Miss World 1999
Miss World 1999 | |
---|---|
Petsa | 4 Disyembre 1999 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Olympia Hall, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster |
|
Lumahok | 94 |
Placements | 10 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Yukta Mookhey Indiya |
Ang Miss World 1999 ay ang ika-49 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Olympia Hall sa Londres, Reyno Unido noong 4 Disyembre 1999.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Linor Abargil ng Israel si Yukta Mookhey ng Indiya bilang Miss World 1999. Ito ang ikaapat na beses na nanalo ang Indiya bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Martina Thorogood ng Beneswela, habang nagtapos bilang second-runner-up si Sonia Raciti ng Timog Aprika.[1][2]
Mga kandidata mula sa siyamnapu't-apat na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Ulrika Jonsson at modelong si Melanie Sykes ang kompetisyon.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lokasyon at petsa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil hindi na interesado ang pamahalaan ng Seykelas na pangunahan ang Miss World, naghanap ang mga Morley ng ibang lokasyon upang pagdausan ng kompetisyon. Hindi umusbong ang negosasyon sa pagitan ng mga Morley at ng Israel, na siyang interesadong pangunahan ang Miss World sa nakaraang taon, dahil sa problema sa seguridad. Nagkaroon din ng negosasyon ang mga Morley na idaos sa Las Vegas, Nevada ang kompetisyon, ngunit hindi ito umusbong dahil hindi sila interesadong pangunahan ang kompetisyon. Nakipag-usap rin ang mga Morley sa Irlanda na interesadong pangunahan ang kompetisyon sa 2001, ngunit hindi rin nila tinaggap ang alok na pangunahan ang kompetisyon sa taong ito dahil sa problema sa pagpopondo.
Dahil walang bansa ang gustong pangunahan ang Miss World, nakipag-ugnayan si Eric Morley sa mga direktor ng Channel 5 sa Londres, na nagsahimpapawid ng kompetisyon noong nakaraang taon, na pondohan ang edisyong ito na gaganapin sa Londres. Sumang-ayon noong Agosto ang mga tagapamahala ng Channel 5 na pangunahan ang Miss World 1999 sa Olympia Hall sa 4 Disyembre 1999.
Dahil sa klima ng Londres sa buwan ng Agosto, ang mga pre-recorded segments ng Miss World ay ginanap sa Malta.
Pagpili ng mga kalahok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kalahok mula sa siyamnapu't-apat na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dapat sanang lalahok si Miss Bosnia and Herzegovina 1999 Alisa Sisic sa edisyong ito, ngunit dahil sa mga naglipanang mga litrato niyang nakahubad, siya ay tinanggalan ng titulo at siya ay pinalitan ni Samra Begović.[3] Dapat sanang ipapadala ng Miss Israel Organization si Miss Israel 1999 Rana Raslan sa edisyong ito,[4] ngunit ipanadala na lamang si Raslan sa Miss Universe at ipinadala si Genny Chervoney sa Miss World. Tinanggalan ng titulo si Miss Peru World 1999 Rosa Elvira Cartagena dahil sa pagsisinungaling tungkol sa pagkapanalo niya sa Miss Amber World, at siya ay pinalitan ni Wendy Monteverde. Pinalitan ni Binibining Pilipinas-International 1999 Lalaine Edson si Miriam Quiambao bilang Binibining Pilipinas-World 1999 matapos palitan ni Quiambao si Binibining Pilipinas-Universe 1999 Janelle Bautista dahil sa problema sa kanyang pagkamamamayan.[5][6] Dapat sanang lalahok ang first runner-up ng Miss Dominican Republic 1999 na si Lucy Ceballos sa edisyong ito, ngunit siya ay pinalitan ni Luz Cecilia García dahil sa kanyang ugali.
Mga unang pagsali, pagbalik at pag-urong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Eskosya at Gales sa edisyong ito, matapos makilala ang pagtatag ng Asembleya sa Parlyamento ng Gales at Eskosya. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Guyana na huling sumali noong 1989; Madagaskar na huling sumali noong 1990; Lupangyelo at Sri Lanka na huling sumali noong 1994; Bangglades, Rumanya, at Tahiti na huling sumali noong 1996; at Honduras, Letonya, at Taylandiya na huling sumali noong 1997.
