Pumunta sa nilalaman

Tubo (ekonomika)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa neoklasikong teoriyang mikroekonomika, ang terminong tubo, kita, o kinita (Ingles: profit) ay may dalawang magkaugnay ngunit natatanging mga kahulugan. Ang normal na tubo ay kumakatawan sa kabuuang mga gastos ng oportunidad(parehong hayagan at hindi hayagan) ng isang pakikipagsapalaran sa isang imbestor (namumuhunan) samantalang ang ekonomikong tubo ay kahit papaano sa ekonomikang neoklasiko na nananaig na modernong ekonomika ang pagkakaiba sa pagitan ng kabuuang kita (revenue) ng isang negosyo at lahat ng mga gastos (kabilang ang normal na tubo).[1] Ang isang kaugnay na konsepto na minsang itinuturing na ka-sinonimo sa ilang mga konteksto ang sa rentang ekonomiko. Sa ekonomikang klasiko at ekonomikang Marxiano, ang tubo ang pagbabalik sa may ari ng kapital na stock (mga paraan ng produksiyon) sa anumang pagpupursiging produktibo na sumasangkot sa trabaho o isang pagbabalik sa mga bono at salaping pinuhunan sa mga pamilihang kapital.[2] Spesipiko sa teoriyang ekonomikang Marxian, ang maksimisayon ng tubo at ang akumulasyon ng kapital ang nagpapatakbong pwersa sa likod ng isang gawaing ekonomiko sa loob ng mga sistemang ekonomiko ng kapitalista. Ang ilang mga uri ng tubo ay nireperensiya kabilang ang tubong panlipunan(na kaugnay ng mga eksternalidad). Ito ay hindi dapat ikalita sa tubo sa akawnting na katumbas ng kita na binawasan lamang ng mga hayagang gastos[1] at supertubo na isang konsepto sa teoriyang ekonomikang Marxian. Ang tubo ay hindi ka-sinonomio ng mga konsepto ng pagiging matubo at ang motibong tubo .

Normal na tubo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang normal na tubo ay isang kasangkapat ng (hindi hayagan na) mga gastos at kaya ay hindi kasangkapan ng tubo ng negosyo. Ito ay kumakatawan sa gastos ng oportunidad para sa negosyo dahil ang panahon na ginugugol ng may-ari sa pagpapatakbo ng negosyo ay maaaring igugol sa pagpapatakbo ng iba pang negosyo. Ang kasangkapan ng negosyo ng normal na tubo ay kaya ang tubo na itinuturing ng may ari ng negosyo na kailangan upang gumawa sa pagpapatakbo ng negosyo na karapat dapat sa kanyang panahon, i.e. ito ay makikumpara sa susunod na pinakamahusay na halaga na makukuha ng negosyante sa paggawa ng isa pang trabaho.[1] Sa partikular kung ang negosyo ay hindi kasama bilang isang paktor ng produksiyon, ito ay makikita rin bilang isang pagbabalik sa kapital para sa mga namumuhunan kabilang ang negosyante na katumbas ng pagbabalik sa kapital na maaaring maasahan ng may ari na dinagdagan ng kompensasyon para sa panganib.[3] Sa ibang mga salita, ang gastos ng normal na tubo ay iba iba sa parehong loob at buong mga industriya. Ito ay proporsiyonal sa pagiging mapangaibn na nauugnay sa bawat uri ng pamumuhunan ayon sa spektrum na panganib-pagbabalik. Ang tanging mga normal na tubo ang lumilitaw sa mga sirkunstansiya ng perpektong kompetisyon kapag ang mahabang takbong ekwilibrium na ekonomiko ay naabot. Walang pabuya para sa mga negosyo na pumasok o umalis sa industriya. [3]

Tubong ekonomiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang tubong ekonomiko ay lumilitaw kapag ang kita ay lumagpas sa gastos ng oportunidad ng mga input, na ang mga gastos na ito ay kinabibilangan ng gastos ng ekwidad na kapital na natatagpo ng mga normal na tubo. Kung ang isang negosyo ay gumagawa ng isang kawalang ekonomiko (ang tubong ekonomiko nito ay negatibo), sumusunod na ang lahat ng mga gastos ay hindi natatagpo ng buo at ang negosyo ay mas mabuting umalis sa industriya sa mahabang pagtakbo. Sa mga termino ng mas malawak na ekonomiya, ang tubong ekonomiko ay nagpapakita na ang mga mapagkukunan ay ginagamit sa mga magagamit na pagsisikap samantalang ang mga kawalang ekonomiko ay nagpapakita na ang mga magpapakunang ito ay mas mabuting gawain sa iba pa. [4]

Sa mga kompetetibo at magpapatalunang mga pamilihan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tanging sa maikling pagtakbo ang isang negosyo sa isang perpektong kompetetibong pamilihan ay makagagawa ng isang tubong ekonomiko.

