Pumunta sa nilalaman

Planetang menor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Diagrama ni Euler na pinapakita ang mga uri ng mga bagay sa Sistemang Solar

Ang isang planetang menor (Kastila: planeta menor, Ingles: minor planet) ay isang bagay na pang-astronomiya na direktang umorbita sa palibot ng Araw (o mas malawak na kahulugan, kahit anumang bituin sa isang sistemang planetaryo) na hindi isang planeta ni hindi eklusibong inuuri bilang isang kometa.[a] Bago ang 2006, opisyal na ginamit ng International Astronomical Union (IAU o Pandaigdigang Unyong Astronomiko) ang katawagang minor planet (planetang menor), ngunit sa pagpupulong noong taon na iyon, muling inuri ang mga planetang menor at kometa sa mga planetang unano at mga maliit na bagay sa Sistemang Solar o small Solar System bodies (SSSBs).[1]

Kabilang sa mga planetang menor ang mga asteroyd (mga bagay na malapit-sa-Daigdig, mga tumatawid sa Marte, mga pangunahing sinturon ng asteroyd, at mga troyano ng Hupiter), gayon din ang mga malayong planetang menor (mga cenatauro at mga bagay na transneptuniyano), na matatagpuan ang karamihan sa sinturon ng Kuiper at sa diskong nakakalat. Noong Hunyo 2021, mayroong 1,086,655 kilalang mga bagay, na mahahati sa 567,132 nakanumero (siniguradong mga tuklas) at 519,523 di-nakanumerong planetang menor, na lima lamang dito ang opisyal na kinikilala bilang planetang unano.[2]

Ceres ang natuklasang planetang menor noong 1801. Ginamit ang katawagang planetang menor simula pa noong ika-19 na dantaon upang isalarawan ang mga ganitong bagay.[3] Ginagamit din ang katawagang planetoyd (Ingles: planetoid), lalo na para sa mas malaking planetaryong mga bagay tulad ng mga tinatawag ng IAU bilang mga planetang unano simula noong 2006.[4][5] Sa kasaysayan, humigit-kumulang magkasingkahulugan ang asteroud, planetang menor, at planetoyd.[4][6] Naging mas komplikado ang terminolohiyang ito sa pagkakatuklas ng napakamaraming planetang menor lampas ng sa orbita ng Hupiter, lalo na ang mga bagay na transneptuniyano na pangkalahatang tinuturing na mga asteroyd.[6]

  1. Ang mga bagay (pangkalahatang centauro) na hindi orihinal na natuklasan at inuri bilang mga planetang menor, subalit natuklasan sa kalaunan na mga kometa ay nakatala sa parehong mga planetang minor at kometa. Ang mga bagay na nauri bilang mga kometa ay hindi dalawang uri..

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Press release, IAU 2006 General Assembly: Result of the IAU Resolution votes, International Astronomical Union, Agosto 24, 2006. Hinango noong Mayo 5, 2008 (sa Ingles).
  2. "Latest Published Data" (sa wikang Ingles). Minor Planet Center. 1 Hunyo 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2019. Nakuha noong 17 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. When did the asteroids become minor planets? Naka-arkibo 2016-06-12 sa Wayback Machine., James L. Hilton, Astronomical Information Center, United States Naval Observatory. Hinango noong Mayo 5, 2008 (sa Ingles).
  4. 4.0 4.1 Planet, asteroid, minor planet: A case study in astronomical nomenclature, David W. Hughes, Brian G. Marsden, Journal of Astronomical History and Heritage 10, #1 (2007), pp. 21–30. Bibcode:2007JAHH...10...21H (sa Ingles)
  5. Mike Brown, 2012. How I Killed Pluto and Why It Had It Coming (sa Ingles)
  6. 6.0 6.1 "Asteroid Naka-arkibo 2009-10-28 sa Wayback Machine.", MSN Encarta, Microsoft. Hinango noong Mayo 5, 2008. 2009-11-01 (sa Ingles).