Hindi sumali si Micaella L'Hortalle ng Mawrisyo dahil sa kakulangan sa pagpopondo. Hindi sumali sina Dayanarah Roozendaal ng Curaçao at Lillianna Pilarte ng Nikaragwa dahil sa problema sa pananalapi. Hindi sumali ang Kapuluang Birheng Britaniko matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Hindi sumali si Zahide Bayram ng Dinamarka dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[7] Hindi sumali si Vaanda Katjiuongua ng Namibya dahil sa kakulangan sa pagpopondo. Bumitaw rin sa huling minuto si Miss Northern Ireland 1999 Zöe Salmon sa kompetisyon dahil hindi pa makapag-aplay ang kanyang organisasyon para sa isang hiwalay na kandidata sa tamang oras dahil wala pang sariling parlyamento ang Hilagang Irlanda.[8]
Mga resulta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pagkakalagay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1999 |
|
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
Top 5 | |
Top 10 |
|
Mga Continental Queens of Beauty
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kontinente | Kandidata |
---|---|
Aprika |
|
Asya at Oseaniya |
|
Europa |
|
Kaamerikahan |
|
Karibe |
|
Mga espesyal na parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Parangal | Nagwagi |
---|---|
Best Evening Wear |
|
Kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pormat ng kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinarada ng lahat ng mga kandidata ang kanilang mga evening gown na gawa ng isang taga-disenyo sa kanilang bansa, kasabay ng kanilang pre-recorded swimwear segment na ginawa sa Malta. Pagkatapos nito, sampung semi-finalist ang napili para sa personal interview round, at kalaunan ay inanunsyo ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World.
Komite sa pagpili
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Dean Cain – Amerikanong aktor
- Louis Grech – Tagapangulo ng Air Malta
- Eddie Irvine – Formula One driver mula sa Hilagang Irlanda
- Lennox Lewis – Ingles na boksingero
- Wilnelia Merced – Miss World 1975 mula sa Porto Riko
- Luciana Morad – Brasilenyang supermodelo
- Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
- Terry O’Neill – Ingles na litratista
- Linda Petursdóttir – Miss World 1988 mula sa Lupangyelo
Mga kandidata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Siyamnapu't-apat na kandidata ang lumahok para sa titulo.
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Susan Hoecke[9] | 18 | Berlin |
Anggola | Lorena Silva | 21 | Moçâmedes |
Arhentina | Verónica Barrionuevo | 20 | Buenos Aires |
Aruba | Cindy Vanessa Cam Tin Martinus | 19 | Oranjestad |
Australya | Nalishebo Gaskell[10] | 21 | Darwin |
Austrya | Sandra Kolbl[11] | 20 | Vorarlberg |
Bagong Silandiya | Coralie Ann Warburton[12] | 20 | Auckland |
Bahamas | Mary Watkins | 17 | Nassau |
Bangglades | Tania Rahman Tonni[13] | 19 | Dhaka |
Belhika | Brigitta Callens[14] | 18 | Oudenaarde |
Beneswela | Martina Thorogood[15] | 24 | Valencia |
Bosnya at Hersegobina | Samra Begović[16] | 19 | Zenica |
Botswana | Alimah Isaacs[17] | 20 | Gaborone |
Brasil | Paula de Souza Carvalho | 18 | Rio de Janeiro |
Bulgarya | Violeta Zdravkova | 22 | Sofia |
Bulibya | Ana Raquel Rivera | 21 | Tarija |
Ekwador | Sofía Morán[18] | 19 | Manabi |
Eskosya | Stephanie Norrie | 20 | Glasgow |
Eslobakya | Andrea Verešová | 19 | Žilina |
Eslobenya | Neda Gačnik | 19 | Liubliana |
Espanya | Lorena Bernal[19] | 18 | San Sebastian |
Estados Unidos | Natasha Allas | 25 | Los Angeles |
Estonya | Karin Laasmäe | 19 | Tallinn |
Gales | Clare Marie Daniels[20] | 20 | Swansea |
Gana | Mariam Sugru Bugri | 19 | Brong Ahafo |
Gresya | Evangelia Vatidou | 23 | Atenas |
Guwatemala | Ana Beatriz González | 20 | Lungsod ng Guatemala |
