Confucianismo
Ang Confucianismo[1] (Ingles: Confucianism; Tsino: 儒家; pinyin: rú jiā) ay isang sinaunang sistemang pang-etika at pampilosipiyang Tsino na unang pinaunlad mula sa mga turo ni Confucius, isang sinauang paham at pilosopong Tsino. Itinuturo nito ang tao ay sadyang itinulak ng tadhana upang makisalamuha sa kapwa tao sa lipunan. Kaya ang mga abnormal lamang at ang hindi "natural" na tao ang namumuhay sa labas ng mga pamayanan. Ang pakikisalamuha sa kapwa tao ang pinakamahalaga upang mabuhay sapagkat sa lipunan lamang malalaman ng tao sa lipunan ay tinatawag na "jen". Ipinaliwanag ang salitang ito bilang "pagiging mabuti at mapagbigay sa nangangailangan", "simpatya", "pusong makatao" at "makatuwid na kaugalian".[2]
Kasama sa jen ang "pagnanais na makatulong sa iba na maabot nila ang kanilang hangarin'. Dahil dito, ipinanukala na Confucianismo ang tamang aksiyon na makikita sa pagtupad sa mga tungkulin sa lipunan: Pinuno at mga tagasunod; ama at anak; matandang kapatid at nakakabatang kapatid; asawang lalaki at asawang babae;at kaibigan sa kaibigan; at lahat ng relasyon maliban sa huli ay nangangahulugan ng pagkilala ng awtoridad ng isang tao sa nakabababa sa kanya. Subalit maisasakatuparan ng nagsabing awtoridad ng may responsibilidad at pagmamahal. Ang nakabababa ay may tungkulin sumunod nang may pagmamahal at katapatan sa nakakataas sa mantalang ang nakatataas ay may tungkuling magpakita ng responsibilidad ng may pagmamahal ng nakakababa sa kanya.
Ang Confucianismo ay ang pamamalakad ng tao sa halip na batas. Ang pagpapanatili ng kapayapaan at maayos na relasyon ay higit na mahalaga kaysa konsepto ng labis na pagpapairal ng karapatang pang tao. Pinahahalagahan ng Konpusyanismo ang pamilya bilang taga-hubog ng moralidad. Inihahalintulad ang pamilya sa isang paaralan kung saan natutuhan nang bata ang mga responsibilidad at pribilehiyo na mararanasan sa labas ng tahanan. Naniniwala rin ang mga maka-Konpusyanismo sa isang matagumpay na rebolusyon. Tinatawag itong "utos ng langit" (mandate of heaven) sa katauhan ng emperador. Bilang anak ng langit, nagiging matuwid para sa kanila ang mabilis na pagbabago ng maaaring gawin ng estado bilang utos ng langit.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Confucius ay nagsilbing guro sa mga taong kabilang sa relihiyong ito. sa kanyang mahigit 40 taong pagtuturo, lubhang nakatulong ang kanyang mga akda. Ito ang obra niyang "Ang Limang Klasika". Una rito ang Shih Ching o Aklat ng mga Tula, ang Shuh Ching o Aklat ng Kasaysayan. Mayroon ding I Ching o ang Aklat ng Panghuhula, ang Ch'un Ch'iu o Aklat ng Tagsibol at Taglagas, at ang huli ay ang Li Chi o ang Aklat ng Ritwal. Bukod pa sa pag-aaral ng kanyang mga aklat, binigyang-diin din ni Confucius ang paglinang ng katangiang maging isang tunay na "maginoo". Naniniwala si Confucius na ang katangiang ito ay mas malilinang sa loob ng paaralan o sa pamamagitan ng isang mabuting edukasyon. Makikita ito sa kanyang iba pang mga lathain. Tinagurian niya ang katangiang ito na pagiging isang "edukado" o Chuntzu.
Binigyang-diin din ni Confucius ang usapin ng moralidad. Gayundin ang pamumuhay ng moralidad. Gayundin ang pamumuhay ng moderasyon at pamumuhay ng malayo sa kalabisan. Pangunahing interes din ni Confucius na ang pagsasaalang-alang sa tamang pagkilos at pananagutang nakabatay sa limang pangunahing pakikipag-ungnayan ng tao. Lahat ng ito ay makikita sa loob ng ng pamilyang nagbibigay-diin sa konsepto ng herarkiya (antas) na nagangahulugan ng pagsunod at respeto sa nakatataas at pagkilala naman sa karapatan at papel ng nakakababa.
Ugnayang Pantao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tungkulin ng nasa ilalim na sundin at igalang ang nakatataassa kanya. Kapag ang paggalang na ito ay sinunod ng lahat, asahang magkakaroon ng katahimikan at katatagan sa lipunan.[3] Bagama't magkapantay ang mga kaibigan (tingnan ang talaan), malinaw na sa Confucianismo may nakatataas at may nakabababa sa lipunan na dapat sundin.
Nakatataas | Nakabababa |
---|---|
Namumuno | Pinamumunuan |
Ama | Anak |
Asawang Lalaki | Asawang Babae |
Kuya | Nakababatang Kapatid |
Kaibigan | Kaibigan |
Limang Haligi ng Confucianismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit ang mga haligi ng Confucianismo upang makatuto ang mga kailangan upang mamuhay nang mabuti.[4]
Haligi | Sa Tsino | Kahulugan |
---|---|---|
Rén | 仁 | Katauhan, Kabutihan |
Yì | 義/义 | Katarungan |
Lǐ | 禮/礼 | Batas ng Kalikasan |
Zhì | 智 | Karunungan |
Xìn | 信 | Karangalan |
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Santos, Ramon P. (4 Pebrero 2009). "Tungo sa Pagtuklas ng Isang Bagong Teorya sa Musika". National Commission for Culture and the Arts. Nakuha noong 25 Hulyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ http://www.religionfacts.com/confucianism
- ↑ https://asiasociety.org/education/confucianism
- ↑ http://www.foreignercn.com/index.php?option=com_content&id=5047:the-five-constant-virtues-of-china&catid=1:history-and-culture&Itemid=114
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.