Pumunta sa nilalaman

Solenopsis daguerrei

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Solenopsis daguerrei
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Subpamilya:
Sari:
Espesye:
S. daguerrei
Pangalang binomial
Solenopsis daguerrei
(Santschi, 1930) [2]
Kasingkahulugan

Solenopsis acuminata (Borgmeier, 1949)

Ang Solenopsis daguerrei ay isang uri ng parasitikong langgam na katutubo sa bansang Argentina at Uruguay [1]. Ang mga batang reyna ng uring ito ay lumulusob sa mga pugad ng iba pang uri ng langgam tulad ng mapaninsalang Solenopsis invicta na mas kilala sa tawag na "red imported fire ant" o (RIFA) . Ang reyna ng S. daguerrei ay nagpapalabas ng mga pheromone na katulad sa pinapalabas ng mga reyna ng mga uri na binibiktima niya. Ang batang reyna ay hinahanap ang reyna ng binibiktimang uri at kumakapit dito. Kinakain niya ang pagkain na dapat sa totoong reyna at unti-unti niyang pinapatay ito. Pagkatapos ay nangingitlog ang reynang S. daguerrei. Inaalagaan ang mga itlog ng mga trabahador ng kanyang biktimang uri, minsan mas inaalagaan pa ito kaysa sa mga itlog ng kolonya nila. Ang S. daguerrei ay mga lalake at birhen na reyna lamang. Walang ipinganganak na trabahador dahil ang biktimang uri na ang nagbibigay nito. Ang mga may pakpak na langgam ay nagsasama sa pangkasalang paglipad upang makipagtalik at manalakay ng iba pang kolonya.

Ang S. daguerrei ay may potensiyal na maging biolohikal na pampigil sa mga RIFA na tinuturing na nananalakay na uri o invasive species sa maraming bahagi ng daigdig. Noon pang 2006 ay tinutuklas na ang mga paraan ng pagparami at pagpapakawala ng mga langgam na ito upang mabawasan ang populasyon ng mga RIFA. Sa kanilang katutubong lugar na Timog Amerika, halos 1-4 % ng mga kolonya ng RIFA ay may S. daguerrei. Ang Solenopsis richteri ay inaalam rin kung mabisang pangkontra ng RIFA.

  1. 1.0 1.1 Social Insects Specialist Group (1996). "Solenopsis daguerrei". IUCN Red List of Threatened Species. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-30. Nakuha noong 2007-08-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Solenopsis daguerrei". Integrated Taxonomic Information System.