Guyana | Indra Changa | 20 | Georgetown |
Hamayka | Desiree Depass | 20 | Kingston |
Hapon | Aya Mitsubori | 23 | Tokyo |
Hibraltar | Abigail Garcia | 22 | Hibraltar |
Honduras | Irma Waleska Quijada | 23 | Cortés |
Hong Kong | Marsha Yuan | 21 | Hong Kong |
Indiya | Yukta Mookhey | 20 | Mumbai |
Irlanda | Emir-Maria Holohan Doyle | 19 | Dublin |
Israel | Genny Chervoney | 18 | Ashdod |
Italya | Gloria Nicoletti | 19 | Roma |
Kanada | Mireille Eid | 23 | Ottawa |
Kapuluang Birhen ng Estados Unidos | Shari Afua Smith | 17 | Charlotte Amalie |
Kapuluang Kayman | Mona Lisa Tatum | 22 | Cayman Brac |
Kasakistan | Assel Issabayeva | 19 | Almaty |
Kenya | Esther Muthoni Muthee | 24 | Nairobi |
Kolombya | Mónica Elizabeth Escolar | 21 | Barranquilla |
Kosta Rika | Fiorella Martínez | 23 | San José |
Kroasya | Ivana Petković | 18 | Zagreb |
Letonya | Evija Ručevska | 20 | Riga |
Libano | Norma Naoum | 22 | Beirut |
Liberya | Sebah Esther Tubman | 21 | Monrovia |
Litwanya | Renata Mackevičiūtė | 19 | Šiauliai |
Lupangyelo | Katrín Rós Baldursdóttir | 18 | Akranes |
Madagaskar | Tantely Naina Ramonjy | 19 | Antananarivo |
Malaysia | Jaclyn Lee | 24 | Kedah |
Malta | Catharine Attard | 21 | Żejtun |
Mehiko | Danette Velasco | 21 | Lungsod ng Mehiko |
Nepal | Shweta Singh | 19 | Kathmandu |
Niherya | Augustine Iruviere | 22 | Abuja |
Noruwega | Annette Haukaas | 20 | Trondheim |
Olanda | Ilona Marilyn van Veldhuisen | 22 | Amsterdam |
Panama | Jessenia Casanova | 24 | Lungsod ng Panama |
Paragway | Mariela Candia Ramos | 18 | Asuncion |
Peru | Wendy Monteverde | 19 | Lima |
Pilipinas | Lalaine Edson | 22 | Maynila |
Pinlandiya | Maria Laamanen | 18 | Turku |
Polonya | Marta Kwiecień | 20 | Lublin |
Porto Riko | Arlene Torres | 21 | Bayamón |
Portugal | Joana Ines Texeira | 20 | Lisboa |
Pransiya | Sandra Bretones | 18 | Paris |
Republikang Dominikano | Luz García[21] | 22 | Santo Domingo |
Republikang Tseko | Helena Houdová | 19 | Pilsen |
Reyno Unido | Nicola Willoughby | 18 | Lincoln |
Rumanya | Nicoleta Luciu | 21 | Bucharest |
Rusya | Elena Efimova | 23 | Novosibirsk |
Sambia | Cynthia Chikwanda | 21 | Lusaka |
Seykelas | Anne-Mary Jorre | 18 | Victoria |
Simbabwe | Brita Maseluthini | 21 | Harare |
Singapura | Audrey Quek | 24 | Singapura |
Sint Maarten | Ifelola Badejo | 18 | Philipsburg |
Sri Lanka | Dilumini de Alwis Jayasinghe | 22 | Colombo |
Suwasilandiya | Colleen Tullonen | 18 | Mbabane |
Suwesya | Jenny Torsvik | 23 | Skurup |
Suwisa | Anita Buri | 21 | Berg |
Tahiti | Manoa Froge | 19 | Papeete |
Tansaniya | Hoyce Anderson Temu | 21 | Dar es Salaam |
Taylandiya | Kamala Kumpu Na Ayutthaya | 21 | Bangkok |
Timog Aprika | Sonia Raciti[22] | 21 | Johannesburg |
Timog Korea | Han Na-na | 21 | Seoul |
Trinidad at Tobago | Sacha Anton | 24 | Port of Spain |
Tsile | Lissette Pilar Sierra Ocayo | 24 | Arica |
Tsipre | Sofia Georgiou | 18 | Nicosia |
Turkiya | Ayşe Hatun Önal | 23 | Istanbul |
Ukranya | Olga Savinskaya | 20 | Kharkiv |
Unggarya | Erika Dankai | 22 | Budapest |
Urugway | Katherine Gonzalves | 21 | Montevideo |
Yugoslavia | Lana Marić | 18 | Belgrade |
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Indian beauty crowned Miss World 1999 amid protest". New Straits Times (sa wikang Ingles). 6 Disyembre 1999. Nakuha noong 3 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss India crowned Miss World amid feminist demonstrations". Reading Eagle. 