Miguel de Cervantes
Miguel de Cervantes | |
---|---|
Kapanganakan | 29 Setyembre 1547 (Huliyano)
|
Kamatayan | 22 Abril 1616
|
Nagtapos | Unibersidad ng Salamanca |
Trabaho | nobelista, mandudula,[1] makatà, lyricist, Kawal, manunulat,[1] Tagapagtuos |
Pirma | |
Si Miguel de Cervantes Saavedra (29 Setyembre 1547 – 22 Abril 1616),[[:]] at isa sa mga preeminenteng nobelista sa mundo.
Ang kaniyang pangunahing akda, ang Don Quixote, ay itinuturing bílang kauna-unahang makabagong nobelang Europeo, isang klasiko ng Panitikang Kanluranin, at napapabilang ito sa mga pinakamahusay sa lahat ng akdang piksiyon na naisulat. Ang impluwensiya niya sa wikang Espanyol ay sobrang tindi na ang wikang ito ay madalas ding na tinatawag na "la lengua de Cervantes" ("ang wika ni Cervantes").[6] Tinagurian din siyang El Príncipe de los Ingenios ("Ang Prinsipe ng Talas ng Isip").[7]
Noong 1569, lumipat si Cervantes sa Roma, kung saan nagtrabaho siya bílang lingkod ng isang kardinal. Noong 1571 naman, nagdesisyon siyang sumali sa plota ng Espanyol sa labanán ng Lepanto, isang matinding sagupaan sa pagitan ng mga estadong Katoliko at ng mga Otomano para sa kontrol ng Mediterranean. Pagkatapos nitó tinuloy ni Cervantes ang kaniyang karera sa militar ngunit naputol ito nang mahúli siya ng mga piratang Otomano at dinalá sa Algiers, na naging isa sa mga pangunahin at pinakakosmopolitanong lungsod sa Imperyong Otomano, at nanatili siya sa pagkabihag mula 1575 hanggang 1580.
Noong 1585, nilathala ni Cervantes ang isang nobelang pastoral, ang La Galatea. Nagtrabaho siya bílang ahente de kompras para sa Armadang Kastila, at naging maniningil ng buwis para sa pamahalaan.
Kapanganakan at unang bahagi ng búhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinagpapalagay na si Cervantes ay isinilang sa Alcalá de Henares, isang lungsod na Kastilyano na may mga 35 kilometro hilagang silangan ng Madrid, marahil noong 29 Setyembre (kapistahan ni San Miguel Arcangel) 1547. Ang ipinagpapalagay na petsa ng kaniyang kapanganakan ay nadetermina mula sa mga talâ sa rehistro ng simbahan, dahil sa tradisyon na ang pagpapangalan sa bata ay base sa kung sinong santo ang may kapistahan sa araw ng kapanganakan nito. Bininyagan siya sa Alcalá de Henares noong 9 Oktubre 1547[9] sa simbahang pamparokya ng Santa María la Mayor. Ang rehistro ng mga tala ng pagbinyag ay ang sumusunod:
Ngayong Linggo, sa ikasiyam na araw ng Oktubre, sa taon ng ating Panginoon isang libo limandaan apatnapu't pitó, si Miguel, anak ni Rodrigo Cervantes at asawa niyang si Leonor, ay bininyagan; ang mga ninong niya ay sina Juan Pardo; siya ay bininyagan ni Kapita-pitagang Batsilyer Bartolomé Serrano, Pari ng Ating Senyora. Mga saksi, Baltasar Vázquez, Sexton, at akó, ang nagbinyag sa kaniya at pinirmahan ito sa aking pangalan. Batsilyer Serrano.
Hindi ipinanganak si Miguel na may apelyidong Cervantes Saavedra. Dinagdag niya lang ang "Saavedra" noong matanda na siya. Sa pagpapangalang Espanyol ang kaniyang ikalawang apelyido ay ang sa kaniyang ina, Cortinas.
Serbisyong militar at pagkakulong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga dahilan ng pag-alis ni Cervantes sa Espanya ay nananatiling hindi tiyak. Kung siya ba ay isang "mag-aaral" sa parehas na pangalan, isang "may dalang espada na tumakas sa hustiya", o tumakas mula sa isang royal warrant of arrest, dahil sa nasugatan niya ang isang Antonio de Sigura sa isang duwelo, ay hindi pa tiyak.
- ↑ 1.0 1.1 https://cs.isabart.org/person/4834; hinango: 1 Abril 2021.
- Articles with BNC identifiers
- Articles with BNMM identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with RSL identifiers
- Articles with KULTURNAV identifiers
- Articles with ULAN identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Articles with RISM identifiers
- Ipinanganak noong 1547
- Namatay noong 1616
- Mga manunulat mula sa Espanya
- Mga makata mula sa Espanya