Ang tubong ekonomiko ay hindi nangyayari sa perpektong kompetisyon sa mahabang takbong ekwilibrium. Kung nangyari ito, magkakaron ng pabuya para sa mga bagong negosyo na pumasok sa industriya na tinulungan ng kawalan ng mga harang sa pagpasok hanggang wala nang anumang tubo.[3] Habang ang mga bagong negosyo ay pumapasok sa industriya, ang mga ito ay nagtatas ng suplay ng produktong makukuha sa pamilihan at ang mga bagong negosyo ay napwersang magpabayad ng isang mas mababang presyo upang mahikayat ang mga konsumer na bumili ng karagdagang suplay na sinusuplay ng mga negosyong ito (ang mga ito ay nakikipagtunggalian sa mga kostumer).[5][6][7][8] Ang mga negosyong may hawak ng posisyon sa pamilihan bilang suplayer ay nahaharap sa pagkawala ng kanilang mga umiiral na kustomer sa mga bagong negosyong pumapasok sa industriya at kaya ay napupwersa na babaan ang kanilang mga presyo upang tumugma sa mas mababang mga presyong itinakda ng mga bagong negosyo. Ang mga bagong negosyo ay patuloy na papasok sa industriya hanggang ang presyo ng produkto ay naibaba sa puntong ito ay pareho gaya ng aberaheng gastos ng paglikha ng produkto ang lahat ng mga tubong ekonomiko ay naglalaho.[5][6] Kapag ito ay nangyayari, ang mga ahenteng ekonomiko sa labas ng industriya ay hindi nakahahanap ng pakinaban sa pagpaso sa industriy, ang suplay ng produkto ay humihinto sa pagtaas at ang presyong ipinababayad sa produkto ay nagiging matatag.[5][6][7] Ang pareho ay totoo rin sa mahabang takbong mga ekwilibrium ng monopolistikong kompetisyonng mga industriya at sa pangkalahatan ang anumang pamilihan na itinuturing na mapagtatalunan. Sa normal na paglalarawan, ang isang negosyo na nagpapakilala ng isang diperensiyadong produkto ay sa simula maaaring makamit ang kapangyarihang pamilihan sa isang maikling panahon. Sa yugtong ito, ang simulang presyo na dapat bayaran ng konsumer para sa produkto ay mataas at ang pangangailangan para dito gayundin bilang makukuhang produkto sa pamilihan ay malilimitahan. Gayunpaman, sa mahabang tako, kapag ang pagiging matubo ng isang produkto ay naitatag ng mahusay, at dahil mayroon ilang mga haran sa pagpasok,[5][6][7] ang bilang ng mga negosyong lumilikha ng produktong ito ay dadami hanggang sa ang makukuhang suplay ng produkto ay kalaunang magiging relatibong malaki, ang presyo ng produkto ay lilit sa lebel ng aberaheng gastos ng paglikha ng produkto. Kapag ito ay sa wakas nangyari, ang lahat ng mga monopolyong nauugnay sa paglikha at pagbebenta ng produkto ay naglalaho at ang simulang monopolyo ay nagiging isang kompetetibong industriya.[5][6][7] Sa kaso ng mapagtatalunang mga pamilihan, ang siklo ay kadalasan nagwawasak sa paglisan ng dating "tama at takbong" mga pumapasok sa pamilihan na nagbabalik sa industriya sa nakaraan nitong estado, na tanging may mas mababang presyo at walang tubong ekonomiko para sa mga negosyong nasa posisyon ng suplayer sa pamilihan. Gayunpaman, ang tubo ay maaaring mangyari sa isang kompetetibo at mapagtatalunang mga pamilihan sa maikling pagtakbo dahil ang mga negosyo ay nagtutunggali para sa posisyon sa pamilihan. In the case of contestable markets, the cycle is often ended with the departure of the former "hit and run" entrants to the market, returning the industry to its previous state, just with a lower price and no economic profit for the incumbent firms. Kapag naisaalang alang na ang panganib, ang pangmatagalang tubong ekonomiko sa isang kompetetibong pamilihan ay kaya nakikita bilang resulta ng patuloy na pagbabawas ng gastos at pagpapabuti ng pagganap na mas una sa mga katunggali sa industriya na pumapayag sa mga gastos na maging mas mababa sa itinakda ng pamilihang presyo.

