Pumunta sa nilalaman

Oda Nobunaga

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Oda Nobunaga
Oda Nobunaga

Si Oda Nobunaga (織田 信長) tungkol sa tunog na ito Oda Nobunaga  (23 Hunyo 1534 – 21 Hunyo 1582) ay ang nagpanimula ng pagkakaisa ng Hapon sa ilalim ng pamumuno ng Shogun sa patapos na bahagi ng ika-16 na siglo na ang pamumuno ay nagtapos lang nang magbukas ang Hapon sa Kanluraning mundo noong 1868. Siya ay isang kilalang daimyo noong panahong Sengoku ng kasaysayan ng Hapon. Ang kanyang pamamaraan ng pamumuno ay ipinagpatuloy, hinubog at tinapos ng kanyang mga kahalili na sina Toyotomi Hideyoshi at Tokugawa Ieyasu. Siya ang ikalawang anak ni Oda Nobuhide, isang shugo (gobernador panghukbo) na may pagmamay-ari ng lupa sa Lalawigan ng Owari.[1][2] Si Nobunaga ay nabuhay ng kasama ang mga sunod-sunod na mga pananakop ng hukbo at bago siya mamatay noong 1582, nasailalim na ng kapangyarihan niya ang ikatlong bahagdan ng daimyong Hapones. Ang kahalili niya na si Toyotomi Hideyoshi, isang tapat na tagasunod ni Oda ang magiging kauna-unahang tao na sasakop sa buong Hapon at ang kauna-unahang tao na mamumuno sa buong Hapon simula n Digmaang Ōnin

Ang paruparong mon ng Taira ay tinatawag na Ageha-cho (揚羽蝶) sa Hapones.

Naaayon sa pagsanggunia, si Oda Nobunaga at ang buong angkang Oda ay nagmula sa angkang Fujiwara o ang angkang Taira (tiyak na sangay ni Taira no Shigemori). Ang kanyang pinagmulan ay tuwirang naituturo sa kanyang kalolo-lolohan na si Oda Hisanaga na sinundan ni Oda Toshihada, Oda Nobusada, Oda Nobuhide at mismong si Nobunaga.

Pinakamalapit na mga kamag-anak

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Nobunaga ay ang pinakamatandang tunay na anak ni Nobuhide, isang maliit napanginoong maylupa sa Lalawigang Owari at Tsuchida Gozen na ang ina ng kanyang tatlong kuya Nobuyuki, Nobukane ant Hidetaka at dalawa sa kanyng mga ate (Oinu at Oichi). Ang kanyang mga kuya ay ang mga sumusunod:

Pinakasalan ni Nobunaga si Nōhime, anak na babae ni Saitō Dōsan bilang isang istratehiyang pampolitika.[1] ngunit hindi siya makapag-anak at tinitingnan na bilang isang baog. Ang kanyang mga kerida na sina Kitsuno at Babaeng Saka ang nakapagbigay sa kanya ng mga anak. Si Kitsuno ang nakapagbigay kay Nobunaga ng kanyang panganay na anak na lalaki na si Nobutada. Ang anak na lalaki ni Nobutda na si Oda Hidenobu ang anging pinuno ng angkang Odamatapos ng pagkamatay nina Nobunaga at Nobutada.

Oichi

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Oda Nobunaga Naka-arkibo 2012-02-25 sa Wayback Machine.. Samurai Wiki. Accessed 15 Setyembre 2007.
  2. Jansen, Marius. (2000). The Making of Modern Japan, p. 11.

Babala: Madadaig ng susi ng pagtatakdang "Nobunaga, Oda" ang mas naunang susi ng pagtatakdang "Oda, Nobunaga".