Pumunta sa nilalaman

Paco, Maynila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Paco

Mapa ng Maynila na pinapakita ang lokasyon ng Paco

Lungsod Maynila
Populasyon (2000) 64,184
– Kakapalan bawat km²
Lawak km²
Mga barangay 43
– Distritong pang-Kinatawan Ika-limang at ika-anim na distrito

Ang Paco ay isang distrito ng Maynila, Pilipinas. Matatagpuan ito sa timog ng Ilog Pasig at San Miguel, kanluran ng Sta. Ana, timog-kanluran ng Pandacan, hilaga ng Malate, hilagang-kanluran ng San Andres, at Silangan ng Ermita. Sang-ayon sa sensus ng 2000, mayroon itong populasyon na 64,184 katao sa 13,438 sambahayanan. [1]

Parke ng Paco

Dating kilala ang Paco bilang Dilao dahil sa mga halaman na lumilikha ng dilaw na kulay, kung saan dating maraming mga ganitong halaman sa distritong ito. [2] Bagaman, may mga nagsasabing,[3][4] ipinangalan itong Dilao o "Plaza Dilao" ng mga Kastila dahil sa higit sa 3,000 mga Hapon ang tumira dito na sinasalarawan ang kanilang anyo. Ang mga misyoneryong Franciscano ang nagtatag ng bayan ng Dilao noong mga 1580. [2]

Ginamit ang pangalang Dilao hanggang 1791 noong panahon ng pamamahala ni Gobernador-Heneral Félix Berenguer de Marquina. Dinagdag ang mga katagang "San Fernando" sa pangalan nito at naging San Fernando de Dilao. [2] Noong ika-19 dantaon, ang San Fernando de Dilao kasama ang Sta. Ana, San Juan del Monte at San Pedro de Macati ay mga ikalawang pangkat na mga bayan na naging bahagi ng Maynila.[5]Nang kalaunan naging Paco de Dilao[6] at Paco, ang kasalukuyang pangalan nito.

Nahahati ang Paco sa mga 43 barangay:

  • Barangay 662
  • Barangay 664-A
  • Barangay 671
  • Barangay 672
  • Barangay 673
  • Barangay 674
  • Barangay 675
  • Barangay 676
  • Barangay 677
  • Barangay 678
  • Barangay 679
  • Barangay 680
  • Barangay 681
  • Barangay 682
  • Barangay 683
  • Barangay 684
  • Barangay 685
  • Barangay 809
  • Barangay 810
  • Barangay 811
  • Barangay 812
  • Barangay 813
  • Barangay 814
  • Barangay 815
  • Barangay 816
  • Barangay 817
  • Barangay 818
  • Barangay 819
  • Barangay 820
  • Barangay 821
  • Barangay 822
  • Barangay 823
  • Barangay 824
  • Barangay 825
  • Barangay 826
  • Barangay 827
  • Barangay 828
  • Barangay 829
  • Barangay 830
  • Barangay 831
  • Barangay 832
  • Barangay 686
  • Barangay 687

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-17. Nakuha noong 2008-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-13. Nakuha noong 2009-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://ph.pagenation.com/mnl/Paco_120.9997_14.5808.map
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-24. Nakuha noong 2008-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-01-12. Nakuha noong 2008-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-25. Nakuha noong 2008-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-10-25 sa Wayback Machine.