Sa mga hindi kompetetibong pamilihan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang isang monopolista ay maaaring magtaka ng isang presyong sobra sa mga gastos na gumagawa ng tubong ekonomiko(may lilim). Ang nasa itaas na larawan ay nagpapakitang ang monopolista (isa lamang negosyo sa industriya o pamilihan). Ang oligopolyo ay karaniwang isang tubong ekonomiko rin ngunit karaniwang nahaharap sa isang industriya o pamilihan na may higit sa isa lamang negosyo(ang mga ito ay dapat magsalo ng makukuhang pangangailangan sa presyo ng pamilihan)

Gayunpaman, ang tubong ekonomika ay mas laganap sa mga hindi kompetetibong pamilihan gaya ng sa isang perpektong sitwasyong monopolyo o oligopolyo. Sa mga eksenang ito, ang mga indibiwal na negosyo ay may ilang elemento ng kapangyarihan sa pamilihan. Bagaman ang mga monopolista ay nalilimitahan ng pangangailangan ng konsumer, ang mga ito ay hindi tagakuha ng presyo kundi bagkus ay tagatakda ng presyo o tagatakda ng kantidad. Ito ay pumapayag sa negosyo na magtakda ng presyo na mas mataas sa matatagpuan sa isang pareho ngunit mas kompetetibong industriya na pumapayag sa mga ito sa tubong ekonomiko sa parehong mahaba at maikling pagtakbo.[5][6]

Ang pag-iral ng mga tubong ekonomiko ay nakabatay sa pagiging laganap ng mga harang sa pagpasok. Ang mga ito ay nagpipigil sa ibang mga negosyo na pumasok sa industriya at umubos ng mga tubo,[8] gaya ng kanilang gagawin sa isang mas kompetetibong pamnilihan. Sa mga kaso kung saan ang mga harang ay umiiral ngunit higit sa isang negosyo, ang mga negosyo ay maaaring magsabwatan upang limitahan ang produksiyon at kaya ay naglilimita sa suplay upang masiguro ang presyo ng produkto ay nananatiling sapat na mataas upang masiguro ang lahat ng mga negosyo sa industriya ay nagkakamit ng isang tubong ekonomiko.[5][8][9]

Gayunpaman, ang ilang mga ekonomika, halimbawa si Steve Keen ay nangatwirang kahit sa labis na maliit na halaga ng kapangyarihan sa pamiliha ay maaaring pumayag sa isang negosyo na lumikha ng tubo at ang kawalan ng tubong ekonomiko sa isang industriya o kahit ang ilang produksiyon ay nangyayari sa kawalan, sa at sa sarili nito ay bumubuo sa isang harang sa pagpasok. Sa kaso ng isang kalakal, ang isang positibong tubong ekonomiko ay nangyayari kapat ang aberaheng gastos ng negosyo ay mas mababa sa presyo ng produkto o serbisyo sa output na nagmamaksima. Ang tubong ekonomiko ay katumbas ng kantidad ng output na pinarami ng pagkakaiba sa pagitan ng aberaheng gastos at presyo.

Panghihimasok ng pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kadalasan, ang mga pamahalaan ay susubok na manghimasok sa mga pamilihang hindi kompetetibo upang gawin ang mga itong mas kompetetibo. Ang antitrust sa Estados Unidos o mga batas ng kompetisyon ay nilikha upang mapigilan ang mga makapangyarihang negosyo sa paggamit ng kanilang kapangyarihang ekonomiko na artipisyal na lumikha ng mga harang sa pagpasok na kanilang kailangan upang protektahan ang kanilang mga tubong ekonomiko.[6][7][8] Ito ay kinabibilangan ng predatoryong pagpepresyo sa mga mas maliit na mga katunggali nito.[5][8][9] Halimbawa, sa Estados Unidos, ang Korporasyong Microsoft ay sa simula nahatulan ng paglabag sa batas ng anti-trust at pagsasagawa ng pag-aasal na anti-kompetetibo upang bumuo ng gayong harang sa kasong United States v. Microsoft. Pagkatapos ng isang matagumpay na apela sa basehang teknikal, ang Microsoft ay pumayag na makipag-areglo sa Department of Justice kung saan ito ay naharap sa mahigpit na mga pamamaraang pangangasiwa at mga hayagang pag-aatas[10] na nilikha upang maiwasan ang predatoryo o mapanila nitong pag-aasal. Sa mas mababang mga harang, ang mga bagong negosyo ay maaari mulign pumasok sa pamilihan na gumagawa ng mahabang takbong ekwilibrium na tulad ng isang kompetetibong industriya na walang tubong ekonomiko para sa mga negosyo.

