababaihan upang magkaroon ng pagkain ang supling, ang pagkakaroon ng tatlong mga gitnang mga buto ng tainga, ang pagkakaroon ng buhok o balahibo at pagkakaroon ng mga endotermikong katawan (mainit na dugo). Pinapangasiwaan ng neokorteks ng utak ang mga endotermikong katawan nito (mainit na dugo) at sistemang sirkulatoryo na nagpapakita ng mga pulang dugong selula na walang mga nukleyus ng selula at isang apatang-kamarang puso.

Ang mga mamalya ay kinabibilangan ng pinakamalaking hayop sa planeta, ang mga rorkuwal at iba pang malaking balyena, gayundin ang ilang mga matatalino, tulad ng mga elepante, ilang primata, mga tao, at ilang mga setaseo. Ang batayang uri ng katawan ay isang apatang-paang lupang-sinilang na hayop, ngunit ang ilang mamalya ay nakaangkop para sa buhay sa dagat, sa himpapawid, sa mga puno, o sa pamamagitan ng dalawang mga paa. Ang karamihan ng mga mamalya ay nag-aangkin rin ng mga glandula ng pawis at dinalubhasang mga ngipin. Ang pinakamalaking pangkat ng mga mamalya na mga may inunan ay may isang inunan na nagpapakain sa mga anak nito sa pagbubuntis. Ang mga mamalya ay may sukat mula 30–40 milimetro(1- to 1.5-pulgada) gaya ng paniking bubuyog hanggang sa 33 metrong(108 talampakan) balyenang bughaw.

Ang salitang "mammal" ay moderno, galing sa siyentipikong pangalan na ''Mammalia na nilikhang-salita ni Carl Linnaeus noong 175, na hinango mula sa Latin na mamma ("utong, suso"). Ang lahat ng mga babaeng mamalya ay nagpapasuso ng kanilang mga supling ng gatas na inilalabas sa glandulang pangsuso. Ayon sa Mammal Species of the World (Filipino, 'Mamalya Espesye/Uri ng Mundo'), ang 5,702 espesye o uri ng Mamalya ay napag-alaman noong 2005. Ang mga ito ay ipinangkat sa 1,229 mga sari o henero, 153 mga pamilya, at 29 mga orden.[1] Sa 2008 kinumpleto ng IUCN ang isang limang taong, 17,000 siyentipikong Pandaigdigang Pagtatasa ng Mamalya para sa Pulang Talaan ng IUCN na bumilang ng mga 5,488 espesyse o uri sa wakas ng panahong iyon.[2]

Sa ilang mga pag-uuri, ang mga mamalya ay nahahati sa dalawang mga pangalawang-klase(hindi kabilang ang mga fossil): ang Protheria, iyan ay, ang ordeng Monotremata; at ang Theria, o ang mga ibabang-klaseng Metatheria at Eutheria. Ang mga marsupiyal ay bumubuo ng putong na pangkat ng Metatheria, at kinabibilangan ng lahat ng mga nabubuhay na metatheriano gayundin ang mga ilang nalipol; ang mga may inunanay ang putong na pangkat ng Eutheria.

