Pumunta sa nilalaman

Peregrino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang manlalakbay na may pakay o peregrino (Ingles: pilgrim, mula sa Latin na peregrinus) ay isang taong naglalakbay (literal na "isang tao na nagmula sa malayo") na nagsasagawa ng isang paglalakbay papunta sa isang banal na pook. Sa karaniwan, isa itong pisikal na pagbibiyahe (madalas na naglalakad) papunta sa isa o maraming mga lugar na mayroong kahalagahang natatangi para sa tagapagtangkilik ng isang partikular na sistema ng paniniwala o pananalig. Sa espiritwal na panitikan ng Kristiyanismo, ang diwa ng peregrino at pilgrimahe o pamamakay (peregrinasyon) ay maaaring tumukoy sa karanasan ng buhay sa mundo na itinuturong bilang isang panahon ng "pagdedestiyero" o "pagtatapon" ng sarili) o papunta sa panloob na landas ng aspirante o naghahangad na malayo mula sa isang kalagayan ng pagkaaba (pagkahamak o kaimbihan) papunta sa isang katayuan ng pagkakaroon ng banal na kapalaran.

TaoRelihiyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.