Murasaki Shikibu
Murasaki Shikibu | |
---|---|
Kapanganakan | c. 973 Kyoto |
Kamatayan | c. 1014 Kyoto |
Trabaho | Utusan sa korte ng Heian |
Kaurian | nobela, panulaan |
Paksa | Mga damit sa korteng Hapon |
(Mga) kamag-anak | Fujiwara no Tametoki, ama |
Si Murasaki Shikibu (紫式部; c. 973–c. 1014 o 1025), ay isang Hapon na nobelista, manunula at utusan sa korteng imperyal noong panahon ng Heian. Kilala siya bilang may-akda ng Ang Istorya ni Genji, na nasulat sa wikang Hapon noong mga 1000 hanggang 1008 (mga 1010[1]), isa sa mga pinakauna at kilalang mga nobela sa kasaysayan. Hindi "Murasaki Shikibu" ang tunay niyang pangalan; hindi alam ang aktuwal na pangalan niya, bagaman may mga iskolar ang nagsasabi na maaaring Takako (para sa Fujiwara Takako) ang pangalan niya. Nakasaad sa kanyang talaarawan ang palayaw na "Murasaki" sa korte, pinangalan sa isang karakter sa Ang Istorya ni Genji. Tumutukoy naman ang "Shikibu" sa posisyon ng kanyang ama sa Kagawaran ng Seremonya (shikibu-shō).
Bago isinulat ni Murasaki ang Ang Istorya ni Genji, nagsusulat na siya ng isang talaarawan, isang kaugalian ng mga babaeng nasa korte ng Emperador ng Hapon. Bukod sa Ang Istorya ni Genji, nagsulat din siya ng isang maikling kuwento, ang Izumi Shikibu nikki, na kinabibilangan ng ilang mga tula.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Wrote The Tale of Genji?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 74.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.