Sa isang niregulang industriya, ang pamahalaan ay sumusuri sa istrakturang marhinal na gastos ng mga negosyo at pumapayag sa mga ito na magpabayag ng isang presyo na hindi mas malaki sa marhinal na gastos nito. Ito ay hindi nangangailangang sumisiguro sa serong tubong ekonomiko para sa negosyo ngunit nag-aalis ng tubong purong monopolyo.

Kung ang nararamdaman ng isang pamahalaan ng impraktikal na magkaroon ng isang kompetetibong pamilihan gaya ng sa kaso ng isang natural na monopolyo, ito ay minsang sumusubok na magregula ng umiiral ng hindi kompetetibong pamilihan sa pamamagitan ng pagkokontrol sa presyo na ipinababayad ng mga negosyo para sa kanilang produkto.[6][7] Halimbawa ang lumang monopolyong (niregulang) AT&T na umiral bago iniutos ng mga korte at ang pagkakahati nito ay kailangang kumuha ng pag-aaproba ng pamahalaan upang utaas ang mga presyo nito. Sinuri ng pamahalaan ang mga gastos ng monopolyo at natukoy na kahit o hindi ang monopolyo ay dapat magkaroon ng kakayahang magtaas ng presyo nito at kung naramdaman ng pamahalaan na ang gastos ay karapat dapat sa isang mas mataas na presyo, itinakwil nito ang applikasyon ng monopolyo para sa isang mas mataas na presyo. Bagaman ang isang niregulang negosyo ay hindi magkakaroon ng tubong ekonomiko na kasing laki gaya ng ito ay nasa hindi niregulang sitwasyon, ito ay maaari pa ring makagawa ng mga tubo ng mataas sa isang negosyong kompetetibo sa isang tunay na pamilihang kompetetibo.[7]

Ibang mga aplikasyon ng terminong ito

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang panlipunang tubo mula sa mga gawain ng isang negosyo ang normal na tubo na dinagdagan o binawasan ng anumang mga eksternalidad na nangyayari sa gawain nito. Ang isang negosyo ay maaaring mag-ulat ng relatibong malaking mga tubong pang-salapi ngunit sa pamamagitan ng paglikha ng mga negatibong eksternalidad ang kanilang tubong panlipunan ay maaaring relatibong maliit. Ang pagiging matubo (profitability) ay isang termino ng kaigihang ekonomiko. Sa matematikal na paglalarwan, ito ay isang relatibong indeks na isang praksiyon na may tubo bilang numerador at lumilikha ng mga daloy na tubo o asset bilang denominador.

Maksimisasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang pamantayang asumpsiyong ekonomiko(bagaman hindi kinakailangang isang perpekto sa tunay na mundo) na ang ang ibang mga bagay ay magkatumbas, ang isang negosyo ay magtatangka na imaksima ang mga tubo nito. [4] Kung ang tubo ay inilarawan bilang ang pagkakaiba ng kabuuang kita at kabuuang gastos, ang isang negosyo ay nagkakamit ng isang maksimum sa pamamagitan ng pagpapatakbo sa punto kung ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa ay nasa pinakamalaki nito. Sa mga pamilihang hindi nagpapakita ng interdependensiya, ang puntong ito ay maaaring matagpuan sa pamamagitan ng pagtingin sa mga kurbang ito ng direkta o sa pamamagitan ng paghahanap at pagpili ng pinakamahusay na mga punto kung saan ang mga lihis ng dalawang mga kurba (marhinal na kita at marhinal na gastos) ay magkatumbas. Sa mga interdependiyenteng pamilihan, ang teoriya ng laro ay dapat gamitin upang mahango ang isang solusyong nagmamaksima ng tubo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Carbaugh, 2006. p.84.
  2. Adam Smith Profit "In general, the classical economists made no serious attempts to explain the nature and source of profits until the 1820s, when they responded to socialist criticism of profit. Smith apparently accepted without question the legitimacy of profits as a payment to the capitalist for performing a socially useful function, namely, to provide labor with the necessities of life and with materials and machinery with which to work during the time-consuming production process."
  3. 3.0 3.1 3.2 Lipsey, 1975. p. 217. Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "lipsey" na may iba't ibang nilalaman); $2
  4. 4.0 4.1 Hirshleifer et al., 2005. p. 160.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 5.6 5.7 Chiller, 1991.
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 6.6 6.7 Mansfield, 1979.
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 7.5 7.6 LeRoy Miller, 1982.
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 Tirole, 1988.
  9. 9.0 9.1 Black, 2003.
  10. "United States of America, Plaintiff, v. Microsoft Corporation, Defendant", Final Judgement, Civil Action No. 98-1232, 12 Nobyembre 2002.