Pumunta sa nilalaman

Teodoro Gener

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Teodoro Gener
Trabahomanunulat

Si Teodoro E. Gener ay kasama sa pangkat ng mga makatang makaluma o konserbatibo tulad nina Deogracias Rosario at Jose Corazon de Jesus sa Samahang Ilaw at Panitik. Isa siyang makata, nobelista mananagalog mula sa Bulacan. Siya ang nagsalin sa Tagalog ng nobelang Kastila na Don Quijote Dela Mancha. Ito ang itinuring niyang Obra Maestra. Tinagalog din niya ang sinuring Kodigo Penal.

Ang pagkakasalin niya sa Tagalog ng Don Quijote ang nagbigay sa kanya ng higit na karangalan sapagkat pinag-kalooban siya ng gantimpala ng Companya Tabacalera.

Kabilang sa mga tulang naisulat niya ay Ang Guro, Ako'y Pilipino, Ang Masamang Damo, Ang Buhay, Ang Matanda sa Nayon at Ang Pag-ibig. Akda niya ang isang aklat na ginagamit sa panulaang Tagalog na ang pamagat ay Ang Sining ng Tula na lumabas noong 1958.

Ang katipunan ng kanyang mga tula ay pinamagatang Salamisim. Tradisyunal siyang manunulat ng tula, tagasunod siya ni Balagtas sa pagtula subalit sa pagbabago ng panahon, nagbago rin ang anyo ng kanyang tula - sinubukan niya ang malayang taludturan.

Noong 13 Nobyembre 1936, ang Commonwealth Act no. 184 ay napasa na nagtatag sa Institute of National Language o Surian ng Wikang Pambansang http://panitikan.com.ph/organizations/kwf.htm Naka-arkibo 2009-04-18 sa Wayback Machine. na inatasang magsuri at magsaliksik sa pagbuo ng isang wikang pambansa. Ang wikang Tagalog ang napili na maging basehan para sa wikang pambansa.

Si Teodoro Gener, kasama ang iba pa mula sa Institute, ay gumawa at naglabas ng mga mahahalagang sulatin patungo sa layuning magbuo ng pambansang wika ng Pilipinas. Ilan sa mga sinulat ni Teodoro Gener ay ang Duplo't Balagtasan ( 1949 ), Essentials of Tagalog ( 1940 ), Our National Language: Studies in Grammar ( 1940 ), Ang Kudlit at Tatas ng Wikang Tagalog ( 1940 ), at Taluntunan ( Balangkas ng Balarila ).

Ang kalye Teodoro Gener sa panuukan ng E. Rodriguez Sr. Avenue, sa Lungsod ng Quezon, Metro Manila ay napangalanan bilang pagkilala kay Teodoro E. Gener sa kanyang kontribusyon sa wikang Pilipino.