Pumunta sa nilalaman

Nekropolis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Nekropolis literal na "lungsod ng mga patay"[1] o "bayan ng mga patay"[2] ay isang uri ng sinaunang simenteryo o libingan ng mga patay.[2] Nagmula ang salitang ito sa pinagsamang mga Griyegong salitang nekros o "patay na katawan" at polis o "lungsod". Sa Sinaunang Gresya at Sinaunang Ehipto, tumutukoy ang salitang ito sa maramihang mga libingang pook na nasa kahabaan ng mga daang malapit sa mga lungsod. Sa kasalukuyan, ginagamit na ang katawagang ito bilang isang pormal na pangalan ng simenteryo.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Necropolis, city of the dead". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 436.
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Necropolis, bayan ng mga patay - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.