Maliban sa limang espesye o uri ng mga monotreme (mga nangingitlog na mamalya), ang lahat ng mga nabubuhay na mamalya ay nanganganak ng buhay na supling. Ang karamihan ng mga mamalya kabilang ang anim na pinakamayaman sa espesye o uring mga ordern ay kabilang sa pangkat na may inunan. Ang tatlong pinakamalalaking orden sa pagkakasunod-sunod na pababa ang Rodentia (mga maliit na daga, daga, mga porkyupayn, mga babera, mga kapibara at mga ngumunguyang mga mamalya), Chiroptera (mga paniki) at ang Soricomorpha (mga musaranya, mga mowl at mga solenodon). Ang tatlong pinakamalalaking mga orden na depende sa pag-uuring ginagamit ang mga primado na kinabibilangan ng mga tao, ang Cetartiodactyla (na kinabibilangan ng mga ungguladong may paang patas at mga balyena), at ang Carnivora(mga pusa, mga aso, mga musang, mga oso, mga karnerong-dagat at mga kamag-anak nito).[1] Bagaman ng pag-uuri ng mga mamalya sa antas na pamilya ay kaugnay na matatag, ang mga iba-ibang pagtrato sa mas mataas na mga antas na pangalawang-klase, ibabang-klase at orden ay lumilitaw sa mga panitikang magkakasabay lalo na para sa mga marsupiyal. Ang karamihan ng mga kamakailang pagbabago ay sumasalamin sa mga resulta ng pagsusuri na kladistiko at henetikang molekular. Ang mga resulta mula sa henetikang molekular ay halimbawa sa pagtumungo sa pagggamit ng mga bagong pangkat gaya ng Afrotheria at ang paglisan sa mga tradisyonal na pangkat gaya ng Insectivora. Ang mga sinaunang ninuno ng mga mamalya na sinapsido ang mga sphenacodont na pelikosauro na isang pangkat na kinabibilangan din ng Dimetrodon. Sa wakas ng panahong Carboniferous, ang pangkat na ito ay nag-naiiba mula sa hanay ng sauropsida na tumungo sa mga kasalukuyang nabubuhay na mga reptilya at ibon. Ito ay pinangunahan ng maraming mga sari-saring pangkat na mga hindi mamalyang sinapsido(na minsang tinutukoy na mga tulad ng mamalyang reptilya) at ang mga unang mamalya ay unang lumitaw sa Kapanahunana ng Simulang Mesosoiko. Ang mga modernong orden ng mamalya ay lumitaw sa mga panahong Paleoheno at Neoheno ng Kapanahunang Senosoiko.

Ang kladograma[3] na nagsasaaalang-alang sa Klaseng Mammalia na pangkat korona.



Tritylodontidae




Adelobasileus




Sinoconodon


Mammaliaformes

Morganucodontidae  

Morganucodon




Docodonta  

Haldanon


Mammalia
Monotremata

Ornithorhychus (Platipus)



Tachyglossidae (Ekidna)



Theriiformes

Triconodonts, Multituberculates,
Mga Marsupiyal, at Mga may Inunan











Ang Synapsida na isang pangkat ng mga hayop na Sinapsido na naglalaman ng mga mamalya at mga nalipol na kamag-anak nito ay nagmula sa panahong Pennsylvanian nang ang mga ito ay humiwalay mula sa lipi (lineage) na Sauropsida na kinabibilangan ng mga hayop na Sauropsido na tumungo sa mga kasalukuyang reptilya at ibon. Ang mga mamalyang putong na korona ay nag-ebolb mula sa mas naunang mga mammaliaform o anyong mamalya sa panahong Simulang Jurassic.

Ebolusyon mula sa mga amniota in sa Kapanahunang Paleosoiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang orihinal na istraktura ng bungo ng synapsida ay naglalaman ng isang temporal fenestrae sa likod ng butas ng mata sa isang katamntamang mababang posisyon sa bungo(mababang kanan). Ito ay maaaring nakatulong sa mga masel ng panga na maaaring nagpataas ng lakas ng pagkagat ng mga ito.

Ang unang mga buong pang-lupaing bertebrado ang mga amniota. Tulad ng mga hinalinhan nitong ampibyano, ang mga ito ay may mga baga at biyas(hita). Gayunpaman ang mga itlog ng amniota ay may panloob na mga membrano na pumapayag sa umuunlad na embriyo na huminga ngunit nagpapanitili ng tubig sa loob. Kaya ang mga amniota ang mangitlog sa tuyong lupain, samantalang ang mga ampibyano ay pangkalahatang nangangailangan na mangitlog sa tubig. Ang mga unang amniota ay maliwanag na lumitaw sa Pennsylvaniano (Huling Carboniferous). Ang mga ito ay nag-ebolb mula sa higit na naunang mga ampibyano na reptiliomorph o anyong reptilya[4] na nabuhay sa lupain na tinitirhan na ng mga insekto at ibang mga imbertebrado at ng mga pako, lumot na moss at iba pang mga halaman. Sa loob ng ilang mga milyong taon, ang dalawang mga mahahalagang lipi ng amniota ay naghiwalay: ang mga sinapsido na kinabibilangan ng mga mamalya at ang mga sauropsido na kinabibilangan ng mga pagong, mga butiki, mga ahas, mga crocodiliano, mga dinosauro at mga ibon.[5] Ang mga sinapsido ay may isang butas (temporal fenestra o pilipisang bintana) na mababa sa bawat panig ng bungo. Ang isang pangkat sinapsido na mga pelikosauro ay kinabibilangan ng pinakamalalaki at mababangis na mga hayop ng panahong Simulang Permian.[6] Ang mga therapsida ay nag-ebolb mula sa mga pelikosauro sa panahong Gitnang Permian mga 265 milyong taon ang nakalilipas at pumalit sa mga ito bilang mga nanaig na bertebradong pang-lupain.[7] Ang mga ito ay iba sa mga pelikosauro sa ilang mga katangian ng bungo at mga panga kabilang ang mas malaking temporal fenestrae at mga incisor na magkatumbas sa sukat.[8] Ang liping therapsida na tumungo sa mga mamalya ay dumaan sa ilang mga yugto na nagsimula sa mga hayop na labis na katulad ng mga ninuno nitong pelikosauro at nagwakas sa mga probainognathian cynodont na ang ilan ay madaling mapagkakamalang mga mamalya. Ang mga yugtong ito ay inilalarawan ng:

  • dahan dahang pag-unlad ng ikalawang mabutong matigas na ngala ngala.[9]
  • Ang pag-unlad ay nangyari tungo sa isang nakatayong postura ng hita na nagpataas ng stamina ng hayop sa pamamagitan ng paghadlang sa hangganan ni Carrier. Gayunpaman, ang prosesong ito ay mabagal at paiba iba. Halimbawa, ang lahat ng mga herbiborosong hindi mammaliaform na mga therapsida ay nagpakita ng mga napanatiling mga nakabukakang mga hita. Ang ilang mga kalaunang anyo ay maaaring may kalahating nakatayong mga likurang hita. Ang mga karniborosong mga therapsida ng panahong Permian ay may nakabukakang mga harapang hita at ang ilan nito sa Huling Permian ay mayroon ding kalahating nakabukakang likurang hita. Ang katunayan, ang mga modernong monotreme ay mayroon pa ring mga kalahating nakabukakang mga hita.
  • Ang dentaryo ay dahan dahang naging pangunahing buto ng mababang panga at sa panahong Triyasiko ay umunlad sa isang buong panga ng mamalya(na ang binubuo lamang ng dentraryo) at gitnang tenga(na gawa sa mga buto na nakaraang ginagamit upang buuin ang mga panga ng mga reptilya.
  • May ilang ebidensiya ng buhok sa mga therapsida ng panahong Triyasiko ngunit wala para sa mga therapsida ng panahong Permian.
  • Ang ilang mga therapsia ng panahong Triassic ay nagpakita rin ng mga tanda ng laktasyon(paglalabas ng gatas).

Ang mga hindi mamalyang mga sinapsidong ito ay minsang tinatawag na mga "tulad ng mamalyang mga reptilya"[7][10][11].

Paglitaw ng mga mamalya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangyayaring ekstinksiyon na Permian-Triasiko na isang tumagal na pangyayari sanhi ng pagtitipon ng ilang mga pulsong ekstinksiyon ay nagwakas sa pananaig ng mga karnibora sa mga therapsida. Sa panahong Simulang Triasiko, ang lahat ng mga midyum hanggang malalaking niche ng mga karniborang pang-lupain ay pinalitan ng mga arkosauro na sa loob ng lumawig na panahon(35 milyong taon) ay kinabilangan ng mga crocodylomorph, mga pterosaur at mga dinosauro. Sa panahong Jurassic, ang mga dinosauro ay nanaig din sa malalaking niche ng mga herbiborang pang-luapin. Ang mga unang mamalya(sa kahulugang ibinigay sa termino nina Kielan-Jawarowska et al.)[12] ay unang lumitaw sa Huling Triasiko mga 210 milyong taon ang nakalilipas na 60 milyong taon pagktapos ng paglitaw ng mga unang therapsida. Pinalaganap ng mga ito ang mga pang-gabing niche na insektibora nito mula sa gitnang Jurassic at patuloy nito. Halimbawa, ang Castorocauda ay nagkaroon ng mga pag-aangkop para sa paglangyo, paghuhukay at paghuli ng isda.[13] Ang karamihan ng mga espesye ng mamalya na umnira sa era na Mesosoiko ay multituberculata, mga triconodont at mga spalacotheriid.[14] Ang pinakaunang mga alam na monotreme ang Teinolophos na nabuhay mga 123 milyong taon ang nakalilipas sa Australia. Ang mga monotreme ay may ilang mga katangian na maaaring namana mula sa mga orihinal na amniota:

  • Ang mga ito ay may bukasan upang umihi, dumumi at magparami(ang "monotreme" ay nangangahulugang "isang butas") gaya ng mga butiki at ibon
  • Ang mga ito ay nangingitlog na makatad at hindi kalsipado tulad ng sa mga butiki, pagong at mga buwaya.