6 Disyembre 1999. Nakuha noong 3 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Photo cause fall of Miss Bosnia". Eugene Register-Guard (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1999. p. 2. Nakuha noong 3 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kampeas, Ron (9 Marso 1999). "Israeli Arab wins Miss Israel contest". Washington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Disyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cueto, Francis Earl (25 Marso 1999). "Reigning Bb. RP stripped of title". Manila Standard (sa wikang Ingles). pp. 1–2. Nakuha noong 9 Enero 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lo, Ricky (19 Marso 2015). "What Miriam withholds in her 'tell all' book". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Zahide, Danimarka'nın en güzeli" [Zahide, the most beautiful of Denmark]. Hurriyet (sa wikang Turko). 21 Nobyembre 1999. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NI loses out on Miss World entry". BBC News (sa wikang Ingles). 15 Oktubre 1999. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "„Inga Lindström"-Star Susan Hoecke: „Ich bin ein totales Mitte-Kind"" [“Inga Lindström” star Susan Hoecke: “I am a total middle child”]. B.Z. (sa wikang Aleman). 20 Oktubre 2019. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tanzania: Beauty Queens For Dar es Salaam To Promote Telefood Program". TOMRIC News Agency (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 2000. Nakuha noong 3 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng AllAfrica.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Elfter Miss-Austria-Titel im Ländle" [Eleventh Miss Austria title in the Ländle]. Vorarlberger Nachrichten (sa wikang Aleman). 2 Abril 2012. Nakuha noong 2 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Motorsport: Beauty queen smitten by single-seater race fever". The New Zealand Herald (sa wikang Ingles). 30 Hunyo 2000. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Search for Miss World Bangladesh will start from September 16". Dhaka Tribune (sa wikang Ingles). 13 Setyembre 2018. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brigitta Callens a vu son mari la tromper avec un homme" [Brigitta Callens saw her husband cheat on her with a man]. 7sur7 (sa wikang Pranses). 8 Pebrero 2011. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miranda ganó el Miss Venezuela" [Miranda won Miss Venezuela]. El Universal (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Setyembre 2009. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauty loses her clothes, cool and crown". Independent Online (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1999. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lawyer deserts former Miss Botswana in court". Sunday Standard (sa wikang Ingles). 20 Abril 2008. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Manabitas y su paso por el Miss Ecuador". El Diario Ecuador (sa wikang Kastila). 13 Marso 2009. Nakuha noong 4 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lorena Bernal: así ha cambiado de Miss España 1999 a primera dama de la Premier League" [This is how Lorena Bernal has changed: from Miss Spain 1999 to first lady of the Premier League]. La Vanguardia (sa wikang Kastila). 26 Oktubre 2022. Nakuha noong 9 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stuart, Julia (6 Oktubre 2000). "There's a girl who works down the chip shop who swears she's Miss Wales". The Independent (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ de León, Samuel Mujica (12 Agosto 2017). "Luz García está de vuelta en la pantalla local" [Luz García is back on the local screen]. Primera Hora (sa wikang Kastila). Nakuha noong 31 Disyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nkosi, Nomaswazi (20 Agosto 2012). "Countdown to the Miss SA pageant". Sowetan Live (sa wikang Ingles). Nakuha noong 31 Disyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)