Hindi tulad ng ibang mga mamalya, ang mga babaeng monotreme ay walang mga utong at nagpapakin ng mga batang supling nito sa pamamagitan ng pagpapawis ng mga gatas mula sa mga patse sa mga tiyan nito. Ang pinakaunang alam na metatheriano ang Sinodelphys na natagpuan sa 125 milyong taon na eskisto o pisara ng panahong Simulang Kretaseyoso sa probinsiyang Liaoning ng hilagang-silanganing Tsina. Ang fossil ay halos kumpleto at kinaibilangan ng mga kumpol ng balahibo at mga bakas ng mga malalambot na tisyu.[15] Ang pinakamatandang alam na fossil ng Eutheria("mga tunay na hayop") ang maliit na tulad ng shrew na Juramaia sinensis, o "Inang Jurassic mula sa Tsina" na pinetsahan ng 160 milyong taon ang nakalilipas sa panahong Itaas na Jurassic.[16] Ayon sa mananaliksik ng fossil na ito, ito ay maaaring isang placental na mamalaya at ang petsa nito ay umaayon sa mga analis na henomiko na naglalagay sa paghihiwalay ng dalawang pangkat ng mamalya na placental at marsupial sa mga 160 milyong taon ang nakalilipas.[17][18][19] Ang isang kalaunang eutherian na Eomaia na pinetsahan ng 125 milyong taon ang nakaliipas sa Mababang Kretaseyoso ay nag-aangkin ng ilang mga katangian na karaniwan sa mga marsupiyal ngunit hindi mga placental. Ito ay ebidensiya na ang mga katangiang ito ay umiiral sa huling karaniwang ninuno ng dalawang pangkat ngunit kalaunang naglaho sa liping placental.[20] Sa partikular:

  • Ang mga butong epipubiko ay lumalawig pasulong mula sa pelvis. Ang mga ito ay hindi matatagpuan sa anumang modernong placental ngunit matatagpuan sa mga marsupiyal, mga monotreme at mga hindi therian na mamalya tulad ng mga multituberculata gayundin sa Ukhaatherium na isang hayop na lumnitaw sa Itaas na Kretaseyoso sa orden na eutherian na Asioryctitheria.[21] Ang mga ito ay maliwanag na katangiang pang-ninuno ng kalaunang naglaho sa liping placental. Ang mga butong epipubikong ito ay tila gumagana sa pamamagitan ng pagpapatigas ng mga masel sa mga hayop na ito sa lokomosyon nito na nagbabawas ng halaga ng espayo na itinatanghal na kailangan ng mga placental upang ilaman ang mga fetus nito sa mga yugtong hestasyon.
  • Ang isang makitid na labasang pelvis ay nagpapakita na ang bata nito ay napakaliit sa kapanganakan at kaya ay ang pagbubuntis ay maikli gaya ng sa mga modernong marsupial. Ito ay nagmumungkahi na ang placenta ay isang kalaunang pag-unlad.

Pananaig sa Kapanahunang Senosoiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga mamalya ay nanaig sa medyum hanggang malaking sukat na mga nitsong ekolohikal sa panahong Senosoiko pagkatapos na ang pangyayaring pagkalipol na Kretaseyoso-Paleoheno ay nag-ubos ng puwang na ekolohikal na minsang pinuno ng mga reptilya.[22] Pagkatapos nito ay mabilis na sumari-sari ang mga mamalya. Ang parehong mga ibon at mamalya ay nagpakita ng isang pagpaparami na pagtaas sa pagkasari-sari.[22] Halimbawa, ang pinaka-unang mga alam na paniki ay may petsang mula mga 50 milyong taon ang nakalilipas na mga 15 milyong taon lamang pagktapos ng pagkakalipol ng mga dinosauro.[23]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Wilson, D. E.; Reeder, D. M., mga pat. (2005). "Preface and introductory material". Mammal Species of the World (ika-3rd (na) edisyon). Johns Hopkins University Press. p. xxvi. ISBN 978-0-8018-8221-0. OCLC 62265494. {{cite book}}: no-break space character in |editor-first= at position 3 (tulong); no-break space character in |editor2-first= at position 3 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Initiatives". The IUCN Red List of Threatened Species. IUCN. April, 2010. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  3. Rougier, G. W.; Wible, J. R.; Hopson, J. A. (1996). "Basicranial Anatomy of Priacodon fruitaensis (Triconodontidae, Mammalia) from the Late Jurassic of Colorado, and a Reappraisal of Mammaliaform Interrelationships" (PDF). American Museum Novitates. American Museum of Natural History (3183). ISSN 0003-0082. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-06-22. Nakuha noong 2012-10-07.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ahlberg, P. E. and Milner, A. R. (1994). "The Origin and Early Diversification of Tetrapods". Nature. 368 (6471): 507–514. Bibcode:1994Natur.368..507A. doi:10.1038/368507a0. Nakuha noong 2008-09-06. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. "Amniota – Palaeos". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-20. Nakuha noong 2012-10-07.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Synapsida overview – Palaeos". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-20. Nakuha noong 2012-10-07.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Kemp, T. S. (2006). "The origin and early radiation of the therapsid mammal-like reptiles: a palaeobiological hypothesis" (PDF). Journal of Evolutionary Biology. 19 (4): 1231–47. doi:10.1111/j.1420-9101.2005.01076.x. PMID 16780524. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-03-08. Nakuha noong 2012-10-07.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Therapsida – Palaeos". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-15. Nakuha noong 2012-10-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Kermack, D.M.; Kermack, K.A. (1984). The evolution of mammalian characters. Croom Helm. ISBN 079915349. {{cite book}}: Check |isbn= value: length (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Bennett, A. F. and Ruben, J. A. (1986) "The metabolic and thermoregulatory status of therapsids"; pp. 207–218 in N. Hotton III, P. D. MacLean, J. J. Roth and E. C. Roth (eds), "The ecology and biology of mammal-like reptiles", Smithsonian Institution Press, Washington.
  11. Estes, R. (1961). "Cranial anatomy of the cynodont reptile Thrinaxodon liorhinus". Bulletin of the Museum of Comparative Zoology (1253): 165–180.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Kielan-Jaworowska, Zofia; Cifelli, Richard L.; Luo, Zhe-Xi (2004). "Introduction". Mammals from the Age of Dinosaurs. New York: Columbia University Press. pp. 1–18. ISBN 0-231-11918-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Jurassic "Beaver" Found; Rewrites History of Mammals".
  14. Luo, Zhe-Xi (2007). "Transformation and diversification in early mammal evolution" (PDF). Nature. 450: 1011–19. Bibcode:2007Natur.450.1011L. doi:10.1038/nature06277. PMID 18075580. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-11-24. Nakuha noong 2012-10-07.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Oldest Marsupial Fossil Found in China". National Geographic News. Disyembre 15, 2003.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Luo, Zhe-Xi; Yuan, Chong-Xi; Meng, Qing-Jin; Ji, Qiang (2011). "A Jurassic eutherian mammal and divergence of marsupials and placentals" (PDF). Nature. 476 (7361): 442–445. Bibcode:2011Natur.476..442L. doi:10.1038/nature10291. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-05-10. Nakuha noong 2012-10-07.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. http://www.livescience.com/15734-oldest-placental-mammal.html
  18. http://www.nytimes.com/2011/08/30/science/30obmammal.html
  19. http://evolution.berkeley.edu/evolibrary/news/110901_earlymammals
  20. "Eomaia scansoria: discovery of oldest known placental mammal".
  21. M. J. Novacek, G. W. Rougier, J. R. Wible, M. C. McKenna, D. Dashzeveg, and I. Horovitz (1997). "Epipubic bones in eutherian mammals fromthe Late Cretaceous of Mongolia". Nature. 389: 483–486. Bibcode:1997Natur.389..483N. doi:10.1038/39020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  22. 22.0 22.1 Sahney, S., Benton, M.J. and Ferry, P.A. (2010). "Links between global taxonomic diversity, ecological diversity and the expansion of vertebrates on land" (PDF). Biology Letters. 6 (4): 544–547. doi:10.1098/rsbl.2009.1024. PMC 2936204. PMID 20106856.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  23. "Rogue finger gene got bats airborne". Newscientist.com. Nakuha noong 2009-03-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)